LUNGSOD NG NAGA, Okt. 16 (PIA) --- Kaugnay ng paparating na barangay elections, ay magiging abala rin ang Department of Education (DepEd) sa buong lalawigan ng Camarines Sur sa pagtulong sa Commission on Elections.
Upang mas epektibong magampanan ang kanilang obligasyon ay pansamantalang di muna itutuloy ng DepEd ang mga naka iskedyul nitong mga aktibidad gaya ng mga seminars at iba pang pagsasanay.
Ito ay upang mabigyan ng prayoridad ang Commission on Elections (COMELEC) sa probinsiya sa pagsasagawa ng mga trainings at orientation-seminars para sa Board of Election Tellers at Supervisors ngayong nalalapit na Barangay Election sa darating na Oktubre 28.
Batay sa ipinalabas na Memorandum noong Oktubre 14 ni Camarines Sur School Division Superintendent Gilbert Sadsad, pansamantalang maantala ang mga aktibidad at trainings ng mga guro at school heads na naka iskedyul ngayong buwan, maging sa kanilang paaralan/district/ congressional o division.
Ayon kay Sadsad, ito ay dahil sa karamihan ng mga guro at opisyal ng paaralan ay kabilang sa magiging Board of Election Tellers at Supervisors ngayong halalan sa barangay kaya dapat munang bigyan ng prayoridad ang gagawing aktibidad ng COMELEC sa paghahanda simula sa Oktubre 21 hanggang 28 ngayong taon.
Ayon pa sa naturang opisyal, ang pagbigay ng panahon sa mga aktibidad ng COMELEC ay batay sa Omnibus Election Code ng komisyon o Republic Act 9164. Ang naturang memorandum ay para sa mga Assistant School Division Superintendents, Divison Education Program Supervisors, Division Coordinators, Public School District Supervisors, Elementary at Secondary School Heads.
Noong Agosto 8 ngayong taon ay ipinalabas din ni Sekretaryo Armin A. Luistro ng DepEd ang Memorandum No.149 series 2013 tungkol sa COMELEC Resolution No. 9734 o pagka deputatized ng ahensiya upang matiyak na susunod ang mga ito sa pagpapatupad ng mga orders at instructions ng komisyon. Nakasaad din dito ang mga gagampanang tungkulin ng mga guro kaugnay ng barangay election.
Dagdag pa sa naturang resolusyon ay ang paggamit ng mga public school buildings at ang pagbabawal na magdaos ng komperensiya, seminars at anumang aktibidad sa paaralan sa itinakdang election period.
Kasali sa COMELEC Resolution 9734 ay ang Department of Finance na dapat masiguro na ang lahat na provincial at city o municipal treasurers ay mananatiling naroroon sa kanilang pwesto maging ang mga ito ay permanente o pansamantala sa kanilang posisyon simula September 28hanggang sa November 12, 2013.
Ang iba pang ahensiya ng gobyerno gaya ng DOTC, Postal Corp-NTC, DOE-Electric Cooperatives, CSC, COA, DBM, DPWH, MMDA, PIA, GOCC at ang Philippine Airlines (PAL). (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

No comments:
Post a Comment