By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Hulyo 26 (PIA) -- Ipagdiriwang sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan ang selebrasyon ng Wikang Pambansa sa buwan ng Agosto ngayong taon.
Ito ay batay sa Atas Tagapagpaganap blg. 2013-19 na ipinalabas ni Gobernador Edgardo A. Tallado na nag-aatas sa lahat ng mga tanggapan, kawanihan, kagawaran, ahensiya at instrumentality ng pamahalaan at sa lahat ng pribadong tanggapan na gumamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na mga transaksiyon, sulat at korespondensya sa panahon ng paggunita ng buwan ng wika ngayong buwan ng Agosto.
Tampok sa selebrasyon ang paligsahan sa pagkukuwento at balagtasan para sa sekondarya at sabayang pagbigkas para sa elementarya na lalahukan ng mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan dito.
Sa antas ng elementarya ay kailangang magkaroon ng pandistritong paligsahan sa sabayang pagbigkas na hindi lalagpas sa Agosto 20 kaya’t inaasahan na maghanda ng isang kinatawan o grupo ng mag-aaral sa bawat distrito na ilalahok.
Sa sekondarya, kailangang magkaroon din ng pangklaster na paligsahan sa pagkukuwento at balagtasan na hindi lalagpas sa mga nakatakdang araw ng pagpapatala.
Isasagawa sa ika-26 ng Agosto ang paligsahan sa pagkukuwento at balagtasan sa Agosto 27 na gaganapin sa little theater ng kapitolyo probinsiya samantalang sa Agosto 28 naman ay ang sabayang pagbigkas sa Museum Façade.
Layunin ng paligsahan ang itanghal ang galing ng mga kabataan at upang ibayong paunlarin ang talento at husay ng mga mag-aaral sa lalawigan.
Ang paligsahan ay pangungunahan ng tanggapan ng Museum, Archives and Shrine Curation Division ng pamahalaang panlalawigan.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Wikang Pambansa: Mahalagang Sangkap para sa Pagpapanibagong Lakas ng Sambayanan.” (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment