tag:blogger.com,1999:blog-73184603817020185312024-02-07T11:00:51.216+08:00Philippine Information Agency BicolPIA Bicol News Roundup: Mga Kaganapan at Balita, Programa at Inisyatibo ng Pamahalaan sa Rehiyon ng BicolPhilippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.comBlogger393125tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-33250848961394124822015-05-05T14:05:00.000+08:002015-05-06T14:05:32.390+08:00Programang kabuhayan, edukasyon sa Camarines Norte, inilahad ng 4 na kagawaran

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Mayo 5 (PIA)—Inilahad ng apat na kagawaran ng gobyerno na tumutulong sa mga maliliit na mga negosyante, kooperatiba at mag-aaral ang kani-kanilang mga programang pangkabuhayan at pang-edukasyon sa ginanap kamakailan na “Talakayan sa PIA” ng Camarines Norte Information Center.

Ang apat ay ang Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Alvin Sayno ng DTI, nakatuon sila sa pagtatayo ng “Negosyo Centers” sa mga bayan kung saan ang lokal na pamahalaan ng Daet ang kauna-unahan sa Camarines Norte na nagbukas nito noong Enero.

Ngayong buwan ng Mayo, DTI naman ang magbubukas sa tanggapan nito, dagdag pa ni Sayno.

Aniya nakatuon ang tanggapan sa pagtulong sa mga negosyante kung kaya’t meron silang iipinapatupad na mga programang pinansiyal, pagsasanay at iba pang tulong upang gawing madali ang pagnenegosyo.

Gayundin sinabi niya na ang isa pa sa malalaking proyekto ng DTI ay “shared service facility” kung saan nagbibigay sila ng mga kagamitan na maaaring gamitin ng mga manufacturers sa pagpoproseso ng mga produkto.

Sinabi naman ni TESDA Provincial Director Conrado Maraan Jr. na ang pagbibigay ng certification sa mga kumuha ng iba’t ibang kurso ng tanggapan tulad ng automotive at computer hardware servicing ay nangangahulugan ng malaking tsansa na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Maraan na ang mga pinalad na makapasa sa kanilang eksaminasyon at magkaroon ng certification ay kinikilala hindi lang dito sa bansa kundi maging sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.

Nilinaw ni Maraan na sa mga paaralan o institusyon na nais magbukas ng mga TESDA programs kinakailangan aniyang tumalima sa mga requirements na hinihingi ng tanggapan tulad ng certification of trainer’s methodology o pagpapatunay na certified at marunong magturo ang mga trainers nito.

Ipinaliwanag ni Maraan na ito ay upang masiguro ang kalidad ng edukasyon sa mga paaralang magbubukas ng mga programa nito.

Ngayong taon naglaan na ang tanggapan ng P10 milyon para sa scholarship grants kasama dito ang Private Education Students Financial Assistance (PESFA). Maari lamang matanggap ito ng ng estudyanteng may taunang kita ang pamilya na hindi lalampas sa P120,000 at hindi pa nakakatuntong sa kolehiyo na.

Ayon naman kay DOLE Officer-In-Charge Provincial Field Officer Jane Rolda nagbibigay ang tanggapan nila ng starter kit o kagamitan na tutugma sa skill o kakayahan ng isang benepisyaryo para sa hanapbuhay tulad ng karpintero, mason at iba pa.

Sinabi niya na meron din silang Tulong Panghanapbuhay Sa Mga Displaced Workers (TUPAD) o disadvantaged workers kung saan lahat ng personal protective equipment na gagamitin ng benepisyaryo, 100% salary o arawang suweldo sa loob ng 10 hanggang 30 araw at micro insurance nila ang babayaran ng DOLE.

Dagdag pa ni Rolda meron silang Special Program for Employment of Students (SPES) para naman sa mga mag-aaral na dati ay umiikot lamang sa 30 araw na paggawa at ngayon ay maaari ng makuha ng benepisaryo sa loob ng 52 araw.

Ayon naman kay Marilou Belgado ng DOST nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng mga pagsasanay kagaya ng complementary food processing at pineapple processing ngayong buwan ng Mayo.

Nilinaw din ni Belgado na hindi working capital ang ipinahihiram ng kanilang tanggapan kundi mga kagamitan o equipment na maaaring umabot mula sa P1 milyon hanggang P10 milyon halaga.

Nabatid pa kay Belgado na sa mga mag-aaral na nais magkolehiyo nagbibigay sila ng DOST scholarship na kung saan dapat 85% ang average grade ng mag-aaral upang makakuha nito.

Sa susunod na taon, wala munang makakakuha nito dahil sa K-12 , dagdag pa ni Belgado.

Ang “Talakayan sa PIA” na ginanap sa Gender and Development Building ng PENRO-DENR.ay pinangasiwaan ni Information Center Manager Rosalita B.Manlangit ng Camarines Norte Information Center at dinaluhan ng mga media mula sa radyo, telebisyon at prensa (RBM/KNR/EAD-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/871430803481/programang-kabuhayan-edukasyon-sa-camarines-norte-inilahad-ng-4-na-kagawaran-#sthash.F1A1xpbQ.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-25434003595405978522015-04-30T14:08:00.000+08:002015-05-06T14:08:48.023+08:00Kamino na dili maagihan kun tag-uran susolbaron san programang pangkatuninongan san gobierno

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 30 (PIA) – Dili man isla an istaran ni Barangay Captain Candelaria Hinlo pero kun tag-uran, literal na nabubulag an inda barangay sa iba na parte san Cawayan, isad na munisipyo na lampas 90 kilometros an distansya sa ciudad san Masbate.

Baga daw kumunoy an 16-kilometros na kamino na nagasumpay sa Barangay Malbug kag sa poblacion san Cawayan na sentro san negosyo kaya dili maagihan san nanuman na sarakyan.

Haros wara na nagalaom an mga residente na mababag-o pa an inda kamutangan hasta na umabot sa inda lugar an caravan san gobierno san Biernes.

Sa tiripon na guin hiwat sa plaza san Malbug, guin pahayag san representante san Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa lampas tres mil na pumuluyo na nagtambong na nagtigana segun saiya an Department of the Interior and Local Governments san P50 milyones para sementuhon an bagan lugaw na parte san kamino.

Segun kan Andres Ativo san DILG an proyekto naghali sa programang PAMANA an sabat san gobierno sa kagustohan san publiko san maghiwat san konsultasyon sa inda lugar.

Bilang reaksyon, segun kan Kapitan Hinlo an nasambit na proyekto an magapatawhay sa lampas kinse mil na pumuluyo na nabubulag sa iba na parte san Masbate sa tiempo sa tag-uran.

An PAMANA, na sa halip-ot na surmaton Payapa at Masaganang Pamayanan, an programa san administrasyong Aquino para sa magkapira na komunidad na napabayaan san gobierno sa mga nakaligad na dekada. (RAL/EAD PIA5-Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/831430376768/kamino-na-dili-maagihan-kun-tag-uran-susolbaron-paagi-sa-programang-pangkatuninongan-san-gobierno#sthash.NctZPzqe.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-79238707207986212732015-04-22T15:07:00.000+08:002015-04-23T15:08:05.378+08:0030 Kabataan na Intern ng DA-Bicol ang magtratrabaho sa isang buwan

LUNGSOD NG NAGA, Abril 22 (PIA) --- Nagsimula ng magtrabaho ang mga Kabataan na pumasa sa eksaminasyon na ibinigay ng Kagawaran ng Agrikultura o DA sa rehiyon Bicol para sa taunang Summer Youth Internship Program (SYIP).

Kamakailan lamang, sa ginawang flag raising ceremony sa compound ng DA-RFU5 sa bayan ng Pili, Camarines Sur malugod na tinanggap ni Regional Executive Director Abelardo R. Bragas pati na rin ng mga Regional Technical Directors, Division Chiefs at mga empleyado ng ahensiya ang halos 30 kabataan na maswerteng nakapasok bilang intern.

Ayon kay EBragas makakatanggap ng P9,000 na minimum wage ang bawat isa bilang pinansiyal na tulong at pang-matrikula sa darating na pasukan sa eskwela.

Mas marami ngayon ang nakapasok sa internship program ng ahensiya kumpara sa nakaraang taon 2014 na umabot lamang sa 20-25 intern ang nakinabang ng programa sabi pa ni Bragas.

