By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 25 (PIA) -- Isusulong ng sangguniang panlungsod ng Masbate ang pag-obliga sa mga bahay aliwan na mamigay ng condoms sa kanilang mga parokyano bilang pananggalang laban sa HIV-AIDS at mga katulad na sakit na nasasalin sa pakikipagtalik.
Sa pulong kahapon, nagpasya ang local AIDS Council ng Masbate City na hilingin sa sangguniang panlungsod na amyendahan ang ordinansa ng lungsod sa sexually transmitted infections upang maging compulsory sa mga bahay aliwan ang pag-aalok ng condom sa mga parokyano.
Ang condom ay isang aparatong panghadlang na karaniwang ginagamit sa panahon ng pakikipagtalik upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakalat ng sexually transmitted diseases.
Batay sa talaan ng Department of Health nang taong 2012, siyam ang kumpirmadong kaso ng HIV-AIDS sa lalawigan ng Masbate.
Subalit ipinapalagay ng mga dalubhasa sa sexually transmitted diseases na mas marami ang tunay na bilang ng HIV-AIDS cases sa Masbate dahil hindi umano lahat ng HIV-AIDS carrier ay nalalaman at naitatala ng ahensya.
Ayon kay Lilian del Prado ng DOH, hindi maiwawaksi ang senaryo ng pagkalat ng HIV-AIDS at katulad na STDs sa Masbate dahil maraming daungan sa lalawigan.
Karaniwan na umano sa mga tripulante ng inter-island vessels ay pumapasok sa nightclubs, cocktail lounges, massage clinics, videoke bars at iba pang katulad na bahay aliwan na karamihan ay nasa kabisera ng lungsod ng Masbate.
Sa umiiral na ordinansa sa pamamaraan sa pagpigil ng STDs, hindi binibigyan ng pamahalaang panlungsod ng permiso ang bahay aliwan kung hindi ito magsusumite ng patunay na sumailalim sa seminar sa AIDS at STDs ang operator at mga empleyado nito.
Kung maamyendahan ang ordinansa, hindi na umano papayagan ng city hall na magnegosyo ang mga bahay aliwan na walang inilaang condom sa kanilang mga parokyano. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

No comments:
Post a Comment