Mahigit 75,000 pamilya sa Masbate, nakinabang sa CCT
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 11 (PIA) -- Eksaktong 75,753 maralitang pamilya sa lalawigan ng Masbate ang nakatanggap ng pera mula sa "Conditional Cash Transfer" (CCT) ng pamahalaan sa ilalim ng programang "Pantawid Pamilyang Pilipino” hanggang May 29 sa kasalukuyang taon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang numero ay kumakatawan sa 44.13 percent ng 2010 total household population ng Masbate na 171,644.
Ayon sa National Statistical Coordination Board, ang halos 43 sa bawat 100 pamilya sa Masbate noong taong 2009 ay dukha.
Inilunsad nung taong 2008, ang programa ay nagbibigay sa conditional cash grant sa mga maralitang pamilya na may mga bata edad 14 taong gulang at pababa. Isang P500 buwanang cash grant ay ibinigay para sa gastusin sa kalusugan at nutrisyon habang P300 buwanang cash grant ay ibinigay sa bawat bata para sa pang-edukasyon na gastos.
Tanging tatlong bata sa bawat sambahayan ang pinahihintulutan na makatanggap ng cash grants upang masunod ang kabuuang P1,400 na nakatakda sa isang buwan para sa isang sambahayan. Bilang kabayaran, kinakailangan ng nakikinabang na magpadala ng kanilang mga anak sa paaralan at ang mga ina ay dapat pumunta para sa regular na prenatal o post-natal checkups.
Ayon kay Hesse Grail Lavisto, ang kinatawan ng DSWD sa Masbate, ang P1,400 sa isang buwan ay maaaring magbigay sa pinakamahihirap na pamilya ng laban sa pagtakas sa kahirapan.
Ayon pa kay Lavisto, ang pagbabayad sa CCT sa Masbate ay ipagpapatuloy sa Hunyo 17 hanggang 28.
Pansamantalang inihinto ang pagbayad sa CCT bago ang May 13 midterm elections.
“May 600 pamilya sa Masbate ang idadagdag bilang benepisyaryo ng CCT sa darating na 2014,” dagdag ni Lavisto. (MAL/EAD/PIA5-Masbate)
Miss Earth beauties makikiisa sa pagdiriwang ng Environment Month at Independence Day sa Sorsogon
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 11 (PIA) -- Bibisita sa Sorsogon ang tatlong naggagandahang Miss Philippines Earth upang makiisa sa pagdiriwang ng Environment Month ngayong Hunyo at ng Independence Day bukas.
Sa ipinadalang impormasyon ni provincial Tourism Officer Cris Racelis, inaasahang darating ngayong tanghali si Miss Philippines Earth Angelle Delos Reyes kasama si Miss Earth Air 2012 Steph Stefanowitz at Miss Philippines Fire 2012 Thoreen Halvorsen para sa unang bahagi ng kanilang responsibilidad bilang Miss Earth na tinaguriang “Fun Moments with Philippines Earth.”
Itinaon ang pagbisita ng naggagandahang mga dilag mula Hunyo 11 hanggang 13, 2013 upang makiisa sa mga Sorsoganon sa pagdiriwang ng Environment Month at ng Independence Day. Tinawag ang kanilang aktibidad na “Bicol Projects Familiarization at Bulusan Eco-Trail and Skyrun.”
Kasama din ng mga binibini ang sikat na environmentalist at ABS-CBN managing director na si Gina Lopez sa pagbisita sa Sorsogon.
Kabilang sa mga aktibidad nito sa lalawigan ay ang pagpunta sa Sorsogon City Pier at Tree Planting Activity sa deklaradong Mangrove Reforestation Site sa Brgy. Gimaloto, lungsod ng Sorsogon.
Sa hapon ay magkakaroon ng familiarization trek sa palibot ng lawa ng Bulusan at magsasagawa din ng inspeksyon sa lugar na posibleng pagtayuan ng Eco-Academy Center sa bayan ng Bulusan, Sorsogon. Makikipagpulong din ang mga ito sa mga prospek na benepisyaryo ng Beekeeping, pili oil at iba pang produktong galing sa pili at produktong coco coir.
Makikiisa naman ang mga bisitang binibini sa pagdiriwang ng 115th Philippine Independence Day sa Hunyo 12 na gaganapin sa Bulusan, Sorsogon sa pamamagitan ng pagbigay suporta at inspirasyon sa mga lalahok sa Skyrun at pagsasagawa ng Trek patungong Ranger Station.
Iikot din ang grupo sa iba pang mga ipinagmamalaking lugar ng Sorsogon tulad ng Crystal Springs, Masacrot Springs at Fulo Springs. Isang magandang relaxation din ang naghihintay sa grupo kung saan bibigyan din ito ng pagkakataon para sa 45-minutong hot spring theraphy bath bago ito tuluyang bumalik sa lungsod.
Babalik sa Maynila ang grupo sa Hunyo 13, 2013. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)
Masbateño news: Lampas 75,000 na pamilya sa Masbate, nagapulos sa CCT
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 10 (PIA) – Eksakto 75,753 na nagatios na pamilya sa probinsya san Masbate an nakabaton san kwarta hali sa gobierno bilang parte san conditional cash transfer na guina tawag na “Pantawid Pamilyang Pilipino” program hasta sa Mayo 25 sa presente na tuig, base sa rekord san lokal na opisina san Department of Social Welfare and Development.
An nahunambitan na numero naga representar sa 44.13 porsyento san 2010 total household population sa Masbate na 171,644.
Segun sa National Statistical Coordination Board, haros 43 sa kada isad kagatus na pamilya sa Masbate san tuig 2009 mga pobre.
Guin lansar san tuig 2008, an programa na magahatag san conditional cash grant sa mga nagatios na pamilya na may anak edad 14 anyos paubos. Quinientos pesos kada bulan an cash grant na guina hatag para sa ikaayon lawas kag nutrisyon meintras tres cientos pesos naman kada bulan para sa pang-edukasyon na gastuson.
An tulo lang na kabataan sa kada panimalay an guina tugotan na makabaton san cash grants, maximum na P1,400 sa kada bulan kada pamilya na may anak na dili maghamubo sa tulo na bata. Bilang pagsunod sa kondisyones kinahanglan na paadalon san mga benepisaryo an inda mga anak, kag kinahanglan na regular na magbisita an iloy sa health center para magpa-prenatal o postnatal checkups.
Nano an kaibahan na nahimo san P1,400 para sa isad na nagahirab na pamilya na may unom na myembro?
Segun kan Lavisto, an P1,400 sa kada bulan pwede na an pinakaimol na pamilya nakahaw-as sa pagtios.
Guin pahayag san DSWD link sa Masbate na si Hesse Grail Lavisto na an paghatag san CCT sa Masbate ipapadayon sa Hunyo 17 hasta 28. Temporaryo na guin udong an pagbayad sa CCT antes an May 13 midterm elections.
Segun pa kan Lavisto, may 600 na pamilya sa Masbate an guin dagdag bilang benepisaryo san CCT sa maabot na tuig 2014. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)
Masbateño news: Target na rabies-free Masbate, guin atras sa tuig 2015
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 11 (PIA) -- Ang target para mahaw-as an Masbate hali sa lara san ido bagan malisod pa maabot. Magpira na kaso sa guihapon an lumutaw sa isla na probinsya.
Inako san mga beterinaryo san lokal na gobierno an pag-atras tuna tuig 2013 pakadto sa 2015.
Segun kan Masbate City Veterinarian Rolando Franzuela, target ninda na maluwas an ciudad sa nakamatay na rabies sa tuig 2015.
Inako ni Franzuela na san nakaligad na tuig 2012, an iya opisina may narekord na duha na namatay dahilan san lara san ido sa Masbate.
Sa nakaligad na bulan san Marso kag Abril, nahimo san iya opisina na bakunahan an 3,726 na ido sa ciudad.
Dili naman niya masabi ang eksakto na populasyon san ido sa Masbate.
An pagbabakuna sa mga ido kag miya isad na paagi na nakapaudong sa pagdamo san kaso san rabies sa mga progresibo na mga lugar.
Segun kan Franzuela, damo na animal welfare organizations an nagabulig sa lokal na gobierno agod masugpo an paglakat san lara san ido. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)
Target na rabies-free Masbate, iniurong sa taong 2015
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 11 (PIA) -- Ang 2013 na target para tuluyan nang mawala sa Masbate ang kamandag na rabies ay tila mahirap pang matamo dahil may ilang kaso pa rin ang lumitaw sa islang lalawigan.
Ito rin ang dahilan kung kaya inamin ng mga beterinaryo ng lokal na pamahalaan ang pag-urong ng kanilang target iskedyul o deadline mula 2013 patungong 2015.
Ayon sa Masbate City Veterinarian Rolando Franzuela, target nilang makamit ang kalayaan ng lungsod mula sa nakamamatay rabies sa taong 2015.
Inamin ni Franzuela na sa nakaraang 2012, ang kanyang tanggpan ay nakapagtala ng dalawang nasawi dahil sa kamandag ng aso sa Masbate.
Tiniyak din nito na patuloy pa rin ang pagsisikap na puksain ang rabies sa Masbate.
Sa nakaraang buwan ng Marso at Abril, nagawa aniya ng kanyang tanggapan ang bakunahan ang 3,726 na aso sa lungsod.
Ang malawakang pagbabakuna sa mga aso at pusa ay naging mabisang paraan sa pagsugpo sa rabies sa maraming mauunlad na bayan.
Ayon kay Franzuela, maraming international animal welfare ang tumutulong sa lokal na pamahalaan sa paglipol laban sa kamandag ng aso. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)
Aklat, kagamitan sa paaralan ipapamahagi ng mga sundalo
By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Hunyo 11 (PIA) -- Ipapamahagi ng pamunuan ng 49th Infantry Battalion, 902nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Camarines Norte ngayong buwan ng Hunyo ang mga aklat at kagamitan para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa lalawigan.
Ito ay ang mga mag-aaral na hindi nabigyan noong nakaraang taon at nakatakdang tumanggap ngayong buwan sa pagbubukas ng klase. Sila ay pinili sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd) at ng lokal na parokya.
Ayon kay Lt. Col. Michael M. Buhat, commanding officer ng 49th Infantry Battalion, ito ay upang matugunan ang problema ng mga magulang na hindi kayang bumili ng ibang kagamitan para sa kanilang mga anak at mabigyan din ng kaunting suporta ang mga piling mag-aaral.
Ipapamahagi sa mga pampublikong paaralan ang mga iba't ibang aklat katulad ng encyclopedia at textbooks ganundin ang notebooks, lapis at pantasa, ballpen, krayola at iba pang mga kagamitan.
Ang naturang mga aklat at kagamitan ay mula sa tulong ng mga pribadong kompanya, indibidwal, Rotary Club International at ng mga sundalo sa lalawigan.
Matatandaan, 20 paaralan sa kinder at elementarya o mahigit 2,000 mag-aaral ang tumanggap ng mga aklat at kagamitan ng nakaraang taon sa mga pampublikong paaralan dito.
Ayon pa rin sa pahayag ng opisyal, target ngayong buwan sa pagbubukas ng klase na mahigitan pa ang mga naunang kabataan na tumanggap ng naturang mga pangangailangan sa paaralan.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng iba't ibang ahensiya, samahan, mga pribadong indibidwal na nagbibigay ng kanilang tulong para mga kabataang nagsisikap makapagtapos ng kanilang pag-aaral. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)
Ilang Bikolanos, nagtagisan sa 3rd Regional Biodiversity Challenge
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 11 (PIA) -- Ilang Bikolanos ang sumasabak sa 3rd Regional Biodiversity Challenge na kasalukuyang isinasagawa sa lungsod ng Masbate bilang pakikibahagi ng Bikolandia sa pagdiriwang ng mundo sa World Environment Day noong ika-5 ng Hunyo.
Bukod sa mga residente ng Masbate, may mga kalahok na nagmula sa mga probinsya ng Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon na kumakatawan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Mahigit dalawang dosenang koponan ang sumasabak sa paligsahan. Bawat koponan ay binubuo ng tatlong tao, kabilang ang isang babae.
Nagsimula ang karera kaninang alas 6 ng umaga sa pamamagitan ng paglangoy ng mga kalahok ng mahigit dalawang oras mula sa Bontod
Sandbar patungong pantalan ng bayan ng Mobo.
Mula sa daungan, tinakbo nila ang mahigit limang kilometro patungong Tugbo River kung saan sa maikling panahon ay makikibahagi sila sa river bank stabilization project. Mula sa ilog, muli silang magkakarera ng mahigit 20 kilometro, at sa pagkakataong ito patungong Barangay Pawa at Barangay Batuhan. Bago sila babalik sa sentro ng lungsod, sila’y magtatanim ng puno sa naturang dalawang barangay.
Ang tatlong mangunguna ay gagantimpalaan ng cash na P10,000; P7,000 at P5,000.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources forester Aldrin Barruga II, ang paligsahan ang panimulang aktibidad sa pagdiriwang ng Environment Month sa Bikolandia.
Pinapangunahan ang aktibidad ni DENR Bicol regional executive director Gilbert Gonzales.
Kabilang sa mahigit isang dosenang tumangkilik sa biodiversity challenge ang pamahalaang panlungsod ng Masbate, pamahalaang bayan ng Mobo, pamahalaang panlalawigan ng Masbate, Philippine Red Cross, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Unica Hija Resto Bar, Apollo Trading, Andang’s Garden, DMCI Masbate Power Corp., Red Bull Barako, Coca-Cola Powerade, Masbate Gold Project, Energy Development Corp., San Miguel Beer, Jolibee, at Development Bank of the Philippines. (MAL/EAD/PIA5-Masbate)
Higit P48M halaga ng silid-aralan itinayo sa Bikol na may 1.6M estudyante
By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 11 (PIA) -- Aabot sa 1.6 milyon na mag-aaral sa elementary at sekondarya sa rehiyon Bikol ang makikinabang sa 98 silid-aralan sa 73 bagong gusali na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos eksakto sa pagbubukas ng pasukan ngayong linggo.
Ayon kay DPWH Bicol regional director Danilo Dequito, umabot sa P48.2 milyon ang nagastos sa pagpapatayo ng mga gusaling galing sa pondo ng regular school buildings program (RSBP) ng Department of Education (DepEd) para sa calendar year 2012.
Ang Camarines Sur ang nakakuha ng pinakamalaking halaga na umabot sa P16 milyon para sa konstruksiyon ng 30 gusaling pampaaralan sa limang distrito nito kasama na ang mga lungsod ng Naga at Iriga, ayon kay Dequito.
Ang Albay ay nakakuha ng P9.2 milyon para sa konstruksyon ng 16 silid-aralan para sa lungsod ng Ligao at Tabaco at mga bayan ng Bacacay, Camalig, Guinobatan, Libon, Malilipot, Oas, Pio Duran, Rapu-Rapu at Tiwi, dagdag niya.
Samantala, nakuha ng Masbate ang P9 milyon para sa 25 bagong silid-aralan na natapos noong Enero pa ngayong taon sa tatlo nitong distrito. Ang probinsiya ng Sorsogon ay nakakuha ng P7.2 milyon para sa konstruksiyon ng 13 silid-aralan, ayon kay Dequito.
Umabot sa P4.6 milyon ang nagastos para sa konstruksyon ng walong silid-aralan sa sa limang paaralan sa Camarines Norte habang ang Catanduanes ay nakakuha ng P1.8 milyon para sa apat na silid-aralan, ayon kay Dequito.
Ayon kay DepEd program supervisor Casiano Pendegones Jr., aabot sa P629.2 milyon ang itatabi para sa Bicol sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund ng Department of Budget and Management (DBM) para sa 2013.
