By Rosalita B. Manlangit
DAET, Camarines Norte, Mayo 5 (PIA)—Inilahad ng apat na kagawaran ng gobyerno na tumutulong sa mga maliliit na mga negosyante, kooperatiba at mag-aaral ang kani-kanilang mga programang pangkabuhayan at pang-edukasyon sa ginanap kamakailan na “Talakayan sa PIA” ng Camarines Norte Information Center.
Ang apat ay ang Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay Alvin Sayno ng DTI, nakatuon sila sa pagtatayo ng “Negosyo Centers” sa mga bayan kung saan ang lokal na pamahalaan ng Daet ang kauna-unahan sa Camarines Norte na nagbukas nito noong Enero.
Ngayong buwan ng Mayo, DTI naman ang magbubukas sa tanggapan nito, dagdag pa ni Sayno.
Aniya nakatuon ang tanggapan sa pagtulong sa mga negosyante kung kaya’t meron silang iipinapatupad na mga programang pinansiyal, pagsasanay at iba pang tulong upang gawing madali ang pagnenegosyo.
Gayundin sinabi niya na ang isa pa sa malalaking proyekto ng DTI ay “shared service facility” kung saan nagbibigay sila ng mga kagamitan na maaaring gamitin ng mga manufacturers sa pagpoproseso ng mga produkto.
Sinabi naman ni TESDA Provincial Director Conrado Maraan Jr. na ang pagbibigay ng certification sa mga kumuha ng iba’t ibang kurso ng tanggapan tulad ng automotive at computer hardware servicing ay nangangahulugan ng malaking tsansa na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Sinabi pa ni Maraan na ang mga pinalad na makapasa sa kanilang eksaminasyon at magkaroon ng certification ay kinikilala hindi lang dito sa bansa kundi maging sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.
Nilinaw ni Maraan na sa mga paaralan o institusyon na nais magbukas ng mga TESDA programs kinakailangan aniyang tumalima sa mga requirements na hinihingi ng tanggapan tulad ng certification of trainer’s methodology o pagpapatunay na certified at marunong magturo ang mga trainers nito.
Ipinaliwanag ni Maraan na ito ay upang masiguro ang kalidad ng edukasyon sa mga paaralang magbubukas ng mga programa nito.
Ngayong taon naglaan na ang tanggapan ng P10 milyon para sa scholarship grants kasama dito ang Private Education Students Financial Assistance (PESFA). Maari lamang matanggap ito ng ng estudyanteng may taunang kita ang pamilya na hindi lalampas sa P120,000 at hindi pa nakakatuntong sa kolehiyo na.
Ayon naman kay DOLE Officer-In-Charge Provincial Field Officer Jane Rolda nagbibigay ang tanggapan nila ng starter kit o kagamitan na tutugma sa skill o kakayahan ng isang benepisyaryo para sa hanapbuhay tulad ng karpintero, mason at iba pa.
Sinabi niya na meron din silang Tulong Panghanapbuhay Sa Mga Displaced Workers (TUPAD) o disadvantaged workers kung saan lahat ng personal protective equipment na gagamitin ng benepisyaryo, 100% salary o arawang suweldo sa loob ng 10 hanggang 30 araw at micro insurance nila ang babayaran ng DOLE.
Dagdag pa ni Rolda meron silang Special Program for Employment of Students (SPES) para naman sa mga mag-aaral na dati ay umiikot lamang sa 30 araw na paggawa at ngayon ay maaari ng makuha ng benepisaryo sa loob ng 52 araw.
Ayon naman kay Marilou Belgado ng DOST nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng mga pagsasanay kagaya ng complementary food processing at pineapple processing ngayong buwan ng Mayo.
Nilinaw din ni Belgado na hindi working capital ang ipinahihiram ng kanilang tanggapan kundi mga kagamitan o equipment na maaaring umabot mula sa P1 milyon hanggang P10 milyon halaga.
Nabatid pa kay Belgado na sa mga mag-aaral na nais magkolehiyo nagbibigay sila ng DOST scholarship na kung saan dapat 85% ang average grade ng mag-aaral upang makakuha nito.
Sa susunod na taon, wala munang makakakuha nito dahil sa K-12 , dagdag pa ni Belgado.
Ang “Talakayan sa PIA” na ginanap sa Gender and Development Building ng PENRO-DENR.ay pinangasiwaan ni Information Center Manager Rosalita B.Manlangit ng Camarines Norte Information Center at dinaluhan ng mga media mula sa radyo, telebisyon at prensa (RBM/KNR/EAD-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/871430803481/programang-kabuhayan-edukasyon-sa-camarines-norte-inilahad-ng-4-na-kagawaran-#sthash.F1A1xpbQ.dpuf

No comments:
Post a Comment