By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 2 (PIA) -- Kung dati ay sakayan lamang ng ferry boat at Roll-on Roll-off (RoRo) vessel papuntang Visayas at Mindanao ang alam ng karamihan sa tuwing maririnig ang bayan ng Matnog, ngayon ay nagsisimula na ring dagsain ito ng mga turista dahilan sa magagandang destinasyong pangturismong makikita dito.
Unti-unti na ring nagiging pamoso ito dahil sa mga malinaw na tubig at kulay-rosas na buhangin dito, maliban pa sa kinagigiliwang pakikisalamuha ng mga lokal at dayuhang turista sa mga isda sa Juag Lagoon na maaaring ma-enjoy kahit na sa mga regular na araw.
Subalit sa kabila nito, aminado si Matnog Municipal Mayor Emilio Ubaldo na ang kawalan ng maayos na pasilidad katulad ng kuryente, malinis na inuming tubig, palikuran at iba pang libangan ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi mapanatili at hindi nagtatagal sa lugar ang mga dayuhang turista.
Kaugnay nito, hiniling ng alkalde sa Sangguniang Bayan ng Matnog na maglaan ng pondo para sa Subic Beach at Tikling Island upang mabigyang prayoridad ang mga pasilidad dito kabilang na ang pagbili ng mga generator set na pansamantalang magagamit upang mailawan ang mga cottage, masuplayan ng maayos na tubig ang mga palikuran at mapanatili ang kalinisan sa lugar.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Mayor Ubaldo sa Department of Tourism (DOT) upang matingnan ang kanilang lugar at maibilang sa mga prayoridad ng ahensya ng sa gayon ay higit pang maging kaakit-akit ito sa mga dadayong turista.
Positibo ang mga Matnoguenos na bibigyan ng agarang atensyon ng DOT ang kanilang kahilingan lalo pa’t isa ito sa mga binisita ng mga opisyal at kasapi ng Philippine Tour Association (Philtoa) at mapalad na mapabilang sa mga tourist destination sa gagawing Philippine Travel Mart sa Setyembre, 2013.
Sa oras anila na maisaayos ang mga pasilidad ay inaasahang higit pang dadami ang turista, karagdagang trabaho at karagdagang kita hindi lamang sa mga Matnoguenos kundi makapag-aambag din ito sa paglakas ng industriya ng turismo sa bansa.
Samantala, inihayag naman ni Provincial Administrator Robert Rodrigueza ang iminumungkahing pagpapalit ng pangalan ng Subic Beach sa Matnog sa pangalang “Malarosa,” ito ay dahil na rin umano sa palagiang naipagkakamali ito sa Subic sa Pampanga. Layunin ng pagbabago ng pangalan na magkaroon ang Subic sa Matnog ng sariling pagkakakilanlan. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

No comments:
Post a Comment