By Sally A. Atento
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 26 (PIA) -- Mabubulok o masisira ang 105 itlog ng leatherback turtle na iniluwal sa dalampasigan ng baranggay Rawis sa probinsiya ng Albay sakaling maabot ng tubig na dala ng hightide.
Dahil dito, ang mga ito ay inilipat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehiyon ng Bicol sa mas ligtas na lugar.
“Baka sakaling may mapisa kahit almost 4-day old na yung eggs, inilipat namin sa mas mataas na lugar na hindi aabutan ng high tide sa loob ng 2 buwan,” pahayag ni Angie Villoria, Biologist III ng DENR Pawikan Conservation Project.
Ang bagong kinalalagyan ng mga itlog ay may layong 50 metro mula sa dati nitong kinalalagyan kung saan tinatayang halos pareho ang kalagayan ng mga nasabing lugar.
Dagdag pa ni Villoria, positibo ang marine turtle experts ng kanilang tanggapan na mas bababa ang bilang ng masasayang na itlog matapos ang nasabing paglilipat.
“Bago kami nagdecide na i-transfer yung eggs, we consulted Dr. Nick Pilcher and Dr. Chan EngHeng on the procedure of the transfer of 4-day old eggs (Bago kami nagdesisyon na ilipat ang mga itlog, kinonsulta muna namin sina Dr. Nick Pilcher at Dr. Chan EngHeng sa tamang paraan ng paglilipat ng apat na araw na gulang na mga itlog),” ani Villoria.
Sina Pilcher at EngHeng ay mga mananaliksik na nagsasagawa ng pag-aaral sa leatherback turtles.
Payo ni Pilcher ang paggamit ng "egg tray" samantalang “no shaking, no vibration at no over-turning of eggs" (walang pag-aalog, walang panginginig at walang pagbabaliktad na dapat gawin sa mga itlog) naman ayon kay EngHeng.
Kanilang sinabi na kailangang pananatilihin ang vertical axis ng mga itlog. Ito rin ang paraan na ginagamit ng DENR Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) - Pawikan Conservation Project sa paglilipat ng mga itlog ng green hawksbill at olive ridley turtles.
Paliwanag ni Villoria, karamihan sa mga itlog ay kakaiba ang hugis dahil sa maaring ito ay nahawakan na. Sa kabuuang 105 itlog, 90 dito ay normal at 15 ang abnormal at may iba’t ibang laki. Ang iba ay kasingliit ng lanzones at ubas at ang iba naman ay magaan at walang laman.
Ang itlog ng leatherback turtle ay karaniwang maliit ng konti sa tennis ball.
Sa ngayon, ang Naval Forces Southern Luzon (Navforsol) ay nagpapatuloy pa rin sa pagbabantay sa nabanggit na lugar samantalang ang DENR Regional Office’s Protected Areas, Wildlife and Coastal Zone Management Service ay sinisubaybayan ang pagbabago ng temperatura ng buhangin at hangin.
Ang pangingitlog na ito ng leatherback turtle ang kauna-unahang naitala sa Pilipinas pagkumpirma ng Pawikan Conservation Project. (MAL/SAA-PIA5 Albay)

No comments:
Post a Comment