By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 2 (PIA) -- Nananatiling malinis ang tala ng lalawigan ng Sorsogon sa mga kaso ng rabies ngayong taon ayon sa ulat ng Provincial Veterinary Office (PVO).
Ito ang inihayag ni Provincial Veterinarian Dr. Enrique Espiritu sa ginawang Media Advocacy Mentoring Workshop sa pangunguna ng Global Alliance for Rabies Control (GARC) sa pakikipagtulungan sa pamahalaang lokal ng Sorsogon at ng Philippine Information Agency (PIA) Sorsogon na ginanap sa Casa Domingo Restaurant, lungsod ng Sorsogon noong nakaraang Hulyo 25, 2013.
Sa presentasyon ni Dr. Espiritu, sinabi niya na wala pang naitatalang kaso ng rabies ang lalawigan ngayong taon kumpara sa apat na kaso noong nakaraang taon at dalawa noong 2011.
Sa kabila nito, inamin ni Dr. Espiritu na banta pa rin ang rabies sa buhay ng tao dahil sa naglilipanang stray dogs o mga asong gala gawa ng pabayang mga pet owner kung kaya’t patuloy ang kanilang paglilibot upang magsagawa ng rabies vaccination.
Maliban sa mga tinatawag na aspi o asong pinoy, problema din ng PVO ang kawalan ng kooperasyon ng mga pet owner pati na rin ang kakulangan ng kanilang mga tauhan upang libutin ang buong probinsya at makapagsagawa ng pagbabakuna habang nagmamatigas ang iilan na pabakunahan ang kanilang mga alaga.
Ilan pa sa mga suliraning kinakaharap pa ng PVO ay ang patuloy pa ring pagkatay ng mga residente sa mga aso upang gawing pulutan lalo na kung may pistahan at iba pang mga okasyon sa kabila na mahigpit na pagbabawal ng batas sa pagkatay at pagkain ng karne ng aso alinsunod na rin sa nakasaad sa R.A.8485 o Animal Welfare Act of 1998.
Sinabi pa ni Dr. Espiritu na umaabot na sa 54,262 ang kabuuang populasyon ng aso sa buong lalawigan ng Sorsogon base sa isinumiteng ulat ng mga Municipal Agriculture Office o katumbas ng dalawang aso sa bawat isang bahay o household.
Samantala, ipinaliwanag din sa isinagawang Media Advocacy Mentorinisang nakamamatay na sakit sanhi ng Lyssa Virus at naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng aso o laway nito na nakakakontamina sa sugat at iba pang mucous membrane gaya ng labi, genital organ at iba pa.
Inirekomenda din ni asssitant provincial health officer Dr. Liduvina Dorion na sakaling makagat ng aso ang sinuman ay agad na pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center.
Hindi nila umano iminumungkahi ang nakakaugaliang pagpa-“tandok” dahil wala pa umanong seyentipikong pag-aaral na magpapatunay na epektibo itong panlaban sa rabies virus. Ang “tandok” ay isang pinaniniwalaang paraan ng karamihan sa barangay na nakaka-alis o nakagagamot ng rabies.
Aktibo at positibo naman ang naging partisipasyon ng mahigit sa 20 kasapi ng tri-media na nakilahok sa Media Advocacy Mentoring Workshop.
Pinuri din ng mga organizer ang naging bunga ng isinagawang workshop na anila’y magagamit ng mga mamamahayag upang higit na maging epektibong instrumento sa kampanya ng gobyerno laban sa rabies. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)

No comments:
Post a Comment