BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Setyembre 5 (PIA) – Ang rehiyon Bicol ay isa sa mga napiling lugar para sa mga kaganapan sa taunang pagdiwang ng Development Policy Research Month (DPRM) ngayong Setyembre sa pagpapahayag ng mga pangunang mensahe ng DPRM sa pamamagitan ng iba-ibang pamamaraan.
Ang mga rehiyon ay magsasagawa ng mga press conference o kapihan sa mga pangunahing mensahe ng DPRM sa paksang gawain na - Making Health More Inclusive In A Growing Economy.
Ang DPRM ay taunang pagdiriwang alinsunod sa Proklamasyon Bilang 247, na nilagdaan ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo noong 2002.
Ang pagdiwang ng DPRM ay naglalayong paigtingin pa ang kaalaman ng mga tao at ang pagpapahalaga ng pananaliksik ukol sa palisiya para sa pagtataguyod ng isang bansa.
Sa Bikol, nakipag-ugnayan na ang PIA 5 sa mga pinunong pang-rehiyon ng Department of Health (DOH), Philippine Insurance Corporation (Philhealth) at iba pang mga stakeholders kasama ang media para sa gaganaping pag-uugnayan.
Ang Lungsod ay kasama sa iba pang limang lugar na binubuo ng Baguio City, Cebu City, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao na napili upang ipahayag ang mga pangunang mensahe ng DPRM sa pamamagitan ng iba-ibang pamamaraan.
“Nakahanda kaming dumalo sa mga aktibidad na may kaugnayan sa DPRM,” sabi ni DOH Bicol Assistant Regional Director Napoleon Arevalo sa PIA.
Nagpahayag din ng suporta ang Philhealth at National Economic Development Authority (NEDA) sa isasagawang aktibidad ng PIA.
Nauna nito, nagpadala ng sulat sa PIA si Gilberto Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng NEDA para sa pakikiisa nito sa implementasyon ng publisidad ng DPRM.
Ang PIDS ang nagsisilbing ahensiya ng pamahalaan na namumuno sa taunang pagdiwang ng DPRM alinsunod sa papel nito bilang nangungunang pampamahalaang surian ng bansa. (JJJPerez-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment