Tagalog news: Tatak na rabies-free inaasam ng lungsod ng Masbate;
Pagbabakuna sa mga aso isasagawa
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Marso 4 (PIA) -- Magbabahay-bahay ang mga beterinaryo para turukan ng anti-rabies vaccine ang mahigit apat na libong aso sa lungsod ng Masbate sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan na kilalanin ng DOH na rabies-free ang lungsod.
Makakatulong umano sa pagsulong ng turismo sa Masbate ang reputasyong rabies-free kaya layunin ni City Mayor Socrates Tuason ang matanggal ang kamandag ng lahat ng aso sa pamamagitan ng bakuna.
Ayon sa impormasyon mula sa tanggapan ng city veterinarian, iilan ilan lang ang nakakagat ng aso sa lungsod dahil sa mahigpit ang pagpapatupad ng ordinansa kung saan hinahanap ng mga tauhan ng pamahalaang bayan ang mga asong kalye.
Gayunpaman, may ilang kaso pa rin ng rabies sa mga nakalipas na taon sa Masbate kaya ang lungsod ay hindi pa itinuturing ng Department of Health na ligtas sa kamandag mula sa aso.
Ayon kay City Veterinarian Rolando Franzuela, kakatok sa mga bahay ang city veterinary technicians hindi lamang sa poblacion kundi maging sa mga liblib na nayon upang mabakunahan ang lahat ng aso.
Tiniyak ni Franzuela na ang kanyang tanggpapan ay may sapat na stock ng bakuna sa mga aso at gamot para sa iba pang alagang hayop pansakahan.
Bukod aniya sa bakuna sa mga aso, isasagawa din nila ang taunang pagbakuna sa mga baka, kalabaw, kambing at iba pang alagang hayop para may proteksyon sila laban sa sakit. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)
MasbateƱo news: Tatak rabies-free handum san Masbate City; pagbakuna sa mga ido guinhiwat
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Marso 4 (PIA) -- Magabalay-balay an mga beterinaryo para iniksyunan san anti-rabies vaccine an sobra libo na ido sa ciudad san Masbate sa pagtalinguha san lokal na gobierno na kilalahon san DOH na rabie-free an ciudad.
Makabulig segun sainda sa pag-uswag san turismo sa Masbate an reputasyon na rabies-free kaya tuyo ni City Mayor Socrates Tuason na mahali an lara san tanan na ido paagi san pagbakuna.
Base sa impormasyon hali sa opisina san city veterinarian, patalagsad lang an nakakagat san ido sa ciudad dahilan san mahigpit na pagpatuman san ordinansa kun-diin guina dakop san tawuhan san gobierno lokal an mga ido sa kamino.
Sa guihapon, may diotay na kaso san rabies sa mga nakaligad na tuig sa Masbate kaya an ciudad dili pa guina kilala o guina konsiderar san Department of Health na ligtas sa lara hali sa ido.
Segun kan City Veterinarian Rolando Franzuela, maga tuktok sa kabalayan an city veterinary technicians dili lang sa poblacion kundi hasta sa mga suksok na lugar agod bakuhan an tanan na kaiduan.
Guin cierto ni Franzuela na igwa an iya opisina san supiciente na pambakuna para sa mga ido kag bulong para sa iba pa na mga ataman na hayup sa uma.
Apwera san pagbakuna sa kaiduan, magahiwat man sinda san tuig-tuig na pagabakuna sa mga baka, karabaw, kanding, kag iba na ataman na sapat para proteksyunan an mga ini kontra sa sakit, dagdag pa ni Franzuela. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)
Tagalog news: Buwan ng Kababihan opisyal nang sinimulan
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 5 (PIA) -- Muling ipagdiriwang ngayong Marso ang Buwan ng mga Kababaihan kung saan ang tema nito ay “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan.”
Ang Buwan ng Kababihan ay taunang ipinagdiriwang sa bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 224 s. 1988 na nagdedeklara sa unang linggo ng Marso bawat taon bilang “Women’s Week” at tuwing ika-8 ng Marso bawat taon bilang “Women’s Rights and International Peace Day;” Proclamation No. 227 s. 1988 para sa obserbasyon ng buwan ng Marso bilang “Women’s Role in History Month; at sa Republic Act (RA) 6949 s. 1990 na nagdedeklara sa ika-8 ng Marso bawat taon bilang “National Women’s Day”.
Ang Provincial Gender Advocacy and Development Council (PGADC) ang nanguna sa simpleng mga aktibidad sa pagbubukas ng pagdiriwang noong Marso 1, 2013.
Sinabi ni PGADC vice chair at Sangguniang Panlalawigan Committee on Women and Family Relations chair Rebecca Aquino na isang banal na misa ang nagbukas sa pagdiriwang na ginanap sa Provincial Gymnasium, lungsod ng Sorsogo.
Sinundan ito ng isang ehersisyo para na tinaguriang "Zumba Exercise" na ginanap sa kaparehong lugar kung saan naging matagumpay ito dahilan na rin sa aktibong pakikilahok ng mga kasapi ng PGADC, pulisya at ng mga kinatawan mula sa iba't ibang mga munisipyo. Maging ang ilang mga kasapi ng media ay aktibo ring nakihataw.
Sa darating na Marso 14, 2013, gaganapin naman ang “Patiribayan Sa Bulan Nin Kababayihan” na pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI). Layunin nitong maipakita ang natatanging galing ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan ng kasanayang pangkabuhayan.
May mga pagbisita din sa radyo na gagawin upang talakayin ang ilang mga mahahalagang isyu ukol sa mga kababaihan at relasyon sa kani-kanilang mga partner. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)
Tags:
No comments:
Post a Comment