Friday, September 6, 2013

Salceda muling nahalal na Bicol RDC chair

BY: SALLY A. ATENTO

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set 6. (PIA) -- Muling nahalal si Albay governor Joey Sarte Salceda sa ikatlong termino nito bilang chairperson ng Bicol Regional Development Council (RDC) sa isinagawang full council meeting nitong umaga sa  National Economic and Development Authority (NEDA) conference room sa barangay Arimbay dito.

Si Salceda, kinatawan ng sektor ng pamahalaan, ay nominado ni Department of Tourism Bicol director Maria Ravanilla.

Nominado rin si Mayor John Bongat ng Naga City subalit siya ay wala sa pagtitipon.

Ayon sa alituntunin ng RDC ang opisyal na absent wala sa pagtitipon ay hindi kwalilpikado na maisama sa listahan ng mga nominado.

Sina Jose Medina Jr ng Masbate at Benigno Elevado ng Camarine Norte, kumakatawan sa pribadong sektor, ay naihalal na co-chairs.

Bagaman’t ang RDC chairs at co-chairs ay inihahalak sa mga rehiyon, ang kanilang pangalan ay kailangang maisumite ng NEDA director general sa pangulo na siyang pipili at pinal na magtatalaga alinsunud sa Executive Order No. 325.

Nakasaad din sa EO na kung ang mapipiling chairperson ay buhat sa sektor ng pamahalaan, ang co-chair ay manggagaling sa pibadong sektor o kabaligtaran.

Sa rehiyon ng Bicol, ang sektor ng pamahalaan ng RDC ay binubuo ng anim na gobernador, pitong panglungsod na mayor, two pambayan na mayor, anim na pangulo ng provincial leagues of mayors at 23 regional directors ng nasyonal na ahensiya ng pamahalaan.

Ang pribadong sektor naman ay may 15 kinatawan na binubuo ng 12 geographic representatives (dalawa kada probinsiya), dalawang basic sector representatives at isang labor sector representative.

Ang RDC ay pangunahing institusyon na itinalaga upang itakda ang direksyon ng pagunlad sa larangan ng ekonomiya at panglipunang serbisyo ng rehiyon kung saan isinasagawa ang ugnayan sa pagsulong ng mga adhikaing pangrehiyon.

Ito ay binuo sa lahat ng rehiyon sa bansa upang maging epektibong institusyon na mangunguna at maninigurong makamit ang sustenable, nagkakaisa at pantay na kaunlaran. (MAL/SAA/PIA5-Albay)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571378460970#sthash.oSgRbwaf.dpuf

No comments:

Post a Comment