By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Agosto 1 (PIA) -- Patuloy ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at pagbibigay ng mga kaalaman upang maiwasan ang insidente ng sunog sa mga barangay, paaralan, pribadong sektor at mga pampublikong establisyemento ng mga lokal na pamahalaan dito.
Ayon kay Insp. Gilberto F. Madrigal, deputy provincial fire marshal ng BFP Camarines Norte, kailangan mas paigtingin pa ang kampanya matapos maitala ng tanggapan ang 26 na kaso ng sunog ngayong nasa kalahati pa lamang ng taon kumpara sa taong 2012 na 12 lamang simula Enero hanggang Hunyo.
Ayon kay Madrigal, karamihan sa mga nasunugan ay mga tahanan dahil sa mga naiwang kandilang may apoy, kalan, paglalaro ng posporo ng mga bata at napabayaang sigarilyong may sindi.
Ayon pa rin kay Madrigal, kabilang din ang mga establisimyento, mga bodega, paaralan, boarding houses na kalimitang sanhi ng sunog ay mga sirang kable at maling koneksyon ng paggamit ng kagamitang di-kuryente.
Patuloy din ang kanilang isinasagawang pagbisita sa mga establisimyento at mga boarding houses na tinutuluyan ng mga mag-aaral upang masiguro na mayroong mga kagamitan ito at sumusunod sa ipinagbabawal ng BFP.
Pinaalalahanan naman ni Madrigal ang mga boarding houses na walang mga permit ay kailangang magpatala o kumuha ng business permit sa kanilang mga munisipyo at iwasan din ang mga paglabag.
Dagdag pa niya, kailangan rin na mayroong mga fire extinguisher ang mga ito at dapat na dumalo ang mga may-ari ng mga boarding houses sa kanilang isinasagawang mga pagsasanay upang kanilang malaman ang mga dapat gawin kapag may sunog.
Ayon pa rin kay Madrigal, dapat sundin ang mga fire safety tips na ibinibigay ng kanilang tanggapan at huwag gumawa ng mga bagay na magiging sanhi ng apoy upang maiwasan ang insidente ng sunog.
Ang Bureau of Fire Protection sa Camarines Norte ay mayroong siyam na Municipal Fire Station at 14 na fire truck. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment