LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 20 (PIA) – Bigong mapisa ang 90 itlog ng higanteng leatherback turtle sa inaasahang panahon na 45 hanggang 70 araw matapos ipangitlog sa baybayin ng barangay Rawis sa lungsod na ito.
Ayon kay wildlife specialist Nilo Ramoso of the Pawikan Conservation Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bigong maging inakay ang mga itlog ng pawikan dahil sa ang mga ito ay napasok ng tubig alat sa pagtaas ng tubig sa lugar na pinangitlogan nito na malapit sa may bukana ng Yawa River sa parehong barangay.
Dagdag ni Ramoso sa halip ng mga isinagawanag panukala upang mapangalagaan ang mga itlog laban sa mga mandaragit at pagpasok ng tubig alat sa lugar na pinangitlogan tulad ng maingat na paglipat ng mga itlog sa mas ligtas na lugar, nakalulungkot na ang mga itlog ay bigong maging mga inakay.
Ang mga itlog ay nilipat sa bagong lugar na may hukay na kalahating metro ang lalim at muling tinakpan gamit ang buhangin sa dating pinangitlogan. Ang lugar na nasa baybayin malapit sa Philippine Navy regional headquartersay pinalibutan ng perimeter fence na may plastic screen.
Ayon sa pagaaral na isinagawa, ani Ramoso, ang mga embryos o egg yolks at ang albumin nito ay nakontamina ng tubig alat na nakapigil sa pamumuo ng mga inakay.
Dagdag pa ni Ramoso ang 70 itlog na pinagaralan nitong Miyerkules ay ibinalik Huwebes sa nesting site samantalang ang natitirang 20 itlog ay pananatiliin o ipepreserve upang magamit sa mga exhibit tuwing sea turtle conservation campaigns.
Maalala na ang dalawang metrong leatherback turtle na may bigat sa pagitan ng 250 at 300 kilos ay nagitlog sa may Yawa River Hulyo ngayong taon.
Ang Leatherback turtle (Deomchelys coriacea) ang pinakamalaking marine turtle sa mundo at itinuturing endangered species.
Ayon sa tala ng DENR ang pagdating ng leatherback turtle nitong hulyo sa karagatan ng lungsod na ito ay pangatlong pagpapakita na sa Bicol. Ang una ay noong 1980 ng ang isang patay na higanteng pawikan ay matagpuan ng mga mangingisda. Ang pangalawa ay noong 2012 sa may dalampasigan ng Ragay sa Camarines Sur kung saan ito ay agad na ibinalik sa karagatan.
Ang pangingitlog ng leatherback turtle sa lungsod na ito ang kauna-unahang naitalang turtle nesting event hindi lamang sa Bicol kundi rin sa buong bansa. (MAL/SAA-PIA5/Albay)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571379667062#sthash.i2O9TrAM.dpuf

No comments:
Post a Comment