Galing sa halagang ito, 865 silid-aralan ang inaasahang maipatayo ngayong taon kung saan ang Camarines Sur muli ang makakakuha ng karamihan sa bilang na 267, sinusundan ng Masbate na may 212, Sorsogon may 163, Camarines Norte may 75, Albay may 69 at Catanduanes na may 33. Sa mga lungsod, nakuha ng Sorsogon ang pinakamarami na mayroong 13, Naga may 12, Masbate may 11 at Iriga may 10. (MAL/JJJP/DepEd5/DPWH5-PIA5 Albay)
Shifting ng klase, solusyon sa malaking bilang ng populasyon ng SNHS
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 11 (PIA) -- Sa kabila ng naging paglobo ng bilang ng populasyon ng mag-aaral sa Sorsogon National High School (SNHS), nakaisip pa rin ng paraan ang pamunuan ng paaralan upang hindi masakripisyo ang kalidad ng edukasyon na makukuha ng mga mag-aaral.
Ayon kay Dr. Blanca Rempillo, principal ng SNHS, minabuti nilang gawing dalawang shifting ang iskedyul ng pagpasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mahigit 5,000 mga mag-aaral na naka-enrol ngayon sa kanilang paaralan.
Layunin din ng shifting scheme na maiwasan ang pagsisiksikan ng mga mag-aaral sa loob ng klase na malaking hadlang sa maayos at tamang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang first shift ay gagawin nila mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon habang ang second shift naman ay mula 11:45 ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.
Maliban sa ganitong iskema, 38 ang mga bagong guro din ang nadagdag ngayong taon sa kanilang teaching force na malaking tulong upang mabawasan ang malalaking bilang ng mga mag-aaral sa bawat seksyon at makapagbukas sila ng mga panibagong seksyon.
Sinabi din ni Dr. Rempillo na sa pagbubukas ng klase noong Lunes ay umabot na sa 114 ang kabuuang bilang ng seksyon na binuksan nila kung saan bawat seksyon ay may lamang 45 mag-aaral. Maaari pa umano itong tumaas depende sa bilang ng mga tatanggapin pa nilang late enrollees hanggang sa Agosto ngayong taon.
Ang SNHS ay isang pampublikong paaralan na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa Sorsogon. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)
Sampung pulong ng APEC gaganapin sa Albay sa 2015
By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 11 (PIA) -- Ang probinsiya ng Albay ang napiling lugar kung saan gaganapin ang 10 ministerial meetings ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Pilipinas sa taong 2015.
Ito ang ipinahayag ni Gobernador Jose “Joey” Salceda sa kanyang talumpati sa ginanap na seremonya kumakailan sa pag-gawad sa kanya ng ranggong tenyente koronel ng Philippine Air Force (PAF) bilang reserve officer sa PAF tactical Operations 5.
Sa isang bidding conference na ginanap sa Asian Institute of Management (AIM) sa lungsod ng Makati noong nakaraang linggo, isinagawa ni Salceda ang isang presentasyon sa pagpapakita ng kakayahan ng Albay na maging lugar para sa mga kaganapan ng APEC sa pamamagitan ng mga world-class venue nito na binubuo ng mga hotel, resort at tourist destinations at sa kapuri-puring programa nito sa disaster risk reduction management (DRRM) na naging dahilan upang sumang-ayon ang APEC Organizing Council.
Ayon kay Salceda ang Department of Trade and Industry (DTI) ang pangunahing ahensya para sa paghahanda sa APEC summit ay pinayagan ang Albay na maging lugar ng 10 mula sa 63 na kaganapan na itinala para sa mga pulong ng APEC sa bansa na magsisimula sa Disyembre 2014 at magtatapos sa Nobyembre 2015. Ang mga kaganapan sa Albay ay mangyayari sa pagitan nf Pebrero at Setyembre 2015.
Ayon kay Salceda, pag uusapan sa mga pulong ng APEC ang mag isyu sa industriya, pamumuhunan, kalakalan at intellectual property rights. Ang mga ministro sa kalakan ng mga bansang nasa Pacific rim kasama ang kanilang mga staff ay inaasahang dadagsa Albay sa pagitan ng mga nasabing buwan kun kailan gaganapin ang mga pagpupulong ng APEC na nakatala sa Albay. “Umaasa kaming darating ang mga pinuno ng mga bansa at mataas na mga banyagang opisyal ng pamahalaan sa mga piling pagkakataon,” sabi ni Salceda.
Kailangan ang karagdagang 600 kwarto sa hotel upang matupad ang kinakailangang 3,500 kwarto para sa 10 pagpupulong ng APEC, sabi ni Salceda sa PIA. “Ang world-class na Misibis Hotel Bay Resort Spa ay isa sa mga pangunahing lugar para sa pagtitipon,” ayon kay Salceda.
Sa kasalukuyang kalagayan ng bulkang Mayon na nagsanhi upang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang babala sa alert level one, pinawi ni Salceda ang pangamba na magiging hadlang ito sa mga kaganapan ng APEC bagkus ay makakadagdag ito sa kulay at ganda kung ito ay magpapakita abnormalidad habang nagaganap ang pagtititpon.“Hindi nagdedeklara ng no-fly zone sa Albay sa mga panahon na pumuputok ang Mayon, ang hindi lamang pinahihintulutan ay lumapit o dumaan ang mga eroplano malapit sa Mayon,” sabi ni Salceda. Ang tanyag sa buong mundo na Mayon ay perpektong pagkukunan ng mga litrato para sa APEC bilang isa sa tumatatak na imahe ng turismo sa bansa, dagdag niya.
Noong 1996, naging lugar ang Pilipinas sa unang pagkakataon para sa APEC summit sa ilalim ng pamumuno ni dating presidente Fidel Ramos. Nabuo ang APEC noong 1989 na mayroong 20-kasapi na bansa kasama dito ang mayayamang bansa ng Estados Unidos ng Amerika, Australia, Russia, Japan at Tsina. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)
Masbateño news: DSWD-TESDA scholarship napakinabangan san 322 na kabataang Masbatenyos
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 11 (PIA) – Yana na semana magatapos sa pag-aadal an 322 na kabataan Masbatenyos na guin hatagan san scholarship sa idalom san guinatawag na Cash-for-Training Program o C4TP na bilog pwersa na guinahiwat sa Department of Social Welfare and Development o DSWD kag Technical Education Skills and Development Authority o TESDA.
Segun sa TESDA assistant provincial director Angelo Llacer, an mga iskolar nasa edad 18-30 anyos na hali sa mga pobre na pamilya na dili kaya bayadan an mahal na gastos sa edukasyon san inda mga anak.
An mga nahunambitan na pamilya nakalista sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, isad sa prayoriad na poverty reduction strategies san gobierno na kun-diin nagahatag san conditional cash grant agod mapaayo an kalawasan, nutrisyon kag edukasyon san mga nagatios.
An pagsolbar sa grabe na kalisud kag gutom an prayoridad na katuyuan san administrasyon ni Presidente Aquino.
Sinabi ni Llacer na an 322 na iskolar nag-agi san mga pagtutukdo o trainings sa TESDA training centers kag bantog na teknikal kag bokasyonal na eskwelahan sa Masbate.
Guin isplikar ni Llacer na an C4TP joint nationwide project san DSWD kag TESDA. Sani na proyekto an DSWD an magahatag san bulig pinansiyal sa mga iskolar na pinili pinaagi sa isad na proseso, kag an TESDA naman an magahatag san trainings o katukduan agod sinda magkaigwa san maayo na hanapbuhay sa maabot na panahon.
Nagtuna ini na programa san Pebrero kag magatapos sani na semana.
Ang katukduan igwa san duha na kategorya an wage employment kag self-employment kun-diin an kada iskolar guin pondohan san P20,000 para sa trainings, allowance kag assessment fee.
Ang mga sumaidalom sa self-employment trainings guin hatagan san tool kits.
Segun pa kan Llacer an C4TP isad sa nagapanguna na kontribusyon san TESDA sa katuyuan san gobierno na makahatag san libre na edukasyon kag mga katukduan sa mga nagatios na kabataan kag buligan sinda na makakuha san supisyente na kita kag mahaw-as sa pagkauripon sa kapobrehon. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)

No comments:
Post a Comment