By Rosalita B. Manlangit
DAET, Camarines Norte, Hulyo 22 (PIA) -- Tumanggap ng insentibo sa ilalim ng Performance Challenge Fund (PCF) ang pitong lokal na pamahalaan sa lalawigan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang maging karagdagang pondo sa mga proyektong imprastraktura sa kanilang mga nasasakupan.
Ang mga lokal na pamahalan na pumasa sa Seal of Good Housekeeping (SGH) ang tumanggap ng PCF bilang insentibo sa mga proyekto sa ilalim ng kanilang Annual Investment Program (AIP).
Sinabi ni DILG Camarines Norte provincial director Edwin Garcia na ang unang grupo na nabigyan ay ang mga kabilang sa 4th hanggang 5th class na bayan tulad ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay at sumunod naman ay 1st hanggang 3rd class na munisipyo gaya ng Basud, Daet, Jose Panganiban at Labo.
Kabilang sa mga proyekto ng unang grupo ay ang slaughterhouse Phase I na nagkakahalaga ng P500,000; rehabilitasyon ng water system na P600,000; at pag aspalto ng 4mx500 farm-to-market road sa mga barangay ng Dagotdotan at Langga na P250,000 sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.
Pagtatayo ng Asdum Bridge na nagkakahalaga ng P1 milyon; pagsasaayos ng San Vicente Agro-Cultural and Sports Complex (SVACSC) na P800,000; at pagpapaunlad ng municipal nursery na may P200,000 sa bayan San Vicente. Pagtatayo ng birthing facility na nagkakahalaga ng P700,000; rehabilitasyon ng farm-to- market road na P200,000; at konstruksiyon ng processing center at opisina ng bamboo buy products P100,000 sa Talisay.
Samantala, sa mga 1st hanggang 3rd class na bayan ay ang pagtatayo ng waterways na P2 milyon sa Basud; pagtatayo ng rural health unit sa barangay ng Lag-on, Daet na P1 milyon; at pagpapasemento ng farm-to-market road sa Barangay Malasugui sa bayan ng Labo at Barangay Calero-Sta. Milagrosa ng Jose Panganiban na tumanggap ng tig- P1 milyon.
Ang mga proyekto ay pinodohan ng taong 2011 at isinakatuparan noong nakaraang taon at unang mga buwan ngayon taon.
Ang mga proyekto ay nagbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka lalong lalo na ang mga nag-aalaga ng mga hayop at mga lokal na residente sa nasabing mga bayan.
Idinagdag pa ni Garcia na ang natitirang lima pang lokal na pamahalaan ay ginawaran rin ng Seal of Good Housekeeping at nakatakda ring tumanggap ng insentibo mula sa PCF ng DILG.
Ito ay bahagi pa rin ng layunin ng pamahalaan sa programa ng “transparency” sa gobyerno kung saan ginagawaran ng Seal of Good Housekeeping ang mga nagpapatupad ng tamang pamamalakad sa mga lokal na pamahalaan sa bansa. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment