LUNGSOD NG SORSOGON, Okt. 21 (PIA) – Ligtas na ang tatlong mangingisda mula sa Barangay Tinago ng Viga Catanduanes na naiulat na nawawala simula pa noong Oktubre 9 at inabutan ng nagdaang bagyong Santi sa gitna ng karagatan.
Ayon sa ulat ni Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office chief Engr. Raden Dimaano, Oktubre 9 nang pumalaot ang tatlong mangingisda na kinilalang sina Jose Borac, Andy Timuat at Edilberto Arcilla, pawang mga taga-Catanduanes, nang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahilan sa malalaking alon dala ng bagyong Santi.
Labing-isang araw na nagpalutang-lutang sa karagatan ang tatlong mangingisda na napanatiling buhay ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig mula sa patak ng ulan at pagkain ng hilaw na mga nahuhuli nilang isda bago sila tuluyang maisalba ng mga mangingisdang taga-Gubat, Sorsogon na sina Danilo at Rafael Buenaobra kahapon ng umaga, Oktubre 20, sa karagatan ng Rapu-rapu, Albay kung saan sila madalas mangisda.
Ayon sa mga nakakuhang mangingisda agad nilang dinala ang tatlo sa Gubat District Hospital upang malapatan ng kaukulang medikasyon. Sa kasalukuyan ay ligtas na at nagpapalakas na lamang ang mga ito ayon sa tuminging manggagamot dito.
Samantala, agad namang ipinaabot ni Dimaano ang impormasyon ukol sa mga nailigtas na mangingisda sa alkalde ng Biga, Provincial DRRMO ng Catanduanes at sa OCD. Nakatakda namang dumating ngayon ang mga kamag-anak ng mga mangingisdang naisalba.
Dumating na rin sa ospital ang isang anak ni Arcilla na si Jubert na nag-uumapaw an kaligayahan nang makitang ligtas ang kanyant ama at mga kasamahan nitong mangingisda, habang walang patid na personal na pasasalamat naman ang kanyang inihayag sa mga nagligtas dito.
Sa panayam ka Dr. Mary Ann Ecleo, isa sa mga duktor na sumuri sa tatlo, sinabi nito na nasa mabuting kalagayan na ang tatlo matapos malapatan ng kaukulang tugon ang 'dehydration' at 'prolonged' hunger ng mga ito habang sa mga oras na ito ay normal na ang mga 'vital signs' nito at maari na ngang ilabas sa ospital.
"Kailangan na lang silang isailalim sa 'stress debriefing' para namam malagpasan nila ang anumang trauma o takot na idinulot ng kanilang pagkakaaksidente sa gitna ng karagatan," dagdag ni Ecleo.
Samantala, siniguro naman ni Rhalen Endeno ng Gubat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Counci na ibibigay ng lokal na pamahalaan ang mga nauukol na tulong medikal at nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang opisina sa pamahalaang lalawigan ng Catanduanes at pamahalaang bayan ng Viga para sa pag-uwi ng mga nakaligtas na mangingisda sa kani-kanilang pamilya. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)

No comments:
Post a Comment