By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 17 (PIA) -- Isa ang lalawigan ng Sorsogon sa mga nasa listahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakapasa sa 1st level assessment para sa “Seal of Disaster Preparedness.”
Ito ang inihayag ni Sorsogon public information officer Von Andre Labalan base sa inilathala ng Regional Development Council sa Bicol Development Updates Volume III Number 2 nitong Hunyo 2013.
Aniya, layunin ng pagbibigay ng DILG ng Seal of Disaster Preparedness sa mga lokal na pamahalaan ay upang mas mahikayat ang mga ito na bigyang prayoridad ang kahandaan at pagtugon sa panahong ng kalamidad.
Tinututukan ngayon ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibigay ng kaukulang insentibo para sa mga lokal na yunit ng pamahalaan na may magagandang programa at pagpapatupad ng Disaster Preparedness.
Ayon kay Engr. Raden Dimaano ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO), nagawa ng kanilang tanggapan ang lahat ng kondisyon na itinalaga bilang istandard na kumukumpirma na sila ay karapat dapat pumasa sa first level assessment ng Seal of Disaster Preparedness ng DILG-Sorsogon kung kaya’t nakapasa sila para sa 2nd level assessment.
Ayon naman sa ulat ng DILG, matapos na pumasa ang LGU-Sorsogon sa first level assessment, kukumpirmahin ito ng DILG Central Office at ito rin ang pipili ng lokal na pamahalaan na makakasama sa huling listahan ng mga makakapasa.
Ang lokal na pamahalaan na papasa sa level II assessment ang gagawaran ng Seal of Disaster Preparedness at makakatanggap din ito ng disaster management fund o insentibo.
Ang lalawigan ng Sorsogon ang isa sa ilang mga lalawigan sa bansa na nakonsiderang multiple-hazard area o lugar na may mataas na exposure sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, tsunami, pagsabog ng bulkan, pag-agos ng lahar, pagguho ng lupa at iba pa.
Noong Hunyo 2012, isa ang lalawigan ng Sorsogon sa 79 na lokal na pamahalaan na nagawaran ng Seal of Good Housekeeping (Bronze Level) ng DILG. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

No comments:
Post a Comment