Tuesday, December 21, 2010

ALBAY, PINANGUNAHAN ANG LGU SUMMIT 2ND LEG SA VISAYAS
By Marlon A. Loterte


LEGAZPI CITY— Muling nagpulong-pulong ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng iba’t ibang mga lalawigan, lungsod at bayan sa Visayas para sa patuloy na pagsusulong at mapalakas pa ang adbokasiya at kampanya sa Climate Change Adaptation para matugunan ang mga hamon at epekto nito.

Muling pinangunahan ng pamahalaang lokal ng Albay ang LGU Summit+3i Visayas leg na ginananp noong Disyembre 15 hanggang 16sa Iloilo City.

Si Vice President Jejomar Binay naman ang naging panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon na itinataguyod ang “total localization” sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang sa CCA.

Naging pangunahing tagapagsalita din si acclaimed UN Senior Global Champion for CCA/Disaster Risk Reduction and Albay Governor Joey Salceda na muling inilahad ang mga programa at polisiya ng lalawigan para matugunan ang mga implikasyon o epekto ng pagbabago-bago ng klima sa mundo.

Inihayag rin ni Salceda na kailangan ng mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga hakbangin na tutugunan ang mga epekto ng pagbabago ng klima alinsabay sa kanilang mga ipatutupad ring mga programa, proyekto at mga polisiya sa pagsusulong na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan, ganoon din ang masiguro ang kaligtasan mga lugar sa kanilang lalawigan, lungsod o bayan sa mga masamang epekto, kalamidad na dulot nito.

Sa kinalaunan ay maipatupad rin nga bawat lokal na pamahalaan ang mga kinakailangan na hakbangin sa Climate Change Adaptaion alinsunod sa National Strategic Framework on CCA at matugunan ang kinakailangang programa para makamit ang mga adhikain ng Millennium Development Goals (MDG) sa taong 2015.

Ayon naman kay Manuel “Nong” Rangasa, executive director ng Center for Initiative Research for Climate Adaptation (CIRCA), ang nasabing LGU Summit +3i ay ang ikalawang yugto ng una ng pinasimulan ng pamahalaang lokal ng Albay noong Nobyembre at muling binibiyang diin ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang para matugunan ang mga epekto ng climate change sa buhay ng tao at iba pang aspeto ng pamumuhay ng mga pamamyanan.

Kasama sa mga dumalo sa nasabing summit ang mga planning manager, scientist at academe, civic society at community leaders, mambabatas, , at mga development partners. (PIA V/Albay)

MASISIPAG NA BARANGAY HEALTH AT DAY CARE WORKERS SA MASBATE MANANATILI SA KANILANG POSISYON

MASBATE CITY — Hindi lang iilang bagong halal na Punong Barangay sa lalawigan ng Masbate ang nagsantabi ng patronage politics at nag reappoint ng mga opisyal na maganda ang performance.

Sa survey na ginawa ng local media, karamihan sa neophyte na punong barangay ay nag re-appoint ng Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Day Care Workers.

Ayon kay DILG Masbate City Local Government Operation Officer Raynard Garrucho, co-terminus sila sa natalong Punong Barangay na nag-appoint sa kanila.

Ayon naman sa mga bagong Punong Barangay, kanilang ginawaran ng re-appointment ang Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Day Care Workers dahil kailangan nila ang may experience at para di na masayang ang trainings na ibinigay sa kanila ng pamahalaan .

Anila yaon lamang mga hindi nagtrabaho habang nanunungkulan sa nakaraang administrasyon ang tanging sinibak sa posisyon. (RALazaro, PIA Masbate)

CRISIS MANAGEMENT SEMINAR GINAWA SA LUNSOD NG NAGA

NAGA CITY — Dinaluhan ng mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) , mga miembro ng City Peace and Order Council at mga opisyal ng Public Safety Office dito ang ginawang Crisis Managament Seminar at Simulation Exercises noong isang linggo.

Ilan sa mga naatasang magbigay ng kanilang lectures at mensahe ay ang City Director ng Naga City Police Office na si PSSupt. Vert Chavez.

Isinaysay naman ni DILG City Director Fatima Penino ang ilang mga kautusan ng Department of Interior and Local Government partikular ang mga order at Memorandum Circulars mula sa kanikang tanggapan na may kinalaman sa pagbuo ng isang crisis management committees.

Isa na rito ang DILG Memorandum Circular No. 2003-001 na nag uutos ng pagpapatupad ng mga guidelines para sa pagbuo ng crisis management committee.

Ayon sa naturang kautusan ay ipinadala sa lahat ng mga gobernador , city at mga municipal mayors bilang Chairperson ng kani kanilang Peace and Order Councils.