Inihayag din ni Bragas, na dapat umunlad ang agrikultura kaysa sa paglago ng populasyon". Kaya, hinihikayat niya ang interns upang maging isa sa mga manguna na itulak ang pagpapabuti ng rural na komunidad para sa maunlad na bansa.

Ang mga aplikante ay dumaan sa proseso na nagtataglay ng mga sumunsunod: mula sa mga pamilya na walang kaugnayan, alinman sa pamamagitan ng pagkakamag-anak, o relasyon sa pinuno ng ahensiya at sa anumang mga opisyal / empleyado ng DA.

Bukas ito sa mga high school at college students o kaya'y nakapag-enroll ng vocational courses pati na rin sa mga out-of-school Youths (OSY) na may edad na 15-25 taong gulang. Hindi na rin pwedeng payagan ang mga dati ng nakinabang sa programng ito .

Kaugnay nito ang iba pang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ay nag-alok din ng kaparehong programa ngayong summer.

Ang Government Internship Program ay hango sa Kabataan Program na sinimulan ng dating Presidente Fidel V. Ramos sa ilalim ng Pilipinas 2000 Program. Hinihikayat dito ang mga mag-aaral sa high school at kolehiyo at maging Out-of-School Youth (OSY) upang makisali sa mga aktibidad para makatulong at maging produktibo sa buong taon. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429673811/30-kabataan-na-intern-ng-da-bicol-ang-magtratrabaho-sa-isang-buwan#sthash.kTwI4z9E.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-65517902566158764782015-04-22T15:06:00.000+08:002015-04-23T15:06:38.008+08:00200 kabataan lumahok sa Summer Workshops ng Camarines Norte

DAET, Camarines Norte Abril 22 (PIA) - Lumahok ang may 200 kabataan sa Summer Workshops na pinangunahan ng Museum Archives and Shrine Curator Division ng pamahalaang panlalawigan na nagsimula noong Lunes, Abril 20 sa kapitolyo dito.

Ito ay ika-17 taon ng isinasagawa kung saan layunin nitong pagyamanin ang angking abilidad at mailabas ang natatagong talento ng mga kabataan ng lalawigan sa pamamagitan ng iba't ibang sining.

Ang mga lumahok dito ay may gulang pito pataas mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Sa kasalukuyan isinasagawa ang Charcoal Painting at Dance Sports Workshops hanggang sa hanggang sa Biyernes, Abril 24.

Sa Abril 27 hanggang ika-1 ng Mayo naman isasagawa ang Acrylic & Oil Painting Workshop gayundin ang Flute Workshop kung saan maaring sumali ang mga interesadong guro at iba pang propesyunal.

Samantala isasagawa naman sa Mayo 4-8 ang Folkdance at Theater Arts Workshops na susundan ng pag-aaral sa pag tugtog ng gitara sa Mayo 11-15.

Upang maipakita naman ng mga kabataan ang kanilang natutunan at pagtatapos na rin ng mga gawain magkakaroon ng Showcase of Talents at Visual Arts Exhibit sa Ika-17 ng Mayo.

Ayon kay Abel Icatlo, museum curator nais ng pamahalaang panlalawigan na pagyamanin ang mga talento at pakikisalamuha ng mga kabataan gayundin mabigyan at maturuan sila ng magandang pag-uugali.

Anya patuloy na tinatangkilik ng mga kabataan at magulang ang nasabing programa upang mabaling sa mas makabuluhang bagay ang oras at bakasyon kaysa na matuon lamang sa mga gadgets at teknolohiya. (MAL/RBM/MAC/PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/871429682007/200-kabataan-lumahok-sa-summer-workshops-ng-camarines-norte#sthash.3LAmkyBZ.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-16359134429563208912015-04-21T15:09:00.000+08:002015-04-23T15:09:32.568+08:00Bagong assistant division commander ng 9th ID sa Bicol binigyan karangalan

LUNGSOD NG NAGA, Abril 21 (PIA) --- Pinangunahan ni Major General Yerson E. Depayso na siyang pinuno ng 9th Infantry (Spear) Division ng Philippine Army sa rehiyon Bicol ang pagbigay ng karangalan kay Brigadier General Ignacio A. Obligacion sa kanyang pagdating sa Camp Elias Angeles ng bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kahapon Abril 20, 2015 isang Arrival Honor ang ginanap sa naturang kampo ng militar upang salubungin si BGEN Obligacion na siyang uupong Assistant Division Commader ng 9th ID, Philippine Army.

Si Obligacion na siyang hahawak ng pwesto ni BGEN Felix J. Castro Jr. na nagretiro mula sa serbisyo ng militar noong Abril 9, 2015.

Ang second-in-command ng 9th ID ngayon ay isang tunay na may dugong Bicolano na nagtapos ng sekondarya sa Bicol Univevrsity, Lungsod ng Legazpi. Naging miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 82 at nagtagumpay sa kanyang tungkulin bilang opisyal ng militar.

Marami siyang natanggap na mga parangal at medals mula sa military at sa sektor ng sibilyan. Gaya ng 3 Distinguished Service Stars, 7 Bronze Cross Medals, 16 na Military Merit Medals, Long Service Medals, Gawad sa Kaunlaran, Sagisag ng Ulirang Kawal, AFP Parachutists Badge, US parachutists Badge, US SR Parachutists Badge, Distinguished Graduate Certificate at marami pang iba.

Ang dating destino ni Obligacion ay sa 16 Special Forces Coy, SFRA, SOCOM,PA. Siya rin ang humawak ng 102nd Brigade ng 1st Infantry Division sa Mindanao. Karamihan ng kanyang serbisyo sa militar ay sa bahagi ng Southern dito sa Pilipinas.

Ayon kay BGen Obligacion, kanyang susuportahan ang programa ng 9th ID para sa pagpapabuti ng mga hakbangin sa kapayapaan at pag-unlad ng rehiyon. Nagpahayag din siya ng kasiyahan dahil sa kanyang pagkakatalaga dito sa Pinakamahusay na Army Units sa bansa.

Samantala, binati naman ni Chief of Staff Colonel Wilfredo M. Melegrito ng 9th ID ang limang bagong na-promote na mga opisyal na sina LTC Benedicto J. De Vera; LTC Romeo C. Jimenea; Major Larry C. Pancho at Major Art R. Villanueva,Santander bilang mga senior official. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429580805/bagong-assistant-division-commander-ng-9th-id-sa-bicol-binigyan-karangalan#sthash.osrLtoDZ.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-85552489331452537812015-04-19T16:15:00.000+08:002015-04-20T16:24:40.800+08:00Barangay na sakop ng forest program sa Albay patuloy na nadaragdagan

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abr 14 (PIA) – Umabot na sa 216 na mga barangay sa Albay ang sakop ng Barangay Forest Program (BFP) na siyang itinuturing na pinakamalaking reforestration program na inilunsad sa probinsiya noong Marso 7, 2015.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol director Gilbert Gonzales kanya nang pinamamadali ang pagbibigay ng mobilization fund sa lahat ng mga barangay na masasakop ng programa upang kanila ng masimulan ang mga proyekto sa ilalim ng programa tulad ng seedling production.

Ang mobilization fund ay 15% ng kabuuang halaga ng proyekto.

Sa ngayon ay aabot na sa 949,719 seedlings ang naipon ng mga sakop na baranggay para sa outplanting sa pagdating ng tag-ulan.

Ani Gonzales, patuloy rin ang technical team ng DENR na binubuo ng mga forest extension officers sa pag-aaral ng mga lugar o baranggay na nararapat para sa BFP upang maabot ang kabuuang target na 1,614 ektarya sa Albay.

Layunin ng DENR na maisama sa BFP ang mga lugar na pagmamay-ari ng LGUs, may katabing sapa, communal forest o watershed, open and denuded forestland at iba pang nararapat na lupain. Ilan sa mga itatanim dito ay mga namumungang kahoy, mangroves, kawayan at iba pa.

Sa ilalim ng BFP, ang DENR ang magbibigay ng pondo sa unang taon ng pagpapatupad ng programa at ang barangay naman ang magsasagawa ng mga proyekto. Sa pangalawa at pangatlong taon naman ay bibigyan na ito ng alokasyon mula sa IRA ng barangay.

Dagdag pa ni Gonzales, ang BFP ay isang paraan ng DENR katuwang ang DILG sa pagsuporta sa National Greening Program na isang priority program ng pamahalaan na may layuning makapagtanim ng 1.5 billion na kahoy sa 1.5 ektarya ng lupain.

Ito ay kasunod rin ng napirmahang kasunduan sa pagitan ng DENR at panlalawigang pamahalaan ng Albay nitong nakalipas na taon upang maparami ang kakahoyan sa lalawigan na isang paraan din sa pagbaka laban sa pagbabago ng panahon at pagbigay proteksyon sa lalawigan sa panahon ng kalamidad.

Ang BFP ay ipinatutupad din sa Ilocos at Davao del Sur bilang mga pilot sites. (MAL/SAA/DENR5/PIA5/Albay)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2571428995290/barangay-na-sakop-ng-forest-program-sa-albay-patuloy-na-nadaragdagan-#sthash.OA36FPiJ.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-8123829192165093752015-04-16T16:10:00.000+08:002015-04-20T16:24:54.435+08:00Libreng X-Ray service, bukas na sa bayan ng San Jose

LUNGSOD NG NAGA, Abril 15 (PIA) --- Bukas na ang serbisyong X-Ray sa San Jose Diagnostic Center at itoy libre sa gustong makinabang ng tulong para sa lahat na lehitimong residente ng bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Ang X-Ray machine ay isang high-voltage device na may pinakamataas na antas ng kapasidad mula sa tube-current adjustment na 10 milli amperes hanggang sa 500 milli amperes ngunit may mas mababang radiation exposure sa bahagi ng pasyente.

Sa gayon, mayroon itong mataas na posibilidad sa pagtuklas ng pinakamaliit na butil ng alien object o depekto sa loob ng katawan ng isang indibidwal mula sa ulo hanggang sa paa.

Noong Abril 7, 2015 pormal na itong binuksan bilang prayority laboratory service ni Alkalde Antonio B. Chavez sa mga mamamayan ng San Jose.

Ayon kay Alkalde Chavez, ito'y isang karagdagan sa iba pang mga libreng serbisyo na ibinibigay ng diagnostic center. Ang iskedyul para sa naturang libreng serbisyo sa X-Ray ay tuwing Martes at Biyernes ng linggo.

Sinabi ni Chavez na ang diagnostic center ay ang pinakabago at modernong X-ray machine kung ito ay ihahambing mula sa mga X-ray machine na pag-aari ng pampubliko at pribadong ospital o medikal na estabilisimento na umiiral sa Partido area.

Ayon naman kay San Jose Municipal Physician Dr. Arnel Armea Doktor, ang mga sumusunod radiologic na pamamaraan ay maaaring gawin sa sumusunod na mga bahagi o parte ng katawan.

Gaya ng Ulo, leeg, dibdib, gulugod, tiyan, urinary tract, obstetrical procedure, skeletal procedures at skull procedures.

Sa unang araw ng pagbukas ng X-Ray Service ay may tatlong pasyente agad ang nakinabang na sina: Erwin Amaro ng barangay Del Carmen na pinag X-Ray sa dibdib; ang mag-asawang Anthony at Elsie Rodriguez ng barangay Soledad na pinaniniwalaan na nagdanas ng bone fractures sa kanilang binti dahil sa aksidente sa sasakyan.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag tungkol sa mga hindi lehitimong residente kung pwede silang makinabang ng libre sa naturang kagamitan. Hinihintay pa ang resolusyon o ordinansa na ipapasa ng Sangguninang Bayan sa paggamit ng serbisyo sa diagnostic center. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429066803/libreng-x-ray-service-bukas-na-sa-bayan-ng-san-jose#sthash.HStvsW06.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-24971062622193038422015-04-15T16:07:00.000+08:002015-04-20T16:07:43.985+08:00Rabies eradication campaign, magdudulot ng trabaho sa Masbatenyos

SYUDAD NG MASBATE, Abril 15 (PIA) – Trabaho para sa higit labin-limang katao ang inaalok ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Masbate kaugnay ng paglunsad nito ng kampanya na puksain ang rabies sa lalawigan.

Nabatid kay Acting Vice Governor Jo Kristine Revil na nangangailangan ang kapitolyo ng mga magsisilbing tagabakuna ng hayop ngayong tag-araw.

Ayon kay Revil, ang mga estudyante o nagtapos sa animal husbandry at katulad na kurso ang uunahing bigyan ng trabaho.

Sinabi ni Revil na ang mga aplikanteng mapipili ay bibigyan ng pagsasanay bago sila magtrabaho sa direksyon ng Masbate Provincial Veterinary Office.

Sa ngayon isa pa lang aniya ang nag-aplay.

Ang rabies ay viral disease na karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng isang hayop na nahawaan nito.

Maaaring ikamatay ng tao ang kagat ng hayop na may rabies.

Ayon sa mga otoridad sa kalusugan, maaaring mahadlangan ang pagkalat ng rabies kaya magkatuwang ang pamahalaan at ang World Health Organization for Animal Health sa pagsugpo nito. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/771429498030/rabies-eradication-campaign-magdudulot-ng-trabaho-sa-masbatenyos#sthash.WnRS98eR.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-63285658804880735722015-04-15T16:02:00.000+08:002015-04-20T16:03:30.282+08:00Mga kabataan nanumpa bilang mga bagong city youth officials

LUNGSOD NG NAGA, Abril 15 (PIA) -- Pormal ng umupo ang mga bagong Naga City Youth Officials para sa taon 2015-2016 na binubuo ng 45 na kabataan bilang city youth mayor, vice-mayor, councilors at mga department heads.

Pingangunahan ni Alkalde John G. Bongat ang ginawang oath-taking ceremony kasabay ng pagbibigay pugay sa mga kabataan ng lungsod noong Abril 13 na ginanap sa city hall grounds pagkatapos ng flag raising ceremony.

Dumaan sa written examination ng programa para sa Naga City Youth Officials ang mga Kabataan para matukoy ang kanilang mga ranggo at posisyon sa lokal na pamahalaan. Isa-isa rin pinag-interview ang Top 45 ng mga miyembro ng City Youth Month Committee sa pamumuno ni City Councilor Ray-an Cydrick Rentoy.

Ang mga 2015 City Youth Officials ay sina: City Youth Mayor Ruby Jane L. Badiola; City Youth Vice-Mayor Kimberly Shayne C. Ocbina. Labing-isang City Youth Councilors na sina: Jeheil Angelica Mari C. Cea; May Anne A. Dionisio; Renan Joseph P. Ortua Jr.; Jessica E. Genotiva; Yna Bernilda V. Barrosa; Jonathan R. San Juan; Loen F. Gonzales; Ella Venecia C. Guaves; Glysa C. Nasayao; Jeffrey P. Peñano at Schemie M. Baylon.

Halos 32 pang mga City Youth Departments naman ang maglilingkod bilang counterpart din ng City Department Heads ng lokal na yunit ng pamahalaan.

Ang bagong mga City Youth Officials na maghahatid at magpapapatuloy ng kalidad na serbisyo sa mga konstitwentes ng siyudad, kasama ang kanilang counterpart na City Officials.

Sa panahong ito, ang mga kabataang opisyal ay mabibigyan ng pagkakataon upang pangasiwaan ang pagpapatakbo ng pamahalaan ng lungsod maliban sa mga lugar, na ang mga patakaran na tumutukoy o nangangailangan ng mga monetary disbursement.

Batay sa ordinansa ng siyudad bilang 2007-008 at nabago ito sa pamagitan ng ordinance no.2009-017 na may petsang Marso 19,2007 at Marso 17, 2009 na ang programa ng Naga City Youth Officials ay naideklara na sa panahon ng Abril 15-May 31 bawat taon ay City Youth Month.

Magsisilbi silang isang buwan at kalahati. Papasok din sila sa regular na oras ng opisina at makakatanggap ng kaukulang sweldo mula sa lokal na pamahalaan. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429070713/mga-kabataan-nanumpa-bilang-mga-bagong-city-youth-officials#sthash.Cyt4WvMD.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-30704622626290317812015-04-13T11:23:00.000+08:002015-04-14T11:24:43.398+08:00Rodeo National Finals kag National Beach Football Festival, dungan na hihiwaton sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 13 (PIA) – Preparado na an probinsya san Masbate sa paghiwat san duha na daragko na sports festival na segurado na makahatag san grabe na kasadyaan san mga turista kag bakasyonista.

Buwas, adlaw san Martes, pormal na paga-abrehan an Rodeo Nationals Finals kag an dako-dako na parada san mga nakakabayo na cowboys kag cowgirls kag mga baka sa mga karsada sa Syudad san Masbate.

Sa Rodeo Arena sa binansagan na rodeo capital san Pilipinas maderitso an parada para tunaan an lima kaadlaw na maaksyon na kompetisyon san mga lokal na cowboys kag cowgirls kontra sa mga dayuhan hali sa upat na kanto san Pilipinas.

Kikilalahon na 2015 Rodeo National Champions an pinakamatibay na team san cowboys kag cowgirls.

Sa Huwebes naman matuna an aksyon sa First National Beach Football Festival sa bagan paraiso na baybayon sa munisipyo san Balud. Maabot isad ka-oras an biyahe sa duta pakadto sa Balud hali sa syudad san Masbate.

An First National Beach Football Festival paga selebraron sa sulod san duha kaadlaw na cierto na magahatag san kasadyaan kag matahom na karanam para sa tanan na maentra kag mga meron.

Napag-araman sa organizers na lampas 700 na atleta kag coaches an nagkumpirma na maentra.

Kaupod sa mga maentra magahali sa football clubs san Boracay, Iloilo, Mindoro, La Salle, University of Santo Tomas kag Far Eastern University.

May unom na events na kun diin makanam an mga atleta an under 10, under 13, under 17 kag men’s kag women’s open.

Segun sa organizers, dili lang an tibay san mga atleta an maipapakita sa mundo kundi an matatahom na beach resorts sa Balud.

Sugad pa lang haros punuan na san mga turista kag bakasyonista an mga hotel sa Balud kag Syudad san Masbate, segun sa mga hotel operators.

An mga atleta sa football libre o pwede magcamping sa baybayon. (RAL/PIA-Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/831428897797/rodeo-national-finals-kag-national-beach-football-festival-dungan-na-hihiwaton-sa-masbate#sthash.R6knOnlq.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-19046637255613303382015-04-10T11:19:00.000+08:002015-04-14T11:20:15.430+08:00Ika-95 pagkakatatag ng Camarines Norte at ika-11 Bantayog Festival, sabay na ginugunita

Ni: Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Abril 10 (PIA) –-- Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ika-95 taon na pagkakatatag ng Camarines Norte bilang isang lalawigan at ika-11 Bantayog Festival na sinimulan noong Abril 5. Nakatakdang magtapos ang mga inihanay na aktibidad kaugnay nito sa Abril 17.

Una ng isinagawa noong Linggo, Abril 5ang Kaogmahan sa Bagasbas at Womens Beach Volleyball ganundin ang pagsisimula ng Bantayog Festival Caravan at futsal clinic naman noong Lunes, Abril 6) sa Agro Sports Center ng kapitolyo probinsiyal.

Ang Search for Binibining Camarines Norte ay gaganapin ngayong araw samantalang ang Regional Dart Championship, Beach Party, Visual Art Exhibit at variety show at fireworks display naman ay mapapanuod bukas, Abril 11.

Magkakaroon din ng Duathlon sa Bantayog Festival at Bantayog Fun Run sa Abril 12. Ang pagbubukas ng Volleyball Clinic at pagsisimula ng Bantayog Provincial Tourism and Trade Exhibit, 1st Provincial 4-H Youth Camp at Talakayan sa Kasaysayan ay gaganapin naman sa ika-13 ng Abril.

Kaalinsabay rin sa naturang araw ang Bantayog Fellowship Parade at libreng gupitan para sa mga matatanda o senior citizens at mga may kapansanan o Persons with Disabilities

Sa Abril 14 ay gagawin naman ang ground breaking at paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Emergency at Rescue Center Cum Info at Rest Area para sa mga turista at motorista na dadaanan o papasok ng lalawigan ng Camarines Norte. Ito ay nakatalaga sa Bitukang Manok sa barangay Tuaca ng bayan ng Basud.

Samantala, sa ika-15 ng Abril na syang pinakatampok na araw o araw ng pagkakatatag ng lalawigan ay sisimulan sa kapitolyo probinsiya ang pagtataas ng bandila na susundan ng banal na misa.

Kaalinsabay rin sa naturang araw ang pagbasbas sa bagong tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kapitolyo at ang pamamahagi ng mga emergency motorcycle para sa mga barangay.

Masasaksihan din sa naturang araw ang Grand Festival Parade at Street Dancing Competition ganundin ang night dance competition.

Kabilang pa sa mga aktibidad at programa sa Abril 16 ang Jobs Fair, Padyak Race at Ms. Environmental Princess.

Pangungunahan naman ng Philippine National Red Cross ang Mass Blood Letting sa Abril 17 sa Agro Sports Center ng kapitolyo at ang Governor’s Thanksgiving and Fellowship Night sa Bagasbas Beach sa bayan ng Daet.

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay itinatag noong Abril 15, 1920 samantalang ang unang Bantayog ni Rizal ay sinimulang itayo sa bayan ng Daet noong ika-30 ng Disyembre 1898 at natapos sa buwan ng Pebrero 1899.

Tema ng selebrasyon ang “Bawat CamNorteno: Kapanalig at Katuwang sa Kaunlaran”. (LSM, RBM,ROV-PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881428645165/ika-95-pagkakatatag-ng-camarines-norte-at-ika-11-bantayog-festival-sabay-na-ginugunita#sthash.uy43WtH4.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-45313080766084684772015-04-09T11:20:00.000+08:002015-04-14T11:22:18.074+08:00Forestry Management Program ng DENR patuloy ang pagtulong sa mga magsasaka sa Bicol

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 8 (PIA) – Patuloy na nagbibigay tulong ang Community-based Forestry Management (CBFM) Program ng Department of Environment and Environment (DENR) sa mga magsasaka sa upland areas o matataas na lugar sa rehiyon ng Bicol sa pamamagitan ng mga pangkabuhayan at agroforestry programs sa ilalim nito.

Ayon kay DENR Bicol director Gilbert Gonzales isinagawa nitong Marso 27 2015 sa DENR multipurpose hall ang MOA signing sa pagitan ng DENR at implementing people’s organizations para sa mga bagong proyekto na isasagawa sa rehiyon ngayong taon.

Kasama dito ang kabuuang 305 ektarya at karagdagang 240 benepisyaryo mula sa lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Catanduanes.

Dagdag pa ni Gonzales, ayon sa datus ng CBFM sa rehiyon mula taong 2007-2015 ay umabot sa 117 sites o kabuuang 49, 142.34 ektarya ng kalupaan ang nasasakop ng program kung saan umaabot na sa 8,824 na indibidwal ang nakikinabang sa buong rehiyon.

Ang mga kalahok sa CBFM program ay ang mga naninirahan sa loob o malapit sa mga kagubatang natukoy ng DENR na nagmamay-ari ng lupang sakahan o nakadepende ang pamumuhay sa mga yamang gubat.

Sila rin ay itinatag na lehitimong people’s organization upang kumatawan sa interes ng bawat kasapi at masigurong ang mga lupaing gubat na ipinagkatiwala sa kanila ay napapangalagaan ng wasto.

Kasama sa mga nagawa na sa rehiyon sa ilalim ng CBFM ay pagsasagawa ng mga bunkhouses at nurseries, pagtatayo ng agroforestry plantation para sa mga kahoy sa kagubatan gayundin ng mga gulay o cash crop production, composting at pagbili at pamamahagi ng kalabaw sa pagsasaka sa mga kasapi sa people’s organizations.

Ang CBFM program ay unang isinagawa sa rehiyong Bicol noong Okotbre 10, 1996 bilang pambansang estratehiya upang maisulong ang sustainable o pangmatagalang paggamit ng yamang gubat ng bansa.(MAL/SAA-PIA5/DENR5)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2571428476590/forestry-management-program-ng-denr-patuloy-ang-pagtulong-sa-mga-magsasaka-sa-bicol-#sthash.1B0iFmTR.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-32341810848968057462015-03-20T15:05:00.003+08:002015-03-20T15:05:58.734+08:00Mga Naguenos, makikiisa sa Earth Hour Observance sa Marso 28

Ni: Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Marso 20 (PIA) --- Gaya ng taon-taon ng nakaugalian, inaasahan ang malawakang suporta na ibibigay ng mga Naguenos sa darating na Sabado, Marso 28 para sa pagdiriwang ng Earth Hour dito.

Kaugnay nito ay hinikayat din ng pamunuan ng Lungsod ng Naga ang iba pa na sumali sa malaking aktibidad na magaganap sa buong mundo simula alas 8:30 hanggang alas 9:30 ng gabi sa huling Sabado ng kasalukuyang buwan.

