LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 31 (PIA) – Upang higit pang malinawan ang ilang mga usaping may kaugnayan sa pangisdaan at makabuo ng mga karampatang solusyong ukol dito, isang pagpupulong ang isinagawa kamakailan ng Fishery Sector Technical Working Group sa lungsod ng Sorsogon na dinaluhan ng kinatawan ng iba-ibang ahensya ng pamahalaan at mga civil society group na tumutulong sa mga mangingisda.
Pinangunahan ito nina Bokal Arze Glipo, chairperson ng Committee on Agriculture and Fisheries, Committee on Environment and Natural Resources chaiprerson Bokal Rebecca Aquino at Vice-Governor Antonio Escudero, Jr., chairperson ng Committee on Public Order and Security ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa naturang pulong, nilinaw na batay sa Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Code), walang maituturing na provincial water ang Sorsogon sapagkat ang mga bayan at siyudad lamang ang may saklaw sa karagatan kung kaya’t nakaatang ang malaking bahagi ng responsibilidad sa mga munisipalidad at lungsod sa pagsusulong ng legal na mga aktibidad pampangisdaan.
Naging daan din ang pulong upang mapag-usapan ang ilan sa mga maiinit na isyu na nakakaapekto sa pangisdaan tulad ng illegal fishing, overfishing, degradation of marine resources at ang iba pang mga mapagkakakitaan para sa mga mangingisda.
Sa mga diskusyon, napag-alaman na hindi lamang ang commercial fishers ang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang fishing vessel na kilala sa tawag na “pangulong” kundi pati na rin ang mga maliliit na mangingisda na gumagamit ng dynamite at cyanide.
Ang mga commercial fishers o yaong may mga sasakyang dagat na may kargang higit sa tatlong kabuuang toneladang kagaya ng “pangulong” ay bawal pumasok sa loob ng karagatang ibinibilang na municipal waters. Ang municipal waters ay may 15 kilometrong economic zone mula sa baybayin ng mga lokal na pamahalaan at ito ay nakatalaga lamang pangisdaan ng mga maliliit na mangingisda.
Dahilan sa mas may kakayahang makakuha ng maraming isda ang ganitong malalaking sasakyang dagat, kung kaya’t nagkakaroon ng overfishing, na inirereklamo ng mga maliliit na mangingisda sa Ticao-Burias Pass kung saan ang mga bayan ng Bulan, Castilla, Pilar at Donsol ay nabibilang. Walang alinman sa lugar ang maaaring pasukin ng malalaking sasakyang pandagat dito dahilan sa hindi lalampas sa 15 km ang pagitan ng Masbate at Sorsogon sa naturang karagatan.
Sa isyu pa rin ng overfishing, nabanggit na naglipana din ang mga mangingisdang nanghuhuli ng mga napakaliit pa at maging ang mga isda na dapat sana’y hinahayaan pang mabuhay upang mas mapadami pa ang kanilang bilang. Ayon sa mga mangingisda, ginagawa Ito dahilan sa kulang na raw ang mga isdang nahuhuli kung kaya’t napipilitan ang mga municipal fisher na magkasya na lang sa panghuhuli ng mga maliliit na isda na tinatangkilik naman ng mga tao lalo na yaong hindi kayang bumili ng mga primerang klaseng isda.
Sinabi ni Bokal Arze Glipo na dahil sa mga sitwasyong ito, minabuti ng mga komitiba ng Sangguniang Panlalawigan (SP) na isulong sa pamamagitan ng resolusyon, ang pagbuo ng Department of Agriculture lalo na ng BFAR, ng Fisheries Law Enforcement Group na siyang huhuli sa mga nagsasagawa ng mga ilegal na pamamaraan ng pangingisda. Ito ay kabibilangan ng PNP, MARINA, Coast Guard, Philippine Army at ng BFAR.
Aniya, isa pang isusulong na resolusyon ng pinag-isang mga komitiba ng SP ay ang paghikayat sa mga magkakalapit na lokal na pamahalaan sa Ticao-Burias Pass o West Philippine Sea, mga nakaharap sa Pacific Ocean, at mga nasa Sorsogon Bay, na bumuo ng Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (IFARMC) na tutugon sa kani-kanilang mga isyu patungkol sa pangingisda. (MAL/BAR/IRDF/PIA5)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=801383121403#sthash.DjXqiRh9.dpuf

No comments:
Post a Comment