ALBAY, PANGUNGUNAHAN ANG LGU SUMMIT 2ND LEG SA VISAYAS
By Marlon A. Loterte
LEGAZPI CITY— Nakatakdang magpulong muli ang mga pamahalaang lokal ng iba’t ibang mga lalawigan, lungsod at bayan sa Visayas para sa patuloy na pagsusulong at mapalakas pa ang adbokasiya at kampanya sa Climate Change Adaptation para matugunan ang mga hamon at epekto nito.
Muling pangungunahan ng pamahalaang lokal ng Albay ang LGU Summit+3i Visayas leg na gaganapin sa Iloilo City ssimula bukas, Disyembre 15 hanggang 16.
Ayon kay Manuel “Nong” Rangasa, executive director ng Center for Initiative Research for Climate Adaptation (CIRCA), ang nasabing LGU Summit +3i ay ang ikalawang yugto ng una ng pinasimulan ng pamahalaang lokal ng Albay noong Nobyembre at muling binibiyang diin ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang para matugunan ang mga epekto ng climate change sa buhay ng tao at iba pang aspeto ng pamumuhay ng mga pamamyanan.
Inihayag rin ni Rangasa na kailangan ng mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga hakbangin na tutugunan ang mga epekto ng pagbabago ng klima alinsabay sa kanilang mga ipatutupad ring mga programa, proyekto at mga polisiya sa pagsusulong na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan, ganoon din ang masiguro ang kaligtasan mga lugar sa kanilang lalawigan, lungsod o bayan sa mga masamang epekto, kalamidad na dulot nito.
Sa kinalaunan ay maipatupad rin nga bawat lokal na pamahalaan ang mga kinakailangan na hakbangin sa Climate Change Adaptaion alinsunod sa National Strategic Framework on CCA at matugunan ang kinakailangang programa para makamit ang mga adhikain ng Millennium Development Goals (MDG) sa taong 2015.
Kasama sa mga inaasahang dadalo sa nasabing summit ang mga planning manager, scientist at academe, civic society at community leaders, mambabatas, , at mga development partners.
Si Vice President Jejomar Binay naman ang nakatakdang maging panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon.
Magiging pangunahing tagapagsalita din sina acclaimed UN Senior Global Champion for CCA/Disaster Risk Reduction and Albay Governor Joey Salceda, at United Nations Development Programme (UNDP) Country Director Renaud Meyer na tatalakayin ang UN’s Support for Climate Change Adaptation & Disaster Risk Reduction sa Pilipinas. (MALoterte, PIA V/Albay)
No comments:
Post a Comment