BY: DANILO ABAD
LUNGSOD NG NAGA, Enero 14 (PIA) --- Bilang insentibo at pagkilala sa mga magagandang ordinansa at mga resolusyon na ipinasa at ipinapatupad ng mga barangay dito sa lungsod, isinusulong ngayon ng Sangguniang Panglungsod na mabigyan ng parangal ang mga kumakatawan sa naturang komunidad.
Ayon kay bise alkalde Nelson Legacion at presiding officer ng Sangguniang Panglungsod, pipili sila ng tatlong barangay na may pinaka mahusay na mga ordinansa at resolusyon na naipasa at nakapag bigay ng positibong resulta sa pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan.
Ito anya ay bilang pagkilala din sa pagpupunyagi ng mga Punong barangays kasama na ang mga barangay officials, na mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamayanan. Dagdag pa ni Legacion, may nakalaan na P2.25 milyong piso bilang premyo o gantimapal sa tatlong barangay councils na mapipili ngayong taon.
“Nais nating ipaalam sa ating mga opisyal sa barangay na kinikilala natin ang kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa kanilang barangay. Nais din nating maging batayan ang mga ordinsang kainilang iniakda sa pagsukat sa kanilang naging signipikanteng kontribusyon sa barangay,” dagdag pa ni Legacion.
Kaugnay nito ay magkakaroon ng isang araw na training na pangungunahan ng lokal na gobyerno ng Naga. Imbitado dito ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad pati na rin ang mga barangay secretary.
Nilinaw naman ni Legacion na hindi cash ang ibibigay na premyo kundi proyekto na isasakatuparan ng barangay council. Isang milyong piso para sa unang premyo, P750 libong piso sa pangalawa at P500 libong piso naman sa ikatlong makakatanggap ng naturang karangalan.
Ang Sangguniang Panglunsod ang syang naatasan na mangasiwa at bumuo ng komitiba katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) at mga miyembro ng Sanggunian Panglungsod.
Bibigyan din ng prayoridad ng Sangguniang Panglungsod ang mga napiling mahuhusay na barangay council upang iangkop sa ipinapatupad na good governance practices ng lokal na pamahalaan ang kanilang kasalukuyang pamamahala.
Matatandaan na una ng ipinasa ng dating Presidente ng Liga ng mga Barangay na si Jose Importante ang ordinansa na Barangay Transparency Award. Isa ito sa mga batayan ng pagpapatupad ng DILG Full Disclosure Policy na dapat ipalathala ang kanya-kanyang Barangay Citizen's Charter upang malaman ng mga konstitwentes ang serbisyo sosyal na para sa kanila. (LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=851389670709#sthash.3SzqXUEw.dpuf

No comments:
Post a Comment