NI JOSEPH JOHN J. PEREZ
LEGAZPI CITY, August 27 (PIA) – Ang mga guro at mananaliksik sa K to 12 curriculum mula sa Pilipinas at ilang bansa ay nagtipon sa unang pagkakataon sa Pilipinas na ginawa sa Rehiyon Bikol para sa tatlong araw na pagpupulong sa Probinsiya ng Albay noong Agosto 20 hanggang 22 sa Oriental Hotel dito.
“Ang internasyunal na pagpulong sa edukasyong K to 12 ay dinaluhan ng ng mananaliksik na mayroong kapuripuring gawain, hamon at naisakatuparan sa edukasyong K to 12 sa buong mundo,” sabi ni Department of Education (DepEd) Bicol information officer Roy Bañas sa isang panayam sa programa sa radyo na Aramon Ta Daw (Ating Alamin) ng Philippine Information Agency (PIA) Bicol.
Sa temang “Charting Innovations in the K to 12 Curriculum for the 21st Century Learning: A Global Perspective,” ang unang internasyunal na pagpupulong sa pagsasaliksik sa edukasyong K to 12 ay itinampok si Dr. Tony Bush ng University of Warwick ng London sa United Kingdom bilang plenary speaker.
Kasama rin bilang tagapagsalita sa plenaryo si Ginoong Firth McEachern ng Canada, na mother tongue-based multilingual education (MTB-MLE) implementation volunteer at co-facilitator para sa Ilokano early grade reading assessment sa ilalim ng AUSAID PhilEd Data project.
Ang iba pang tagapagsalita sa plenaryo ay sina Dr. Felicitas Pado at Professor Ma. Hazelle Preclaro-Ontengco ng College of Education ng University of the Philippines, Ms. Laine Velasco, AusAid Support to DepEd Chief and technical adviser, at Dr. Soledad Ulep, director ng UP- NISMED.
Naunang nagpadala ng memorandum si Deped Secretary Bro. Armin Luistro para sa pagsumite ng abstract ng proyektong pananaliksik sa mga rehiyon na iprenesenta sa pagpupulong.
“Ang pagpupulong ay naglalayong magkaroon ng patuloy na pag-usap para sa mananaliksik sa edukasyong Pilipino upang maibahagi ang mga gawain sa implementasyon ng K to 12 sa pambansa at internasyunal na tagapakinig,” sabi ni Luistro.
Ang pagpulong ay nagpapakita ng pananaliksik sa curricula ng edukasyon, kasama ang ancillary at support services ng DepEd at ipinaalam sa mga kalahok ang mga bagong pamantayan sa pananaliksik at metodolohiya sa pagpaunlad ng kakayahan ng mga mananaliksik sa boung mundo, dagdag ni Luistro.
Ang pagupulong ay nagtatalakay ng iba-ibang usapin sa implementasyon ng K to 12 sa kindergarten, early childhood care and education, pedagogy, strategies, students’ and teachers’ behavior ,professional learning community access, quality and relevance, partnership, linkages, community involvement, environmental and ecological awareness, disaster risk reduction and management, climate change adaptation/education in emergencies, information and communication technology and computer-based education reading, MTB-MLE and communication arts, school leadership and management, special education and indigenous people education.
“Ang mga kalahok ay umabot sa 1,261 galing sa rehiyon, bansa at ibang bansa,” sabi ni Bañas. Ang pagtitipon ay suportado ng National Educators Academy of the Philippines (NEAP) sa pakikipagtulungan ng Association of DepEd Educators (ADD), Bicol Association of Schools Superintendents (BASS) at DepEd CALABARZON, dagdag ni Bañas. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment