DAET, Camarines Norte, Okt. 21 (PIA) – Umabot sa 93 ang aktibong kooperatiba sa iba't ibang larangan ng serbisyo sa lalawigan base sa pagtatasa na isinagawa ng Cooperative Development Authority (CDA) dito.
Ito ang ipinahayag ni Erlinda Valera, provinicial cooperative development specialist, sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency ng Camarines Norte noong Miyerkules (Oktubre 16) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Daet.
Ayon kay Valera ngayong buwan ng Oktubre ang mga kooperatiba ay abala sa ibat-ibang gawain kaugnay ng “Cooperative Month Celebration” sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan.
Aniya may kabuuang rehistradong 121 kooperatiba sa lalawigan kung saan 93 ang aktibo samantalang umaabot sa 35,581 ang mga miyembro kabilang ang 16,571 sa Daet.
Sinabi rin niya na ang Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) ang tanging pinapahintulutan base sa Republic Act 9520 na tawaging kooperatiba subalit hindi sila kasali sa mga pribelihiyo gaya ng “tax exemption” di tulad ng iba pang rehistrado sa CDA.
Ayon naman kay Ronnel Yu, ang cooperative development officer ng bayan ng Daet, ang pamahalaang bayan sa pamamagitan ni Mayor Tito Sarion at ang mga miyembro ng Sanguniang Bayan ay sumusuporta sa mga programa at proyekto upang mapalakas ang mga kooperatiba sa bayan.
Aniya ang mga gawain para sa pagdiriwang ay makakatulong na mapaigting ang kamalayan ng mga miyembro at maging sa mga nais maging kasapi ng kooperatiba.
Sinabi niya na ang mga programa sa kooperatiba ay bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga miyembro kung saan itinuturing silang “indispensable sector” na kailangangang matugunan ang mga programa at proyekto upang makalikha ng trabaho at tulong pinansiyal.
Aniya maglalaan sila ng mas malaking pondo sa taong 2014 para sa pagsusulong ng mga kooperatiba sa bayan ng Daet lalong lalo na sa mga pagsasanay o “capability building” sa pakikipag-ugnayan sa CDA.
Kabilang sa gawain ng pamahalaang bayan ng Daet sa pagdiriwang ng Oktubre 17 ay ang parada ng kooperatiba; misa pasasalamat; programa; “essay writing”, “poster making” at “slogan contest”; coop got talent at “musical variety show”, pagbibigay gantimpala sa mga nanalo; kasiyahan, sayawan at pa “raffle”.
Samantala sa kaugnay na pagdiriwang ang Camarines Norte State College (CNSC) Multi-Purpose Cooperative ay pinarangalan na Outstanding Cooperative sa Bikol sa Gawad Parangal Awards kamakailan sa “small category” na ginanap sa Naga City at magiging kalahok bilang kinatawan ng rehiyon sa pambansang patimpalak.
Ganon din sina Angel F. Echano, Prescila G. Mariano at Fe E. Elep ay tumanggap ng “Certificate of Recognition” sa Gawad Parangal Awards sa kanilang pagbibigay ng hindi bababa ng 25 taong dedikasyon at serbisyo bilang mga lider ng kooperatiba.
Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ang bayan ng Jose Panganiban ay naglagay ng “streamer”, nagsagawa ng “tree planting”, coop “padunungan” at “literary contest” samantalang ang bayan ng Basud ay nagsagawa ng “fun run” at ganon din ang ibat-ibang bayan ay may mga gawain kaugnay nito.
Pangunahing trabaho ng CDA ang magrehistro at mag“regulate” ng mga kooperatiba; magbigay ng “technical assistance” sa pamamagitan ng mga pagsasanay at ganon din ang pagbabantay o “monitoring”.
May mga alintuntunin din ang tanggapan kung paano sumali bilang kooperatiba kabilang ang pagdalo sa “pre-membership seminar” at ang kinakailangan miyembro upang makabuo ng samahan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment