Tuesday, December 14, 2010

DILG CHIEF PINAPURIHAN NG MGA MASBATEÑO SA KAMPANYA PARA MATIGIL ANG ILLEGAL FISHING

MASBATE CITY — Pinapurihan at pinasalamatan si Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo ng mga lider sa lalawigan ng Masbate matapos mapag-alaman na ang nasabing kalihim ni Pangulong Aquino ay may personal na malasakit sa yaman ng karagatan ng Masbate.

Sa panayam ng local media, ipinaabot ng pangulo ng Masbate Mayors’ League na si Monreal Mayor Ben Espiloy ang kanyang pasasalamat kay Robredo dahil sa patuloy na suporta ng kalihim sa kampanya laban sa large-scale commercial fishing sa municipal waters ng Masbate.

Ganito rin ang pahayag ni Masbate City Mayor Socrates Tuason sa panayam sa kanya ng media. Ang Masbate City at Monreal ay idineklarang fish sanctuary ang malaking bahagi ng kanilang municipal waters.

Mismong ang liderato ng Philippine National Police ang umamin na palaging nagti-text si Secretary Robredo upang ipaalala ang kanyang direktiba na ihinto ang overfishing sa Masbate na isinisisi sa commercial fishing vessels.

Bunsod nito, naging aktibo ngayon ang buong kapulisan sa Masbate sa paglambat sa mga malalaking barkong pangisda na pumapasok sa municipal waters. (RALazaro, PIA Masbate)

No comments:

Post a Comment