BY: NI JOSEPH JOHN J. PEREZ
LEGAZPI CITY, August 27 (PIA) – Kilala sa pagkaing may sangkap na niyog at sa tanyag na laing at iba pang ginataang ulam at kakanin, ang rehiyon Bicol ang magiging sentro ng niyugan ng bansa o Philippine coconut capital sa paglunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng kauna-unahang pagtutulungan para sa Coconut Seedlings Dispersal Project (CSDP) sa buong bansa ng dalawang ahensiya.
“Ayon sa PCA, ang Bicol ang unang lugar na isinagawa ang pakikipagtulungan sa DAR para sa rehabilitasyon ng niyugan,” sabi ni DAR-Bicol Regional Director Maria Celestina Manlagñit-Tam.
Sa pangunguna ng DAR, ang pagtutulungan ay napagtibay sa PCA-Bicol sa pamumuno ni Officer-in-charge Eduardo Allorde, ayon kay Tam.
Sa pagsimula ng proyekto, may kabuuang 124,750 seednuts ang inihahanda sa pagtatanim sa 1,098 ektarya na pakikinabangan ng 1,135 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa probinsiya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Masbate. Ang Catanduanes at Sorsogon ay nasa proseso pa ng paghahanda sa proyekto gaya ng pagsagawa ng pagpupulong at pagtutukoy ng mga lugar at mga benepisyaryo.
Sa Albay, ang natukoy na lugar ng proyekto ay sa Balogo Agrarian Reform Community (ARC) na sakop ang 192 ektarya na pakikinabangan ng 200 ARBs na may kabuuang 20,000 seednuts kung saan ay 7,000 ay naitanim na bilang pilot area ng proyekto.
Ang Dogongan ARC sa Daet, Camarines Norte ay may 19,750 seednuts na itatanim sa 150 ektaryang lupain ng 130 ARBs.
Ang Camarines Sur A ay may 20,000 seednuts na itatanim sa 150 ektarya sa F. Simeon ARC sa munisipyo ng Ragay na may 50 ARBs na makikinabang sa programa. Samantala sa Camarines Sur B, sa Del Pilar ARC ng Garchitorena ang pinakamalaking lugar ng proyekto na may 246 ektarya ng lupain na tataniman ng 45,000 seednuts na may 395 ARBs na benepisyaryo.
Sa Masbate, dalawang ARCS, ang Lantangan sa bayan ng Mandaon at Curvada sa Cataingan ang makikinabang sa proyektong niyugan. Ang Lantangan ARC ay maglalaan ng 216 ektarya para sa proyekto kung saan 216 ARBs ang magtatanim ng 12,000 seednuts. Sa Curvada ARC, 8,000 seednuts ang itatanim sa 144 ektarya na may ARBs na makikinabang dito.
Sa ilalim ng proyekto, magbibigay ang PCA ng mga itatanim gaya ng coconut seednuts, seedlings, tulong teknikal sa pagtayo ng nursery at pamamahala nito, extension services, at regular na pagmanman ng pag-unlad ng proyekto.
Sa kabilang dako, ang DAR ang pipili ng angkop na lugar na puedeng ipatupad ang proyekto sa mga probinsiya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.
Ang DAR Bicol din ang pipili ng mga munisipyo at barangay na mayroong Peoples Organizations (PO) na may kakayahan at makakatulong sa pagsasanay at pagpapa-unlad ng kakayahan ng mga benepisyaryong organisasyon.
Ang mga benepisyaryong organisasyon ang magtatrabaho sa pagtayo at pagpapatakbo ng nursery, gagawa ng panuntunan sa pagpili ng mga magsasakang benepisyaryo at sa roll-over scheme, kung saan ibabalik ng DAR Bicol ang kaparehong halaga na natanggap na 100 magandang uri ng seednuts sa bawat ektarya pakatapos ng pitong taon na naitanim ito na ipamamahaging muli sa mga susunod ng mga benepisyaryo, sabi ng DAR Bicol sa Philippine Information Agency (PIA).
“Pinapalakas naming ang produksiyon ng niyog dahilan sa potensyal ng industriya sa malawak na lugarsa Bikol na angkop sa plantasyong niyugan,” sabi ni Tam. (MAL/JJJP--PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment