SYUDAD NG MASBATE, Abril 15 (PIA) – Trabaho para sa higit labin-limang katao ang inaalok ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Masbate kaugnay ng paglunsad nito ng kampanya na puksain ang rabies sa lalawigan.
Nabatid kay Acting Vice Governor Jo Kristine Revil na nangangailangan ang kapitolyo ng mga magsisilbing tagabakuna ng hayop ngayong tag-araw.
Ayon kay Revil, ang mga estudyante o nagtapos sa animal husbandry at katulad na kurso ang uunahing bigyan ng trabaho.
Sinabi ni Revil na ang mga aplikanteng mapipili ay bibigyan ng pagsasanay bago sila magtrabaho sa direksyon ng Masbate Provincial Veterinary Office.
Sa ngayon isa pa lang aniya ang nag-aplay.
Ang rabies ay viral disease na karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng isang hayop na nahawaan nito.
Maaaring ikamatay ng tao ang kagat ng hayop na may rabies.
Ayon sa mga otoridad sa kalusugan, maaaring mahadlangan ang pagkalat ng rabies kaya magkatuwang ang pamahalaan at ang World Health Organization for Animal Health sa pagsugpo nito. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/771429498030/rabies-eradication-campaign-magdudulot-ng-trabaho-sa-masbatenyos#sthash.WnRS98eR.dpuf

No comments:
Post a Comment