Tuesday, July 30, 2013

Bikol magbebenepisyo sa P195M halaga ng proyektong irigasyon galing DAR

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 30 (PIA) -- Nangunguna ang rehiyong Bikol sa ngayon sa buong bansa sa kabuuang talaan ng proyektong irigasyon sa ilalim ng Agrarian Reform Communities Project Phase II (ARCP 2).

“Ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Bicol ang mayroong pinakamaraming aprubadong proyekto sa irigasyon sa ilalim ng ARCP 2,” sabi ni DAR Bicol regional director Maria Celestina Manlangit-Tam.

Ang probinsiya ng Sorsogon ay makikinabang sa anim na proyektong irigasyon habang ang Camarines Sur ay may tatlong proyektong irigasyon na magkakaroon ng kabuuang halaga na P195,476,074.43 na sakop ang 2,433 ektarya ng lupang pansakahan, ayon kay Tam.

Ang mga communal irrigation systems (CIS) na itatayo sa Sorsogon ay nasa Barangay Lictin sa Casiguran na nagkakahalaga ng P16,742,275.05 na sakop ang 120 ektarya; Malbug na halagang P17,878,358.85 na sakop ang 120 ektarya, at Pili na may P28,611,889.32 at sakop ang 400 ektarya, parehong nasa Castilla; Tabon-Tabon na may P20,965,775.39 halaga para sa 363 ektarya, at Burabod-San Julian na may P6,130,094.37 halaga at sakop ang 100 ektarya, parehong nasa bayan ng Irosin.

Ang Barangay Bonifacio sa bayan ng Bulan ay makikinabang sa small water impounding project (SWIP) sa halagang P7,488,449.84 na magsisilbi sa 60 ektarya ng lupang sakahan, sabi ng DAR-Bicol sa Philippine Information Agency (PIA).

Sa kabilang dako, ang proyektong patubig sa Camarines Sur ay kasama ang rehabilitasyon ng Himaao CIS sa Pili na may kabuuang halaga na P39,006,828.86 na sakop ang 520 ektarya at rehabilitasyon ng 750-ektarya Hingaroy CIS sa halagang P58,652,402.75, na nasa pagitan ng mga bayan ng Sangay at Tigaon, Camarines Sur. Sakop nito ang 500 ektarya sa Sangay at 250 ektarya sa panig ng Tigaon.

Ang kabuuang halaga ng proyekto sa panig ng Sangay ay P38,965,506.53 samantalang P19,686,896.22 naman ang sa panig ng Tigaon, ayon sa DAR Bicol.

Ang pondo ng ARCP 2 ay pangunahing nanggagaling sa pautang ng Asian Development Bank (ADB) na suportado ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng National Government Assistance for Local Government Units or NGALGU, na sagot ang 25 porsyento ng kabuuang halaga ng proyekto na awtomatikong nababawasan ang counterpart ng mga lokal na pamahalaan, ayon sa DAR Bicol.

Nauna nang pinuri ni ARCP II Deputy National Project Director Herman Ongkiko ang DAR – Bicol sa pangunguna sa buong bansa bilang pinaka ‘time efficient’ na rehiyon sa pagpapalabas ng pondo na kinakailangan upang mapadali ang konstruksyon ng naaprubahang mga subprojects sa ilalim ng ARCP 2. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete