By Francisco B. Tumalad, Jr.
LUNGSOD NG SORSOGON, Agusto 2 (PIA) -- Isang malaking karangalan para sa isang Bikolanong sundalo na si Hospitalman 3rd Class Sergeant Sergs Empleo Estropigan, tubong Gubat Sorsogon matapos mapabilang ito at pinarangalan kamakailan ng Metrobank Foundation at Rotary Club of Makati Metro sa prestihiyosong “2013 Search for the Outstanding Philippine Soldiers" (TOPS).
Si 3rd Class Sergeant Estropigan ay miyembro ng elite na grupo ng Philippine Navy SEAL na nagpakadalubhasa sa pagsasanay.
Ang S.E.A.L o SEA. AIR. LAND Team, ay mga sundalong sinanay sa lahat ng kaalaman sa pakikipaglaban sa karagatan, himpapawid at sa lupa na siyang ginagamit ng pamahalaan sa mahihirap na operasyon tulad ng Search and Rescue (SAR) Mission.
Ayon sa pahayag ni Estropigan bago aniya siya naging aktibo sa serbisyo, ay malimit niyang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan sa Virlanie Foundation, doon niya iginugugol ang oras upang makasama ang mga naroon, magpasaya at magbigay ng kunting tulong sa mga kabataang inabandona ng mga magulang, mga ulila, mga inabuso at may suliranin sa batas.
Sa kasalukuyan, naka talaga ito sa Naval Diving Salvage Unit 1, Naval Fleet, Naval Base Heracleo Alano sa Sangley Point, lungsod ng Cavite.
Kabilang naman sa sampung 2013 TOPS awardee ay sina Col. Romeo Brawner Jr., Chief Master Sergeant Rogelio Mendoza at Technical Sergeant Ferdinand Baladjay ng Philippine Army.
Lt. Col. Moises Micor, Master Sergeant Alberto Pesebre, Technical Sergeant Nolito Tumesa at Major Daneck Dang Awan ng Technical & Admin. Services Chaplain ng Philippine Airforce.
Capt. Vicente Cejoco, Tech. Sergeant Dante Berganio,miyembro ng Phil. Marines at Bikolanong si Hospitalman 3rd Class Sergeant Sergs Estropigan ng Philippine Navy.
Ayon sa ulat ng isang pahayagan, sinabi ni Col. Romeo Brawner na nakasama si Estropigan sa Search and Rescue Operation bilang Chamber Operator sa pagsagip sa dalawang piloto ng Airforce na nasawi habang nagsasagawa ito ng Test Flight malapit sa karagatan ng Mariveles Bataan noong nakalipas na taon.
Dahil sa malaking ambag ni Estropigan sa matagumpay na combat operation ay binigyan siya ng Bakas Parangal Kagitingan Award (BPKA) ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ang Bakas Parangal Kagitingan Award ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng sektor ng sibilyan sa mga sundalong nagpamalas ng kahusayan kagalingan sa kanilang serbisyo
Matatandaang noong Agosto 2012 sa kasagsagan ng operasyon ng SAR sa pagbagsak ng pribadong eroplano na sinakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo ay muling nakasama si Estropigan sa binuong Tasforce Kalihim na sumisid at nag-ahon sa katawan ni Robredo sa karagatan ng Masbate.
Bukod sa BPK Award ay tumanggap din siya ng Kagitingan Badge na may nakasabit na dalawang estrelya.
Tumanggap ng premyong tig P300,000 cash ang bawat isang awardee at espesyal na tropeo mula sa Metrobank Foundation.
Sa darating na Setyembre 2013 ay magdiriwang ng kanilang anibersaryo ang Metrobank at sabay-sabay silang pararangalan kasama ng iba pang mga nanalo sa Search of the Outstanding Teachers at Country’s Outstanding Police Officers in Service. (Inquirer.Net/FB Tumalad, PIA Sorsogon)

No comments:
Post a Comment