DAYUHAN, BUMISITA SA ALBAY, NAIS MAMUHUNAN SA PAGTATANIM NG KAMOTE
LEGAZPI CITY — Nagkaka-interes na ang mga negosyanteng Hapon at Koreano para hikayatin ang mga taga Albay na paramihin ang produksiyon ng kamote o sweet potato.
Ayon kay Jojo Elvira, provincial agriculture rehabilitation officer, ilang mga dayuhan ang pumunta nito lamang dumaan mga lingo upan pag-aralan kung papano tinatanim at inaani ang mga lokal na uri ng kamote dito.
Ayon kay Elvira, sinabihan siya ni Gov.Joey Salceda na palaguin ang ugnayan sa mga posibleng mamuhunan upan maging pangunahing camote exporter ang Albay at upang matulungan ang mga maliliit na nagsasaka.
Ayon sa masusing pag-aaral ng DOST, ang kamote ay mayaman sa bitamina at isa sa pangunahing pagkain ng mga Albayano kung kinakapos sa bigas lalo na kungmay kalamidad.
Ayon kay Salceda,kung pangunahing producto ng central luzon ang palay, magiging pangunahing produckto rin ng Albay ang kamote dahil sa potensiyal nito sa export bilang pagkain, pagkukunan ng alak at industrial alcohol.
Bilang Climate Adaptation, pagtutuunan ng pansin ng probinsiya ang kamote dahil hindi ito basta basta nasisira sa mga bagyo at akma ito sa mga bulubunduking hindi inaabot ng patubig kagaya ng sa palay.
Ani Salceda, sa oras ng bagyo, para sa Albay, matumba na ang palay, ang kamote ay nakatanim pa rin at handang anihin, pagkatapos ng bagyo, gaano man kalakas ang hangin. (MALoterte, PIA V/Albay)
PACQUIAO, PLANONG GAWING 'ADOPTED SON' NG LEGAZPI CITY
LEGAZPI CITY — Plano ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Legazpi na isulong ang isang resolusyon may kinalaman sa pagproklama kay WBC super welterweight champion at Sarangani Lone District Rep. Manny Pacquiao bilang "adopted son" ng lungsod.
Nangangahulugan ito na magiging welcome si Pacman na bumisita at manirahan sa Legazpi City.
Samantala, kinumpirma ni AKB Partylist Rep. Pido Garbin ang pagbisita ni Manny sa dito sa lungsod ng Legazpi sa darating na Enero 21-23, 2011.
Layunin ng pagbisita ni Pacquiao kasama ang iba pang mga mambabatas na i-promote sa buong mundo ang mga local tourist destinations ng lungsod.
Makakasama rin ni Pacman sa kanyang pagbisita ang kanyang assistant coach na si Buboy Fernandez. (MALoterte, PIA V/Albay)
TRIATHLON TEAM MULA SA CAMARINES SUR,
NAGPAKITANG GILAS SA IRONMAN COMPETITION SA THAILAND
NAGA CITY -- Nagpakitang gilas sa katatapos pa lamang na Ironman 70.3 sa phuket, Thailand ang triathlon team na pinangunahan mismo ng gobernador ng camarines sur na si el ray villafuerte.
Sa unang pagkakataon na paglabas nito sa ibang bansa, ay nakitaan ng determinasyon ang naturang grupo na nakipagsabayan sa mga batikang manlalaro mula pa sa ibat ibang panig ng mundo.
Ayon kay Governor Villafuerte , na mismong lumhok sa naturang kompetisyon, ang triathlon team mula saCamarines Sur ay mula sa nauna na nitong binuo na grupo ng mga estudyante ng Camarines Sur Sports Academy o CSA.
Ang triathlon ay isa sa mga extreme sports na isinusulong ng pamunuan ni Villafuerte upang mas pang mapaunlad ang sports tourism sa lalawigan.
Isa ito sa naisip nitong paraan upang makilala ang Camarines Sur , lalo na sa larangan ng turismo. (LSMacatangay, PIA CamSur)
MGA CAROLERS, KAILANGANG HUMINGI NG PERMISO MULA SA DSWD
NAGA CITY -- Muli namang nagpa alala ang City Social Welfare and Development Office dito sa lunsod sa mga nag pa plano na magsagawa ng caroling kaugnay ng kapaskuhan.
Ayon kay mrs Fatima Manalo, kailangang humingi muna ng permit ang mga ito bago magsagawa ng kanilang pangangaroling.
Aniya, isa itong paraan upang mabantayan din ng cswdo kung napupunta nga sa itinakdang layunin ng ano mang grupo ang proceeds na kanilang makukuha na naturang aktibidad.. ayon pa kay manalo, kailangan ding mag sumite ang mga ito ng financial report pagkatapos ng okasyon.(LSMacatangay, PIA CamSur)
UNANG BARANGAY ASSEMBLY SA ADMINISTRASYON NI P-NOY, DINALUHAN NG MARAMING MAMAMAYAN NG MASBATE
MASBATE CITY — Kung pagbabatayan ang dami ng mga dumalo sa barangay assembly noong Sabado, mukhang nahawa ang mga barangay opisyal sa lalawigan ng Masbate ng mataas na kredibilidad ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Raynard Garrucho ang Local Government Operations Officer ng Masbate City, sa unang pagkakataon sa maraming taon, nagpakita ng mataas na interes ang mamamayan na makialam at lumahok sa pagpapatakbo ng kanilang barangay.
Aniya makikita sa dami ng nakilahok sa ssembly ang pagkakaroon ng bagong pag-asa sa mga bagong halal ng opisyal ng barangay.
Sa Barangay Centro sa syudad ng Masbate kung saan tinalakay ni Ginoong Garrucho ang guideposts sa pagtataguyod ng barangay good governance, inihayag ng mamamayan kung ano ang nais nilang mangyari sa kanilang barangay.
Matapos mangakong ang mga panukala ng mamamayan ay isasama sa development plan ng barangay, pinangunahan ni Centro Barangay Captain Nelly Guadayo ang pagbigkas ng panunumpa para sa mabuting pamamahala.
Ang panunumpa ay ginawa rin sa mahigit 500 barangays ng lalawigan ng Masbate. Ayon pa rin kay Ginoong. Garrucho, ito ang unang barangay assembly na ang mga opisyal ay nagbigkas ng panunumpa para sa matuwid na landas.
Ginanap ang barangay Assembly alinsunod sa proclamation na ipinalabas ng pangulo matapos na ipagpaliban ang itinakda na pangatlong Sabado ng Oktobre. (RALazaro, PIA Masbate)
No comments:
Post a Comment