Sa loob ng isang oras, inaasahan ang pag didilim ng kapaligiran dahil na rin sa panghihikayat sa mga mamamayan na pansamantalang huwag gumamit ng kuryente kaugnay ng Earth Hour observance. Layunin nito na ipakita ang mga pamamaraan upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan.

Ayon kay Alkalde John G. Bongat, ang makahulugang pamamaraan na ito ay naglalayong hikayatin ang mga indibidwal, mga negosyante at pamahalaan sa buong mundo na magsagawa ng pananagutan para sa kanilang mga ecological footprints.

Ayon naman kay Naga City First Lady at Earth Hour 2015 Chairperson Farah R. Bongat, inaasahan na magiging doble ang bilang ng mga lalahok ngayong taon na pagdiriwang ng Earth Hour dahil sa paraan ng pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga tao at sa pamamagitan ng mga social networking sites.

Ang Lungsod ng Naga ay naging aktibo sa paglahok ng Earth Hour simula pa noong 2007 ng ilunsad ito sa pamamagitan ng simpleng kampanya sa pag patay ng ilaw ng sabay sabay sa loob ng isang oras.

Magkakaroon din ng ibat-ibang aktibidad dito sa lungsod kasama na ang advocacy walk at pagbibiseklita. Dadaan ang mga kalahok sa BUSINESS districts ng lungsod upang mas maiparating sa mga mamamayan ang kanilang adhikain. Ang unang bahagi ng programa ay sisimulan bandang 5:30 ng hapon hanggang alas 8:15 ng gabi sa Plaza Quezon.

Ang pangalawang bahagi ay ang pormal na programa ng Earth Hour na gaganapin sa parking area ng SM City Naga kung saan magkakaroon ng video presentation. Sa ganap na 8:29:50 ng gabi masasaksihan ng publiko ang ceremonial switching off ng ilaw sa pamamagitan ng mga bisita at representante ng SM City Naga.

Pagkatapos ng sampung segundong countdown ay susundan naman ng pag-ilaw ng kandila na bubuo ng “60+” sign na palatandaan ng isang oras at isang minutong naka-off ang mga electric lights.

Kaugnay nito, ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o DENR ay nagbigay din ng paanyaya sa mga Pilipino sa magaganap na Earth Hour. (LSM, dabad,PIA-V/Camarines Sur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851426822501/mga-naguenos-makikiisa-sa-earth-hour-observance-sa-marso-28#sthash.fse16Dxy.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-39615813619756660762015-03-20T15:02:00.000+08:002015-03-20T15:02:34.373+08:00Kampanyan laban sa rabis, paiigtingin sa lalawigan ng Camarines Norte

By: Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Marso 20 (PIA) -- Paiigtingin sa lalawigan ng Camarines Norte ang kampanya laban sa rabis upang mabawasan ang bilang nito at maging Rabies Free ang lalawigan sa taong 2016. Ang naturang kampanya inihayag sa sinagawang “Rabies Forum” kahapon, Marso 19sa Paseo de Bienvenidas sa barangay Mantagbac, dito.

Pinangunahan ito ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang mga tanggapan ng Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), local govement units (LGUs) at academe.

Ayon kay Regional Rabies Coordinator Dr. Rona P. Bernales, ang kampanya laban sa rabis ay sa pamamagitan ng Stop Trans-boundary Animal Disease and Zoonoses (STANDZ) Rabies Project Philippines ng World Organization for Animal Health and Australian Aide sa pangunguna ng Bureau of Animal Industry at ng DA.

Kasama sa naturang proyekto ang apat na lalawigan sa rehiyon na may mga kaso ng namatay sa rabis simula taong 2012 hanggang 2014. Kabilang dito ang Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate at Albay.

Ayon pa rin kay Bernales, layunin din ng naturang kampanya na palakasin ang partisipasyon ng mga dog owners sa pagbabakuna ng kanilang mga alagang aso. Target ngayong taon na mabakunahan ang 70 hanggang 80 porsyentog populasyon ng aso.

Hiniling rin nito sa mga -ari ng aso at opisyal ng barangay na isumite ang kanilang dog population upang malaman kung gaano karami ang babakunahang aso para mabigyan ng tamang ng alokasyon sa bakuna. Nakatakda kasi itong gawin ngayong buwan ng Marso hanggang sa darating na Mayo.

Ang pagbabakuna sa aso ay libre mula sa naturang pribadong organisasyon.

Hinihikayat niya rin ang mga namumunong opisyal ng bawat barangay at pamahalaang lokal na suportahan ang programa ng Stands Rabies Project Philippines sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagbabakuna ng ating mga alagang aso.

Batay sa talaan ng Department of Agriculture, 16 ang namatay sa rabis sa Rehiyon Bikol sa nakaraang taon ng 2014 at 22 naman ang naitalang bilang sa taong 2013.

Ang rehiyong bikol ay mayroong kabuuang 329,516 na populasyon ng aso at 193,028 ang nabakunahan sa taong 2014.

Maliban pa dito ay tinalakay din ang rabies control council ng lokal na pamahalaan at barangay at ang rabies eradication program ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Enhance Government Action Towards Year 2016 (EGAY 2016) at ang Rabies-Free Camarines Norte.

Binigyang diin din sa talakayan ang sitwasyon ng canine rabies sa lalawigan kung saan tatlo ang naitalang bilang ng namatay sa taong 2013 at dalawa sa taong 2014 at sa unang kwarter ngayong taon ay isa ang namatay sa kagat ng aso dulot ng rabis ayon na rin kay Acting Provincial Veterinarian Dr. Ronaldo U. Diezmo ng ProVet ng pamahalaang panlalawigan.

Samantala, gagawin naman sa ika-24 ng Marso ngayong taon ang spay and neuter activities sa bayan ng Daet at sa Marso 25 naman sa bayan ng Capalonga para sa mga aso at pusa na magpapa-ligate.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa “Rabies Awareness Month” ngayong buwan ng Marso sa temang “Aso’t Pusang Bakunado sa Rabies Protektado”. (LSM, ReyJun Villamonte/ROV-PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881426820849/kampanyan-laban-sa-rabis-paiigtingin-sa-lalawigan-ng-camarines-norte#sthash.ujVgoZ1D.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-80316620346325778632015-03-17T14:37:00.000+08:002015-03-18T14:37:56.869+08:00Most Outstanding Women sa bayan ng Daet gagawaran ng parangal

By: Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Marso 17 (PIA) -- Gagawaran ng parangal at pagkilala ang mga kababaihan na naging matagumpay sa kanilang larangan, nagsilbing inspirasyon sa mga kapwa kababaihan at nagpakita ng lakas at kakayahan bilang isang babae.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso na may temang “Juana, desisyon mo ay mahalaga sa kinabukasan ng bawat isa, ikaw na!”

Ang screening ay nagsimula na noong Lunes. Ang mga mapipiling indibidwal bilang Outstanding Women ay paparangalan sa ika-30 ng Marso ngayong taon.

Ang naturang aktibidad ay papangunahan ng pamahalaang bayan ng Daet sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang Sangguniang Bayan (SB), Committee on Women and Children, Municipal Council for Women of Daet at ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan ganundin ang partisipasyon ng Gays and Lesbians Community dito.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng blood letting activity na may temang “Babae: Dugo mo, Buhay ko!.

Tampok rin ng pagdiriwang ngayon buwan ang Women’s Congress na gaganapin sa Marso 24 sa Heritage Center ng naturang bayan.

Maliban pa sa mga naturang aktibidad ay nauna ng isinagawa ang oryentasyon para sa mga kababaihang nagtatrabaho sa gabi o mga Entertainment Establishment Workers (EEW).

Layunin nito na maipaabot ang mga programa ng pamahalaang lokal hinggil sa kanilang kalusugan at edukasyon, partikular ang mga usapin na may kaugnayan sa sexually transmitted disease (STD) ganundin ang mga karapatan at kaligtasan ng mga EEWs. (LSM,ROV-PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881426224828/most-outstanding-women-sa-bayan-ng-daet-gagawaran-ng-parangal#sthash.M5vWluD8.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-71495599825727299732015-03-16T14:41:00.000+08:002015-03-18T14:42:17.900+08:00Bagong tanggapan ng DPWH 1st District Engineering Office, opisyal na binuksan sa publiko

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 16 (PIA)-- Opisyal nang binuksan sa publiko ang bagong tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa barangay Guinlajon dito sa lungsod noong Marso 13.

