By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 1 (PIA) – Opisyal nang binuksan kaninang umaga ang National Disaster Consciousness and Prevention Month ngayong buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng isang banal na misa at motorcade sa kahabaan ng pangunahing lansangan ng Sorsogon.
Ang pambungad na aktibidad ay dinaluhan ng mga hepe at empleyado ng provincial Government, kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), Government Owned and Controlled Corporation (GOCC), State College at National Line Agencies (NGAs).
Tema ng National Disaster Consciousness Month ngayong taon ang “Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan”.
Ayon kay PDRRMO Department Head Raden Dimaano, ilang mga aktibidad ang nakatakdang isagawa nila at ng iba pang mga local DRRMCs ngayong buwan ng Hulyo alinsunod sa implementasyon ng RA 10121, at iba pang mga kaganapan kaugnay ng Climate Change Adaptation (CCA) at ng DRRM.
Bukas ay nakatakdang magsagawa ng DRR-CCA Consultation kung saan dadaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Labor and Employment, Chamber of Commerce at Bankers Association.
Kaugnay ng pag-upo ng mga bagong alkalde sa ilang mga bayan sa Sorsogon, magsasagawa din ang PDRRMC ng serye ng courtesy call sa mga ito.
Sa Hulyo 6, 13, 20 at 27, 2013, magkakaroon din ng Film Showing tuwing alas syete ng gabi sa Sorsogon City Park, habang sa Hulyo 9, 11, 16, at 18, 2013 ay gagawin naman ang DRR-CCA Symposium sa mga malalaking paaralan sa lungsod.
Nakatakdang ding mamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials ang mga component Local Government Units (LGUs) at magsagawa ng Earthquake Drill Simulation sa City Hall.
May ilan ding mga briefing at orientation seminar na gagawin kaugnay ng Automated Weather Station (AWS), Automated Rain Gauge (ARG) at DRR Preparedness and Response sa mga GOCC, NGA, business establishment at iba pang institusyon.
Sa pagtatapos ng National Disaster Consciousness Month, isang Water Search and Rescue (WASAR) Demonstration ang ipapakita sa publiko na gaganapin sa Sorsogon Bay. (BAR-PIA5/Sorsogon)

No comments:
Post a Comment