By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Hulyo 24 (PIA) -- Pinaiigting ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang kampanya sa paghahanda laban sa sakuna o “Oplan PAGHALASA” sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection (BFP) dito.
Ito ay kaugnay sa paggunita ng National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo sa temang “Ligtas na bayan, maunlad na pamayanan.”
Nagsasagawa ngayon ang naturang tanggapan ng pagbibigay-kaalaman at impormasyon sa mga mag-aaral ng pribado at pampublikong mga paaralan sa lalawigan ganundin sa mga barangay.
Ayon sa mensahe ni Chief Insp. Benito Salcedo, Provincial Fire Marshal ng BFP dito, ang kanilang tanggapan ay nagbibigay ng paalala na maging handa sa anumang sakuna sa loob ng tahanan o labas man at huwag hayaan ang kanilang mga anak na maglaro ng anumang bagay na magdudulot ng sunog.
Ayon pa rin kay Salcedo, kung mayroon mang insidente ng sunog sa kanilang barangay o sa mga tahanan ay maging responsable na tumulong o tumawag sa kanilang tanggapan upang maiwasan at mapigil ang paglaki ng insidente ng sunog.
Katuwang rin ang BFP sa mga isinasagawang aktibidad ang Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng bawat bayan kaugnay sa paggunita ng National Disaster Consciousness Month. (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment