By Edna A. Bagadiong
VIRAC, Catanduanes, Hulyo 23 (PIA) -- Ikinatuwa ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Catandunaes ang balitang hatid ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon, Hulyo, 22.
Ayon kay PNP Catanduanes provincial director Police Senior Superintendent Eduardo Chavez, ang pagbibigay pansin ng pangulo sa kanilang mga benepisyo ay malaking bagay para sa kanila.
Dagdag pa niya, ang papuring ibinigay ni Pangulong Aquino sa kaniyang mga kapwa pulis ay nagpaangat sa moral ng kanilang hanay at patunay lamang na ang mga awtoridad ay maasahan ng mamamayan.
Sa ikaapat na SONA ni Pangulong Aquino, kanyang binigyang pansin ang pension ng mga miyembro ng PNP at Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa pangulo, umaabot sa P61 bilyon ang pensyon ng PNP at AFP ngayong 2013.
Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat ang mga militar sa lalawigan sa pamumuno ni Lt. Col. Bernardo Fortez ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army kay PNoy dahil sa mga repormang ipinapatupad nito para sa mga sundalo.
Ayon kay Lt. Col. Fortez, ang proyektong pabahay ni PNoy para sa mga sundalo ay malaking tulong. Nagpapakita lamang umano ito na hindi pinapabayaan ng pangulo ang mga sundalo na handing magbuwis ng Buhay para sa mga Pilipino.
Ang ikaapat na SONA ni Pangulong Aquino ay tumagal ng isang oras at apatnapu’t dalawang minuto. (MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)

No comments:
Post a Comment