LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 26 (PIA) -- Tiniyak ng tatlong ahensya ng pamahalaan sa probinsiya ng Albay na kanilang bibigyan ng kaukulang proteksyon ang mga itlog na iniluwal ng higanteng leatherback turtle nitong Hulyo 14 ng gabi sa dalampasigan ng barangay Rawis sa lungsod na ito.
Kasalukuyang nagtutulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), lokal na pamahalaan ng Albay at Naval Forces Southern Luzon (Navforsol )sa pagbabantay ng mga itlog hanggang sa ang mga ito ay ligtas na mapisa ayon kay DENR Bicol director Gilbert Gonzales.
“Makasaysayan at kauna-unahan ang pagkakataong ito na maitala ang pangingitlog ng giant leatherback turtle sa Pilipinas. Kaya’t marapat lamang na ating masiguro ang pagbibigay ng karampatang proteksyon upang ang mga itlog na ito ay maging ligtas hanggang sa mapisa,” ani Gonzales.
Sa ngayon, ang makeshift fence na magsisilbing proteksyon laban sa mga hayop at tao ay inaayos na ng mga technical personnel ng DENR.
Sila rin ay naatasan nang magtatag ng perimeter fence para sa “no entry zone” hanggang sa dumating ang mga tauhan ng Pawikan Conservation Project of the DENR Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na siyang mangunguna sa pag-aaral kung ang mga itlog ay maaring mailipat sa mas ligtas na lugar.
Dagdag pa ni Gonzales, kanya nang inatasan ang mga tauhan ng PAWB na palagiang subaybayan ang mga itlog hanggang sa mapisa sa loob ng incubation period gayundin ang makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng mga katabing coastal barangay upang mabantayan ang muling pagbabalik at pangingitlog ng giant leatherback turtle sa dalampasigan matapos ang dalawang linggo.
Ang lokal na pamahalaan ng Albay ay nakasubaybay rin sa mga kaganapan at nakikiisa sa pangangalaga at pagtatanggol na isinasagawa ng DENR samantalang ang Navforsol ay may itinalaga nang magbabantay laban sa posibleng makikialam sa nabanggit na nesting area.
Gabi ng Hulyo 14 nitong taon ng makita ang nangingitlog na leatherback turtle. Agaran itong binalik sa karagatan matapos mangitlog. Tinaguriang pinakamalaking uri ng pawikan, ito ay may tinatayang lapad at haba na dalawang metro. (MAL/SAA-PIA5 Albay)

No comments:
Post a Comment