Ayon kay DPWH District Office chief Engr. Ignacio Odiaman ang pondo ng dalawang palapag na tanggapan at makabagong edipisyo ay nagkakahalaga ng P 28, 792.000.00 at nagmula sa General Appropriations Act 2014.

Matatandaang noong biyernes pangunahing bisitang pandangal sa inagurasyon sina Senador Francis Chiz Escudero at Congresswoman Evelina Escudero at opisyal na nagputol ng ribbon at naghawi ng kurtina ng building marker.

Ayon sa naging mensahe ni Kongresista Escudero, panatilihin diumano ang maayos na pamamahala at tanggapin ang sinuman ito man ay mahirap o mayaman na walang sinisino at kinikilingan.

Ang desenyo aniya nito ay maihahalintulad sa salamin bilang patunay na walang anumang itinatago.

Nararapat din aniyang ipagmalaki ito nang mga mangagawa at mga Sorsoganon sapagkat ito ang kauna-unahang edipisyong nalikha sa lalawigan ng Sorsogon.

Mensahe naman ni Senador Chiz Escudero,sana ay mapangalagaan,magamit nang maayos at tama ang bagong gusali.

Hindi lamang upang maging komportable ang kanilang pagtatrabaho bagkus ay maibalik ang magandang serbisyo publiko sa mamamayan na siya nating pinaglilingkuran.

Pagtatapos na mensahe ng Senador naway magpatuloy ang mas magandang nasimulan ng ahensya. (MAL/FBT-PIA5/Sorsogon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581426476767/bagong-tanggapan-ng-dpwh-1st-district-engineering-office-opisyal-na-binuksan-sa-publiko#sthash.efy5KeWc.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-79101996153654970082015-03-16T14:39:00.000+08:002015-03-18T14:40:04.240+08:00Adbokasiya para malabanan ang nakamamatay na rabis , magkatuwang na inilunsad ng GARC, PVO at DepEd sa lalawigan

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 16, 2015 ( PIA) May kasabihan ang aso ang itinuturing na pinakamatalik na kaibigan ng isang tao subalit mananatili pa rin silang mga hayop at malaking banta sa atin at sa mga mahal sa buhay sa oras na ito ay nakakagat.

Ang higit na nakakapangamba dito kung ito ay kontaminado o may taglay na sakit na rabis na maaaring maisalin sa kaninumang tao.

Upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng mamamayan ukol sa panganib na dala ng kagat ng aso ay inilunsad ng Global Alliance For Rabies Control (GARC) ang kauna-unahang Rabies Corner noong Marso 6, 2015 sa Pilar II Central Elementary School sa Putiao, Pilar Sorsogon.

Nakipag-ugnayan din ang GARC sa kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Provincial Veterinary Office (PVO) na nasa ilalim ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon at Lokal na Pamahalaang Bayan ng Pilar Sorsogon.

Sinabi sa panayam ni Dr. Joseph Garay,Medical Officer ng Sorsogon School District, kadalasan aniya ang mga bata ay malapit sa mga aso at kadalasan din sila ang biktima ng pagkakakagat ng mga ito.

Sa pamamagitan aniya ng estratehikong paglalatag ng mga Rabies Corner sa mga paaralan upang magturo sa mga mag-aaral kasama ang mga personahe kung paano sila mapangalagaan pati na rin kanilang mga alagang hayop.

Ang Rabies Corner aniya ay sagana sa impormasyon tulad ng first aid manuals, babasahin ukol sa pagiging responsableng may-ari ng aso, pangangalaga sa hayop na positibo sa rabis at marami pang iba.

Lima namang opisyal ng paaralan kasama ang kanilang mga tauhan at mag-aaral ang naimbitahan na masuri at mapakinggan ang mga ipinapaliwanag ng sa gayon ay makopya rin ito sa iba pang mga paaralan.

Bawat paaralan ay nabigyan din ng kit upang makapagsimula sa kanilang nasasakupang paaralan.

Ayon kay Dr. Garay, malaki ang maiaambag at matututunan nila sa tamang pag-uugali pagdating sa kalusugan na maaring maka-impluwensya sa mga kabataan hanggang sa paglaki ng mga ito.

Nakasaad diumano sa talaan ng World Health Organization (WHO)na umaabot sa 40 porsyento ng mga tao partikular na ang mga batang may edad 15 taong gulang ang nakakagat nang pinaghihinalaang carrier ng sakit na rabies .

Matatandaang ang WHO ay isang espesyalistang ahensya ng nagkakaisang bansa , sila ay nakaalalay upang tumugon sa pangangailang tulad ng kalusugan, sigalot at kagutuman.

Ayon sa doktor, nakakahawa ang kamandag ng rabis at 100 porsyento ang namamatay na tao at hayop sa sakit na ito na walang kalaban laban.

Daan-daan ding mga Pilipino ang pinapatay nito bawat taon ayon sa 2014 istatistika ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH. (MAL/FBT-PIA5/Sorsogon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581426495496/adbokasiya-para-malabanan-ang-nakamamatay-na-rabis-magkatuwang-na-inilunsad-ng-garc-pvo-at-deped-sa-lalawigan#sthash.FtwffafN.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-8617230439650077872015-03-13T14:43:00.000+08:002015-03-18T14:43:45.778+08:00PROVET-Camarines Norte, namahagi ng alagaing hayop sa mga magsasaka

By: Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Marso 13 (PIA) -- Mahigit 4,000 na alagaing hayop ang naipamahagi ng Provincial Veterinary Office (PROVET) ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa mga magsasakito dito nitong nakaraang taon.

Sa naturang bilang, umaabot sa kabuuang 4,805 na kalabaw, baka, kambing at iba pang hayop ang tinanggap ng mga naturang benepisyaryo sa ilalim ng Animal Dispersal Program ng PROVET.

Kaugnay ng animal dispersal ay nagkaroon din ng artificial insemination, pagsasanay sa organic dairy techno at saw weaner project ganundin ang oryentasyon at pagsasanay sa pag-aalaga ng mga ito.

Nagbigay din ng mga bitamina, de-wormer at antibiotics ganundin ang mga babasahin para sa kaalaman ng tamang pangangalaga ng mga naturang hayop. Nagkaroon din ng libreng pagbabakuna o rabies vaccination sa mga aso na syang pangunahing programa ng PROVET upang maiwasan ang kaso ng rabies.

Umaabot naman sa mahigit 12,000 na mga alagang aso ang nabigyan ng Anti-Rabies Vaccine ng naturang tanggapan sa mga barangay ng lalawigan.

Isinasagawa rin ito sa multi-services caravan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Edgardo Tallado upang maihatid ang serbisyo ng kapitolyo sa mga barangay lalo na sa mga malalayong lugar.

Maliban pa dito ay patuloy pa rin ngayong taon ang mga programa kabilang na ang pagkontrol sa rabies, tamang pamamaraan sa pagpapakain ng hayop at pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng Training and Information Education services.

Batay sa talaan ng naturang tanggapan, tatlo ang namatay sa rabies noong 2013 at dalawa naman ang naitalang bilang sa taong 2014. Sa unang kwarter ngayong taon ay isa na ang naitalang namatay sa kagat ng aso dulot ng rabies. (LSM,ROV-PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881426226002/provet-camarines-norte-namahagi-ng-alagaing-hayop-sa-mga-magsasaka#sthash.KvcR13M8.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-67314116271407567032015-03-11T14:44:00.000+08:002015-03-18T14:45:23.066+08:00Kaayusan ng pangangasiwa ng slaughter house sa Sorsogon City, siniguro

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 11 (PIA) -- Pormal na pinulong ng punong lungsod ang mga opisyal na itinalagang nangangasiwa ng Sorsogon Slaughter House o katayan ng mga baboy at baka dito sa lungsod.

Ang pulong ay kaugnay sa problemang ipinaabot ng mga tindero ng karne at apektadong sektor sa palengke sa tanggapan ni Alkalde Sally Lee ukol sa pagkawala ng mga laman-loob ng kanilang mga baboy sa loob mismo ng lugar katayan.

Bilang tugon ng alkalde ay napagkasunduang baguhin ang mga regulasyunes sa slaughter house at ipatupad sa mga trabahador ang pagkuha ng identification cards at police clearances para masigurong mga lehitimong mangagawa lamang ang makapasok sa loob.

Habang ang mga pribadong mangangatay naman ay kinakailangang magdala ng seritipikasyon bilang patunay na sila ang inatasan ng kanilang mga amo.

Marami ang mga alituntuning binago tulad na lamang ng tamang pagtatala ng mga ipinapasok at inilalabas na mga baboy at baka.

Masyado din aniyang maluwag ang seguridad kung kaya’t marami ang mga hindi awtorisadong mga tao na lango sa alak at droga ang malayang nakakalabas masok sa nasabing pasilidad.

Pinangunahan ni Sorsogon City Veterinary Officer Dr. Alex Destura ang naturang pag-uusap kaugnay rin ng problema sa sistema ng sanitasyon o ang pag-obserba sa paggamit ng Butcher dress, guwantes at bota .

Sinabi ni Destura ang derektiba ay ibinaba sa kanyang tanggapan na silipin ang sitwasyon at gumawa ng agarang hakbang at solusyunan ang problemang kinakaharap sa maayos at mahinahong pamamaraan.

Ito ay bilang patunay na walang sinisino at kinikilingan ang administrasyon at nakahandang making sa mga hinaing ng apektadong mamamayan.

Kabilang naman sa mga dumalo at nakinig sa talakayan sina City Traffic Chief Victorino Daria III at City Police Chief Pol. Supt. Aarne Oliquino.

Nagbigay naman ng kasiguruhan si Oliquino na magtatalaga ito ng mga personahe para magpatrulya sa paligid ng Slaughter House para mamantini ang kaayusan. (MAL/FBT-PIA5/Sorsogon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581426060437/kaayusan-ng-pangangasiwa-ng-slaughter-house-sa-sorsogon-city-siniguro#sthash.jse1nI4K.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-34156390172442024122014-02-13T13:56:00.000+08:002014-02-14T13:56:54.209+08:0014 na mag-aaral na nakapasa sa pagsusulit binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Peb. 13 (PIA) -- Binigyan ng pagkilala kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang 14 na mag-aaral na nakapasa sa isinagawang pagsusulit ng Philippine Science High School System (PSHSS) Search for Scholars para sa ngayong taon.

Sa pangunguna ni Bise Gob. Jonah G. Pimentel, pinagkalooban ng Sangguniang Panlalawigan ng Certificate of Recognition ang mga mag-aaral na nakapasa sa PSHSS-Bicol Region Campus mula sa limang paaralan sa elementarya sa lalawigan.

Sa 14 na mag-aaral, anim ang mula sa Daet Elementary School (DES); tig-tatlo sa Montessori Children’s House of Learning (MCHL) at Labo Elem. School (LES), at tig-isa naman sa Vinzons Pilot Elem. School (VPES) at Camarines Norte State College (CNSC).

Ito ay pinagtibay kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolusyon Blg. 020-2014 na kumikilala sa 14 na mga mag-aaral.

Ang tagumpay ng mga mag-aaral ay naghatid ng malaking karangalan hindi lamang para sa kanilang sarili, magulang at paaralan kundi sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga estudyante at magulang upang higit na magsikap, magpunyagi at paghusayin ang pag-aaral para maging produktibong mamamayan ng bansa.

Katangi-tangi ang nakamit ng naturang mga kabataang mag-aaral dito sapagkat sa 22,661 na sumailalim sa nationwide entrance exam na ibinigay ng PSHSS noong Oktubre 2013, kabilang sila sa may 1,231 estudyante o 5.43% na tanging nakapasa sa pagsusulit.

Kabilang sa mga mag-aaral sina John Paul Cereno Mago – VPHS; Princess Willen Frilles Villarin – CNSC; Rae Gabriel Escolano Samonte, Kurt John Brimbuela Palivino at John Harold Juan Natano – LES; Philip Jonathan Obusan Malubay, Adriana Roni Caleon Bombase at Aldrian Perez Alarcon – MCHL, at mula sa Daet Elem. School – Viberly Rashad Rom Reyes, Jose Elijah Perez Pineda, Shiri Padrigon, Jence Christian Prestado dela Fuente, Janvirben Tagala Cale at Kristel Gayle Labrador Abriol.

Sa 14 na nakapasa, si Reyes lamang ang tanging nagkwalipika sa PSHSS Main Campus sa Maynila at pwedeng pumasok sa Bicol Region Campus. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-2077764030506597202014-01-23T13:14:00.000+08:002014-01-24T13:15:34.641+08:00Minimum wage earners sa Masbate, matatanggp ang P8 na karagdagang sahod ngayong Enero

BY: ERNESTO A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 23 (PIA) – Makakaasa ang minimum wage earners sa pribadaong sektor sa lalawigan ng Masbate at sa iba pang bahagi ng Bikolandia sa dagdag na P8 sa kanilang arawang sahod simula ngayong Enero.

Ayon kay Masbate Provincial Field Officer Arturo Corbe ng Department of Labor and Employment, napagpasyahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa Bicol na dagdagan ng P8 ang minimum wage sa rehiyon.

Tinukoy ni Corbe ang wage order na inaprubahan ng nakaraang Disyembre 5 at nagkabisa noong Enero 10.

Dulot nito, ang minimum wage ay magiging P260 na para sa mga establisyementong may mahigit sa sampung manggagawa, at P236 naman para sa hindi hihigit sa sampu ang manggagawa.

Sa mga nagtatrabaho sa agrikultura, P236 na rin ang kanilang dapat na matanggap.

Batay sa Wage Order No. RBV-16 na inilabas ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board, ang bagong minimum wage ay may bisa sa lahat ng minimum wage workers sa pribadong sektor sa Bikolandia, at walang kinalaman ang kanilang posisyon, designasyon, o status sa trabaho at sa paraan ng pagbabayad sa kanila.

Ayon kay Corbe, hindi sakop ng bagong wage order ang mga kasambahay, mga taong naglilingkod ng personal kabilang ang family drivers, at mga manggagawa ng rehistradong Barangay Micro Business Enterprise.

Ang bagong wage order ang sagot ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa petisyon na inihain noong Agosto ng Alliance of Progresive Labor at dalawang iba pang labor groups sa Bikol. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=821390525864#sthash.D0cZkbUQ.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-24996066783293685522014-01-20T16:27:00.000+08:002014-01-23T16:28:04.961+08:00Maayos na serbisyo ng kuryente para sa mga Sorsogonanon, hamon sa PCCI

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 20 (PIA) – Hamon para sa mga opisyal at kasapi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang mga binitwang salita ng isa sa mga pinakama-impluwensyang babae at negosyante sa buong mundo.

Sa isinagawang induction ceremony ng mga bagong opisyal at kasapi ng PCCI na ginawa kamakailan dito, sinabi ni Atty. Loida Nicolas-Lewis na dapat na magkaisang kumilos ang PCCI upang matuldukan na ang hindi makatarungang gawain ng Sorsogon II Electric Cooperative (Soreco 2) tulad ng napakataas na singil sa kuryente at hindi maayos na serbisyo nito.

Ayon kay Lewis, pinupuri niya ang naging hakbang ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee na pagpapababa ng singil sa buwis, subalit siya namang pagtaas ng halos dobleng singil sa kuryente kung kaya’t hindi pa rin maramdaman ng mga kunsumidor ang magandang bunga ng pagbaba ng buwis.

Kung kaya’t panahon na umano upang magkaisang kumilos ang PCCI at magdala ng pagbabago sa kooperatiba sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa constitution and by-laws ng Soreco II at paglalagay ng kinatawan bilang kasapi ng Board of Directors.

Sinabi din niyang hindi dapat na matakot ang mga ito na magdala ng pagbabago sa kooperatiba sapagkat bilang mga Sorsoganon at Pilipino, marapat lamang na gawin kung ano ang tama.

Hindi rin umano makakahikayat ng mga negosyante na magtayo ng negosyo dito ang mataas na singil sa kuryente at mahihirapan ang lungsod at ang lalawigan na paunlarin pa ang eco-tourism development program na isinusulong ng lokal na pamahalaan.

Kung kaya’t dapat na umanong kumilos ang PCCI sapagkat nasa mga kamay nito ang solusyon, dapat umanong magkaisa ang mga ito na labanan ang katiwalian, pang-aabuso, korapsyon at nepotismo sa isang organisasyon at komunidad. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=801390180804#sthash.avcW2fSf.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-65496870591178948302014-01-20T16:26:00.000+08:002014-01-23T16:26:48.736+08:00CSC muling pipili ng Pinakamahusay na Lingkod Bayan ngayong taon

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 20 (PIA) – Muli pipili ang Civivl Service Commission (CSC) ng pinakamahusay na Lingkod Bayan para sa taong 2014.

Ayon kay CSC Sorsogon provincial director Arpon Lucero, muling maghahanap ang Civil Service Commission ng pinakamahusay na pampublikong opisyal at manggagawa para sa taong kasalukuyan kung kaya’t isang orientation-briefing ang isasagawa mamayang hapon sa pangunguna ng Civil Service Commission Regional Office 5.

Layunin ng aktibidad na maikalat sa publiko ang mga kailangang pamamaraan nang sa gayon ay mahikayat ang mga kwalipikadong pampublikong opisyal at manggagawa na lumahok sa 2014 Search for Outstanding Public Officials and Employees ng CSC.

Matatandaang alinsunod sa mandato ng 1987 Philippine Constitution, nakassad sa Executive Order 292 at Executive Order 508 na inamyendahan ng Executive Order 77 at ng Republic Act 6713, ang Civil Service Commission ang naatasang maghanap ng mga natatanging lingkod bayan na bibigyang parangal sa pamamagitan ng Phil. Honor Awards Program (HAP) ng CSC.

Ayon kay Dir. Lucero, nais nilang mas maagang maipakalat sa publiko ang mga pamamaraan kung papaanong magnomina o maging nominado bilang isang mahusay na lingkod bayan nang sa gayon ay makapaghanda ang mga ito para sa nasabing Honor and Awards Program ng CSC.

Dagdag pa ni Dir. Lucero na sa gagawing orientation-briefing, magbibigay din sila ng mga flyers, babasahin at iba pang mga campaign material upang mas marami ang makaalam sa mechanics na kailangan para sa nasabing search.

Umaasa naman si Dir Lucero na may mga Sorsoganon na lalahok sa gagawing search ng CSC ngayong taon. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=801390180503#sthash.WObV4vtn.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-15666028661050057422014-01-17T16:25:00.000+08:002014-01-23T16:25:23.756+08:00Serbisyong pangkalusugan at turn-over ng covered court tampok sa Multi-Services Caravan ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Enero 17 (PIA) -- Tampok ngayong araw sa Multi-Services Caravan ng pamahalaang panlalawigan ang serbisyong pangkalusugan at turn-over ng covered court sa Barangay 7 at San Roque ng bayan ng Mercedes kung saan isinasagawa ang naturang gawain.

Pangungunahan nina Gobernador Edgardo A. Tallado at Bise Gob. Jonah G. Pimentel ang seremonyal ng paglilipat ng naturang istraktura sa mga opisyal ng barangay dito kaalinsabay ng paghahatid ng ibat-ibang serbisyo publiko sa mga barangay.

Ang covered court ng Barangay 7 ay pinonduhan ni Gobernador Tallado sa ilalim ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) habang sa 20% development naman nanggaling ang pondo para sa kontruksiyon ng covered court ng Barangay San Roque.

Samantala, sa serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng caravan ay tutugunan ang mga pangangailangan ng mga barangay na ipagkakaloob ng gobernador kabilang na dito ang libreng tsek-ap, gamot at bitamina, pagbasa sa presyon ng dugo, blood typing at blood testing kasama na ang libreng bunot ng ngipin.

Ito ang pangunahing prayoridad ni Gobernador Tallado na naniniwala na ang kalusugan ay kayamanan hindi lamang ng isang indibidwal kundi ng ating bansa na ang katatagan, pagka-produktibo at kaunlaran ay nakasalig sa malulusog na mga mamamayan dito.

Maliban pa dito, ipaaabot din sa kanila ang programang pang-edukasyon ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Camarines Norte Provincial Government College Education Assistance Program (CNPGCEAP) para sa mga kwalipikadong pumasok sa kolehiyo.

Ang Educational Program for the Development of Out-of-School Youth (EPDOSY) ay para naman sa mga nais kumuha ng kursong bokasyunal.

Bukod sa tulong na pang-edukasyon, inihahatid din ng multi-services caravan ang mga oportunidad sa trabaho, lokal at internasyunal man.

Ipapamahagi din sa caravan ang pantanim na mga punongkahoy, bungang-kahoy at mga butong gulay, libreng bitamina sa mga alagaing-hayop at tilapia fingerlings.

Kabilang pa rin sa ipapamahagi ang mga IEC materials ganundin ang mandatory cash assistance at assessment rolls para naman sa mga kaukulang opisyal ng barangay.

Pangungunahan naman ng gobernador at ng kanyang maybahay na si Gng. Josie Tallado ang libreng gupit, hair dye at hot oil treatment sa pamamagitan ng kanilang ‘Handog Gupitan’.

Isasagawa din ang ibat-ibang sangkap sa pagluluto ng isda, oryentasyon sa programang pang-edukasyon at iba pang programa ng pamahalaang panlalawigan. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881389939457#sthash.Ekkl8wsU.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-7318460381702018531.post-21544592205794359912014-01-17T16:24:00.000+08:002014-01-23T16:24:37.279+08:00Negosyante Bikolana, isa sa kinilala ng Carlos P. Romulo Award

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 17 (PIA) – Patuloy na nagbibigay ng karangalan ang mga Bicolana sa rehiyon sa pag-gawad ng Carlos P. Romulo (CPR) Award for International Achievement sa taga-Sorsogon na amerikanang negosyante at abogadong si Loida Nicolas-Lewis noong Enero 14.

Kasama ni Lewis sina boksingero at kinatawan ng Saranggani Manny Pacquiao, Commission on Higher Education (CHEd) Chair Patricia Licuanan, at Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa mga ginawaran ng nasabing parangal na itinataguyod ng United Nations Association of the Philippines (UNAP) at iginawad ni Pangulong Benigno Aquino III sa isang seremonya sa Malacañang ngayong linggo.

Ang nakabase sa New York na si Lewis ay chairperson at Chief Executive Officer (CEO) ng The Lewis Corporation (TLC) Beatrice LLC, isang negosyong pamumuhunan ng pamilya at kompanyang multinational na itinatag ng kanyang yumaong amerikanong asawang si Reginald Lewis na kanyang pinamahalaan pakatapos na siya’y yumao. Pinamumunuan di niya ang isang foundation na ipinangalan sa kanyang asawa at kilalang personalidad sa US Asian-American community at kinikilalang isa sa mga maimpluwensiyang personalidad sa larangan ng pagnenegosyo.

Itinatag ni Lewis ang The Lewis College (TLC) sa Lungsod ng Sorsogon noong 1999 na ngayon ay isa sa mga nagungunang pribadong paaralan sa probinsiya ng Sorsogon na nagbibigay ng scholarships sa mga nangangailangang estudyante.

“Ang ideyang pagtatayo ng isang paaralan ay aking ikinagagalak dahil sa naniniwala ako na ang edukasyon ang pinakamainam na paraan upang makaahon sa kahirapan,” sabi ni Lewis sa isang panayam.

Ngayong buwan, umuwi si Lewis sa kanyang tinubuang bayan upang pangunahan ang panunumpa ng mga bagong pinuno ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Sorsogon Chapter.

Ang paggawad ng parangal ay kasabay sa ika -115 na kaarawan ng yumaong Pilipinong statesman at dating UN secretary general Carlos P. Romulo na kilala sa kanyang tanyag na talumpating “I Am a Filipino.”

Sa isang pahayag ng UNAP, sinabi nito na ang mga pinarangalan ay napili sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad at kapayapaan ng mundo sa pamamagitan ng kanilang iba-ibang personal at propesyunal na tagumpay na nagbigay karangalan sa mga Pilipino.

Itinatag noong 1947, ang UNAP ay isang organisasyon na tumutulong sa bansa na maisakatuparan ang mga mithiin ng UN at nag-oorganisa ng mga aktibidad sa edukasyon tungkol sa araw ng UN at iba pang mga okasyon nito kasama ang mga proyektong pangkalikasan.

Ang mga nakatanggap na ng nasabing parangal ay sina Lea Salonga, dating senador Leticia Ramos Shahani at dating Pangulong Fidel V. Ramos, mga yumaong senador Jose W. Diokno at Lorenzo Tañada, at yumaong Chief Justice Claudio Teehankee.

Ang mga napiling mga makatatanggap ng parangal ay kinumpirma noong Disyembre 15, 2013 kasabay ng anibersaryo ng pagyao ni Romulo. (JJJPerez-PIA5/Albay)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591389943921#sthash.6x57SsKz.dpuf

Philippine Information Agency Regional Office V http://www.blogger.com/profile/00556527925304468379noreply@blogger.com0