DAET, Camarines Norte, Set. 24 (PIA) – Umabot na sa P6 milyon halaga ng mga proyektong kalsada o “farm to market roads” ang natapos na sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) sa barangay Tigbinan, Cabusay, Maot at Submakin ng bayan ng Labo na may pondong tig- P1.5M.
Ito ay bahagi ng P20M pondo sa taong 2012 mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ayon kay Elena B. Austria, acting provincial planning and development coordinator ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kamakailan.
Ang PAMANA ay programang pangkapayapaan at pagpapaunlad ng pamahalaan upang matugunan at mapalakas ang katahimikan at ganon din ang pagsasaayos sa mga apektadong lugar o “conflict affected areas” (CCAs) na may layunin na wakasan ang armadong kaguluhan sa ilang lugar sa bansa.
Bahagi pa rin ng P20M ang mga proyektong nasa 90 porsiyentong natapos ang pagsasaayos ng “water supply system” level 1 hanggang level 2 sa barangay Masalong, Malangcao Basud at Guisican sa bayan ng Labo na may pondong tig- P1M o kabuuang P3M.
Ganon din ang mga proyektong patuloy ang implementasyon tulad ng paglalagay ng tree park at pamamahala ng mangrove area sa barangay Catioan, na may pondong P400,000; agro-forest planting ng mahogany trees sa Brgy. Alayao, P100,000 kapwa ng bayan ng Capalonga at ganon din ang pagpasemento ng farm to market road sa Brgy. San Isidro at Sta. Cruz, ng Jose Panganiban, P7 M.
Samantalang ang P3.5M para sa konstruksiyon ng Crisis Center Cum Multi-Purpose Hall sa Poblacion ng bayan ng Capalonga ay hindi pa naibibigay ang pondo.
Pangunahing makikinabang ang mga magsasaka sa nasabing mga proyekto sa pagdadala ng kanilang mga produktong agrikultura at maging ang mga naninirahan sa nasabing mga barangay.
Ang implementasyon ng naturang mga proyekto ay isinagawa ng pamahalaang panlalawigan sa suporta ni Gobernador Edgardo Tallado at ng kaugnay na ahensiya ng pamahalaan.
Sa taong 2013 may mga proyektong natukoy na popondohan sa ilalim ng DILG, Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na may kabuuang halaga na mahigit P106 M kung saan nasa paghahanda pa lamang at hindi pa naipapalabas ang pondo.
Matatandaan ng taong 2011 ibat-ibang proyektong kalsada o “farm to market roads” ang natapos na may kabuuang P140M na mula sa stimulus fund ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pamamahala ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan at ibat-ibang kaugnay na ahensiya ng pamahalaan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment