Tagalog news: P39.9M inilaan para sa pro-poor program ng pamahalaang panlungsod ng Masbate
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Marso 4 (PIA) -- Naglaan ang pamahalaan ng lungsod ng Masbate ng mahigit P39 milyon para panustos sa mga proyektong ipapatupad ngayong 2013 at sa susunod na taon upang maiangat ang pamumuhay ng mahihirap sa lungsod.
Batay sa Local Poverty Reduction Action Plan ng lungsod, P21.9 milyon ang ibubuhos sa mga proyekto para sa kasalukuyang taon at P18 milyon naman para sa susunod na taon.
Ayon kay Mayor Socrates Tuason, layunin ng programang ito na pababain ang bilang ng mahihirap na residente sa lungsod ng Masbate mula sa 29 percent nang taong 2009 tungo sa 16 percent sa taong 2015.
Sinabi ni Tuason na ito ay kaugnay ng Millennium Development Goal na pababain ang poverty incidence sa Pilipinas mula sa 26.5 percent noong 2009 tungo sa 16.6 percent sa taong 2015 upang makamit ng Philippine Development Plan ang hangarin nitong inclusive economic growth.
Kalahati ng anim na estratehiya na tutustusan ng pondo ng lungsod ng Masbate ay para sa mga magsasaka at mangingisda, ang pinakamahirap na sektor batay sa resulta ng isinagawang survey sa sectoral poverty noong 2009.
Ang tatlo ay pamamahagi ng organic fertilizers at certified seeds ng palay, mais at gulay; ang walang interes na pagpapahiram ng puhunan (zero interest na cash loan) para sa mga kooperatiba; magsasaka at mangingisda; at pagbibigay ng post harvest facilities at pagtayo ng small water impounding projects, shallow tube well at small farm reservoirs.
Ang nalalabing estratehiya ay street education and feeding program para sa mga batang lansangan at batang manggagawa; ang pagtayo ng center for children in conflict with the law; at pagdagdag sa birthing facilities. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)
MasbateƱo news: P39 milyon guin tigana sa pro-poor program san gobierno ciudad san Masbate
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Marso 4 (PIA) -- Nagtigana an gobierno ciudad san Masbate san sobra P39 milyon na panggastos sa mga proyekto na ipagapatuman yana na 2013 kag sa masunod na tuig agod mapauswag an pangabuhay san mga nagatios sa ciudad.
Base sa Local Poverty Reduction Action Plan san ciudad, P21.9 milyon an ibububo sa mga proyekto para sa presente na tuig kag P18 milyon naman para sa masunod na tuig.
Guina maw-ot san Millennium Development Goal na pahamubuon an poverty incidence sa Pilipinas hali sa 26.5 porsyento san tuig 2009 pakadto sa 16.6 porsyento sa tuig 2015 agod maabot san Philippine Development Plan an obhito sani na inclusive growth.
Katunga sa unom na estratehiya na paga gastuhan san ciudad san Masbate para sa mga parauma kag para pangisda, an pinaka nagatios san sektor base sa resulta sa guin hiwat na survey sa sectoral poverty san tuig 2009.
An tulo an pagdistribwer san organic fertilizers kag certified seeds san humay, mais kag utanon; zero interest na cash loan para sa mga kooperatiba; parauma kag para pangisda; kag paghatag san post harvest facilities kag pagpatindog san small water impounding projects, shallow tube well kag small farm reservoirs.
An nabibilin na estratehiya amo an street education kag feeding program para sa mga palakatlakat na kabataan sa karsada kag mga batang obrero; pagpatindog san center for children in conflict with the law; kag dugang na birthing facilities. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)
Tagalog news: Inspeksyon sa mga fire hydrants at iba pang mga aktibidad gagawin ng BFP Central Fire Station
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 4 (PIA) -- Matapos ang isinagawang Unity Walk kick-off ceremonies noong nakaraang Biyernes, Marso 1, 2013, ilan pang mga aktibidad ang ginagawa ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon City Central Fire Station kaugnay ng obserbasyon ng Fire Prevention Month ngayong Marso.
Ayon kay Sorsogon City Fire Marshall SInsp. Walter B. Marcial, nagsagawa din sila noong nakaraang Biyernes ng programa sa radyo na tinagurian nilang “Bumbero sa Radyo” kung saan tinalakay nila ang mga nakalinyang aktibidad nila ngayong Marso sa ilalim ng temang “Sunog at Sakuna ay Paghandaan, Kalikasan ay Pangalagaan ng Matamasa ang Pag-unlad ng Bayan.”
Kanina ay sinimulan na rin nila ang pag-inspeksyon ng mga fire lane at fire hydrants upang matiyak na maayos at gumagana ang mga ito at pipintahan na rin nila upang madaling makita ito ng publiko.
Mula Marso 4 hanggang Marso 6, 2013 ay nakalinya din ang ilan pang aktibididad tulad ng Fire Safety Re-inspection sa Abuyog Elementary School, inspeksyon ng ilang mga kumpanya sa lungsod ng Sorsogon at pakikipag-ugnayan sa mga barangay.
Isang tree planting din na aktibidad sa Brgy. Balogo at muling pag-iinspeksiyon ng Abuyog National High School ang gagawin ng mga tauhan ng BFP Sorsogon City sa Marso 7, 2013, habang sa Biyernes ay nakatakda namang gawin ang kanilang Ugnayan sa Barangay Burabod, fire drill sa Villanueva Institute sa Bacon District, fire at earthquake drill at feeding activity sa Brgy. Abuyog sa East District.
Ang nasabing mga aktibidad ay bahagi pa rin ng kanilang adbokasiya na gawing ligtas mula sa sunog at iba pang mga sakunang sanhi ng sunog ang mga komunidad sa lungsod ng Sorsogon. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)
No comments:
Post a Comment