By Danilo C. Abad
LUNGSOD NG NAGA, Hulyo 26 (PIA) -- Nirerespeto ng mga opisyal at empleyado ng National Irrigation Administration o NIA sa rehiyong Bicol ang naging negatibong puna ni Pangulong Benigno S. Aquino lll sa naturang ahensya sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nito noong nakaraang Lunes, Hulyo 22, 2013.
Ito ang naging pahayag ng tagapagsalita ng NIA-Bicol na si Eduardo Yu.
Sa nakaraang anibersaryo pa lamang ng NIA ay napagsabihan na ng Pangulo ang kagawaran sa diumanoy mahinang pagsasakatuparan sa mga proyektong dapat ipatupad. Ang pagka dismayang ito ay inulit ng Pangulo sa kanyang ginawang pagsasalita sa SONA.
Ayon kay Yu, kahit na bumagsak ang moral ng mga tauhan ng NIA sa naging pahayag ng Pangulo ng bansa ay kailangan nilang pakinggan ito, igalang at magsumikap na maabot ang 100 porsyentong accomplishments o syento porsyentong pagpapatupad sa mga programa at proyekto ng ahensya alinsunod sa ninanais na maisakatuparan ng pamahalaan.
Sinabi ni Yu na 95 porsiyento naman ang naging accomplishments ng NIA-Bikol kung pag babatayan ang mga proyektong patubig na naisakatuparan nila noong taon 2012.
“Kung hindi man naabot ang 100 porsiyentong paggawa na inaasahan ng ating Pangulo, ito’y dahil sa pagbibigay buwelo ng NIA sa mga magsasaka para magtanim muna bago simulan ang mga proyekto sa patubig. Isa pa sa mga dahilan sa pagkaka antala ng ibang proyekto ay ang masamang kalagayan ng panahon na halos nagkasunod sunod sa huling mga buwan ng 2012,” dagdag pa ni Yu.
Ayon pa kay Yu, isa sa mga maaring batayan na nagtagumpay at naging maayos ang pagsasakatuparan ng mga programa ng NIA ay ang magandang ani ng mga magsasaka na resulta naman ng maayos na patubig mula sa mahusay na serbisyo ng NIA.
Magkagayon man ay naaniniwala din sila na ang nakuhang datos ng Pangulo ay batay sa tamang pag-aaral kung kaya anya ay lalo pa silang mag susumikap na maibigay ang inaasahan ng Pangulo at magtrabaho ng husto para hindi na maulit ang negatibong pagpuna ng Pangulo sa kanilang ahensya. (MAL/LSM/DCA/PIA5 Camarines Sur)

No comments:
Post a Comment