Sakop din sa naturang kautusan ang mga DILG Regional Director at maging ang mga Napolcom Regional Directors, PNP Regional at Provincial Directors at ilang pang opisyal ng iba pang ahensya at mga stakeholders. (LSMacatangay, PIA CamSur)

VILLAFUERTE, SUPORTADO NG MGA ALKALDE SA KANYANG SENATORIAL BID

NAGA CITY — maaga pa lamang ay nagpakita na ng kanilang suporta ang tatlumpot isang mga alkalde dito sa lalawigan ng Camarines Sur para sa darating na senatorial bid ni Gobernador LRay Villafuerte.

Sa pagpupulong na ginawa ng mga miembro at opisyales ng League of Municipalities o LMP na ginawa kamakailan, ay ipinahayag ni Villafuerte ang kanyang intension na tumakbo bilang senador sa susunod na halalaan

Sa naturang pagtitipon ay ipinarating naman ng Liga sa pamumuno ni Buhi Mayor Rey Lacoste ang buo nilang suporta sa hakbang na ito ni Villafuerte.

Buo ang kanilang paniniwala na pagkatapos ng termino nito bilang Gobernador ng lalawigan ng Camarines Sur ay wala ng makakapigil pa rito upang sumagupa sa mga national candidates upang maging isa sa mahuhusay na senador sa bansa.

Ang balitang ito ay hatid sainyo ng Manila Bulletin, Tempo, Balita at ng Philippine Information Agency dito sa Camarines Sur. (LSMacatangay, PIA CamSur)

MASBATE PROVINCIAL BOARD SUPRTADO ANG PHASE-OUT NG MERCURY THERMOMETERS

MASBATE CITY — Handang suportahan ng Masbate Provincial Board ang gradual phase-out ng devices na naglalaman ng mercury na isinusulong ngayon ng Department of the Interior and Local Government at Department of Health.

Sa panayam ng local media, sinabi ni Board Member Enrique Legazpi na chairperson ng committee on health na pangungunahan niya ang pagsulong sa Sangguiang Panlalawigan ng isang resolution para bilisan ang phase-out ng mercury sa mga government hospitals sa Masbate.

Isusulong din aniya niya ang isang ordinance na magbabawal sa mga drugstores o pharmacies na magtinda ng mercury thermometers at BP devices na may mercury.
Aniya ang dalawang hakbang na naturan ay magpapalakas sa Memorandum Circular 2010-140 na inilabas ni Secretary Jesse Robredo noong Disyembre 7.

Sa naturang memorandum, minanduhan ni Robredo ang mga local government units na gumawa ng hakbang para masunod and Administrative Order 21 ng Department of Health.

Iniuutos ng A.O. 21 ng DOH sa lahat ng health care facilities ang phase-out ng mercury-containing devices. (RALazaro, PIA Masbate)

ENHANCED K+12 PROGRAM, NAKATAKDANG ILUNSAD NG DEP-ED CATANDUANES

VIRAC, Catanduanes — Inilunsad ng Department of Education (DepEd) Division of Catanduanes ang Enhanced K+12 Basic Education Program noong December 16, 2010 kung saan dinaluhan ito ng mga education officials, stakeholders at partners in education sa buong lalawigan na ginanap sa Virac Sports Center dito.

Ayon kay Dr.Artemio Rivera, Schools Division Superintendent, isang forum on K+12 ang isinagawa matapos ang isang kick-off para sa umaga sa poblacion ng Virac. Sa naturang forum tinalakay sa publiko ang mga natatanging katangian ng programa na may layuning maitaas ang kalidad ng edukasyon sa buong kapuluan.

Ang enhanced K+12 Basic Education Program ay may layuning magkaroon ng dekalidad na labing-dalawang basic education program kasali na ang kindergarten,anim na taon sa elementary education,at apat na taon sa junior high school(grades 7 to 10)at dalawang taon sa senior high school (grades 11 to 12).Ang dalawang taon sa senior high school ay may layuning mabigyang oras ang mga mag-aaral na matipon ang kanilang nakuhang academic skills at kakayahan.

Ang nasabing curriculum ay makakapagbigay sa mga mag-aaral ng specialization sa Science and Technology, Music and Arts, Agriculture and Fisheries, Sports, Business at entrepreneurship.

Bibigyan din ng kaukulang pansin ng naturang programa ang pangangailangan ng mga guro, silid-aralan, desks, water and sanitation at quality textbooks sa pagbibigay ng mas mataas na budget ng pamahalaan sa edukasyon. (EABagadiong, PIA Catanduanes)


WORLD GALA PREMIER NG PELIKULANG “IKAW ANG PAG IBIG, SA LUNSOD NG NAGA

NAGA CITY — Kaugnay ng pagdiriwang ng ikatatlong daang taon ng debosyon kay Nuestra Senora de Penafrancia ay isang pelikula ang binuo ng isang movie outfit na pinangungunahan mismo ng batikang director na si Marilou Diaz-Abaya.

Ito ay ang pelikula na may pamagat na Ikaw ang Pag ibig kung saan gumanap sa mahahalagang papel sina Jomari Ylana, Marvin Agustin, Jaime Fabregas, Ina Feleo at espesyal ng bikolanong actor na si Eddie Garcia.

Bago pa ito ipalabas sa malalaking sinehan ay ginanap ang world gala premier ng naturang pelikula dito mismo sa lunsod ng Naga kung saan nakatira ang imahen ng Our Lady of Penafrancia noong Biyernes, December 17, sa Unibersidad de Sta. Isabel Auditorium , alas singko ng hapon.

Ang pelikula ay may layuning maipaalam sa mga manonood ang mga milagrong nagagawa ng pananampalataya. Dala din nito ang mensahe ng debosyon, pag asa at pagmamahal. (LSMacatangay, PIA CamSur)

OWWA, NAGLAGAY NG SATELLITE OFFICE DITO SA LUNSOD

NAGA CITY — labis na ikinatuwa ng mga pamilya ng mga overseas Filipino workers dito sa Camarines Sur ang pormal ng paglalagay ng satellite office ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA dito.

Ayon sa OWWA Regional Director na si Jocelyn Hapal, isa itong paraan upang mas madaling magkaroon ng access ang mga OFWs , partikular mula sa mga bayan dito sa Camarines Sur at Camarines Norte.

Anya mas magiging madali rin para sa kanilang tanggapan na matulungan ang mga OFWs tungkol sa mga problema nito sa pag sasaayos ng kanilang mga benepisyo , maging ang pagtunton sa mga illegal recruiters.

Idinagdag pa ni Hapal na aabot sa dalawamput limang libo ang mga OFWs na naninirahan sa dalawang probinsya kung kaya nararapat lamang na mailapit nila ang kanilang tanggapan sa mga ito upang mas madaling nilang matugunan ang pangangailangan ng mga OFWs. (LSMacatangay, PIA CamSur)

CITIZEN’S SATISFACTION CENTER SEAL OF EXCELLENCE AWARD IGINAWAD SA CAMARINES SUR

NAGA CITY — Nakatakdang tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur, sa pangunguna ni Gobernor LRay Villafuerte, ang Citizen’s Satisfaction Center Seal of Excellence Award sa darating na Enero 10, 2010.

Ayun sa Civil Service Commission ang sponsor ng nasabing reconocimiento ,batay sa resulta ng ginawang Report Card Survey (RCS) ng CSC ang nasabing award sa capitolyo provincial ay tungkol sa pag implementar ng local na pamahalaan tungkol sa Anti-Red Tape Act of 2007.

Ayun pa sa CSC, noong nakaraang mga buwan sorpresang nag condukta ng survey ang mga personahes ng CSC sa nasabing opisina at naging maganda ang resulta nito dahil sa nakita nilang sumusunod sa ley gaya ng paglagay ng empleyado na mangangasiwa sa public assistance desk. (DCAbad, PIA CamSur)


NAGA CITY NAGSAGAWA NG PAGSASANAY SA CRISIS MANAGEMENT AND SIMULATION EXERCISE

NAGA CITY — Isinagawa ang isang pagsasanay sa Crisis Management and Simulation Exercise sa Joint Operations Center, Civic Center dito noong isang lingo.

Ayon kay Naga City Public Safety Officer Lito Del Rosario, ang layunin ng nasabing aktibidad na malaman at magkaagapay ang mga DILG circulars tungkol sa Crisis Management; alamin ang kasalukuyan PNP operational plans on hostage at iba pang sitwasyon, kasali na dito ang iba pang composition at functions sa crisis incidents management task group at iba pang aktibidad na may kinalaman sa crisis management.

Inaasahan na dadaluhan ito ng mga miyembros ng Naga City Peace and Order Council, mga miyebros ng PNP Naga City at iba pang line agencies .
Ang balitang ito ay hatid ng Manila Bullletin, Tempo, Balita at Philippine Information Agency, Camarines Sur. (DCAbad, PIA CamSur)

KABALIKAT DARAGA, NAGBIGAY AGINALDO SA MGA BATA SA ANISLAG RESETTLEMENT

Anislag, Daraga, Albay-Mahigit 100 bata ang napasaya sa feeding at nabigyan ng regalo mula sa Kabalikat Civivom Daraga Chapter na pinangunahan ni Gng. Victor Perete bilang presidente ng grupo kahapon, December 19, 2010 sa relocation site ng Anislag, Daraga, Albay.

Maraming bata ang sumali sa mga palaro at paligsahan. Lahat sila nabigyan ng regalo.

Nagsimula ang Feeding and Gift giving program na ito noong December 2007 hanggang sa kasalukuyan mula ng mahalal na pangulo ng Tagas Village Organization si Gng Audie Ante. (Cris Banzuela/PIA V)

No comments:

Post a Comment