LUNGSOD NG NAGA, Sept. 20 (PIA) --- Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 776 na inaprubahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong August 16, 1991, ay idineklara ng pamahalaang lungsod dito na isang Special Day ang araw ng Byernes, Set. 20, isang bago ganapin ang ang fluvial procession para sa imahen ng Nuestra Senora de Penafrancia.
Ang proklamasyong ito rin ang naging basehan sa pag de deklara ng holiday sa lahat ng mga pribado at pampublikong tanggapan sa lunsod ngayon upang lumahok sa mga aktibidad kaugnay ng Penafrancia festival.
Noong nakaarang Byernes nagkaroon ng ibat ibang interpretasyon sa naturang batas kung saan marami ang nagtanong kung kailan nga dapat ipatupad ang naturang probisyon. Inaasahan kasi ng mga taga rito na ang araw ng Traslacion ang idedeklarang holiday subalit nagpalabas ng pahayag ang City Hall na ang susunod na Byernes bago ang ikatlong linggo ng pag diriwang ng Penafrancia ang ide deklarang isang special day o holiday.
Ang naturang interpretasyon ay ibinase sa legal opinion ng Assistant City Legal Officer ng lungsod na si Atty. Armeen Alain Gomez kung kayat ngayong araw ay ideneklarang walang pasok ang mga empleyado sa ibat ibang opisina sa lungsod.
Ayon sa paliwanag ni Gomez, ng unang gawin ang Proclamation noong 1991, ipinag diriwang ang kapyestahan ni Inang Penafrancia sa ikatlong linggo ng Buwan, na syang naging basehan ni Pangulong Cory noon kung saan may apat na linggo ang Buwan ng Setyembre. Subalit ngayong taon , nagkaroon ng limang Sundays o limang linggo ang Setyembre kung kayat nagkaroon ng kalituhan sa pagpapatupad nito. Imbes na pumatak sa 3rd Sunday ang pagdiriwang ng Penafrancia, nataon ito sa ika apat na linggo ng Setyembre –dahilan upang ang ideklarang holiday an gang ikatlong byernes ng buwan na ito.
Kaugnay nito ay nagpadala ng liham ang Sangguniang Panglungsod ng Naga kay Pangulong Benigno Aquino upang makapag issue muli ng proklamasyon na nag tatakda ng eksaktong araw para sa naturang Special day. Subalit hanggat walang batas na nag a- amend o nag mo modify ng naturang proklamasyon, ay patuloy na susundin ng Naga ang nauna ng proklamasyon ni Pangulong Cory Aquino.
Samantala sa ibang balita, mahigit isang daang contingents ang lumahok sa 5th Bicol Regional 2013 Military parade competition ngayong araw. Noong nakaraang taon ay naitala ang 506 na participants, samantalang ngayong taon naman ay umabot sa 637 ang total contingents na narito ngayon sa lungsod ng Naga upang sumali sa naturang kompetisyon.
Alas sais pa lamang ng umaga ay puno na ang kahabaan ng Panganiban at Penafrancia Avenue at sa mismong sentro ng lungsod ng Naga na ginawang formation areas bago pumasok sa reviewing stand ang mga contingents. banding alas syete ay sinimulan na ang patimpalak …
Bukas ay ang pinaka hihintay na Fluvial procession kung saan inaasahan naman ang pagdagsa ng libo libong deboto ni Inang Penafrancia hindi lamang mula sa Bikol kundi mga galing pa sa ibang bansa. (MAL/LSM-PIA5/Camarines Sur)

No comments:
Post a Comment