By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 1 (PIA) -- Ang tagumpay ng pagpapatupad ng batas ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng komunidad.
Ito ang sinabi ni National Police Commission (Napolcom) Bicol assistant regional director Luis Adornado sa pagdiwang ng sa Police-Community Relations Month ngayong Hulyo.
“Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay napapamalas sa pagkakaisa ng publiko at mga tagapagpatupad ng batas upang lutasin ang krimen,” sabi ni Adornado sa Philippine Information Agency Bicol Regional Office (PIA V).
Ang isang buwang pagdiriwang ay inilunsad ngayong araw Hulyo 1 sa Camp General Simeon Ola dito at may temang; “Serbisyong Makatotohanan at Matatag na Ugnayan ng Pambansang Pulisya at Mamamayan Tungo sa Tuwid na Daan,” ayon kay Adornado.
Tampok sa mga kaganapan sa isang buwang pagdiriwang ay media interfacing, pagpapakain at pamamahagi ng kagamitan sa paaralan, medical at dental missions, blood-letting, tree planting, talakayan tungkol sa krimen at paghadlang sa paglaganap sa paggamit ng droga, karahasan sa kababaihan at kabataan, karapatan at responsibilidad ng batang Pilipino, disaster risk reduction management and emergency preparedness, batas laban sa panggagahasa at hazing, at iba pa, sabi ni Adornado sa PIA.
“Magsasagawa rin kami ng one-stop-information shops at jobs fair upang malaman ng publiko ang mandato hindi lang ng Napolcom kundi kasama na rin ang ibang ahensiya sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) gaya ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection, (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP),” sabi ni Adornado.
Nagkataon rin na nagpapatala ang PNP, BFP at iba pang mga ahensiya sa kanilang hanay na makapagbibigay ng trabaho para sa pamayanan kung kaya’t isinabay namin ito sa mga aktibidad, ayon kay Adornado.
Ang programa ng ahensiya sa spiritual at moral recovery ay tampok din sa isang talakayan, dagdag ni Adornado.
“Sumasailalim din ang Napolcom sa tuloy-tuloy na reformation program ayon sa kampanya ni Presidente Benigno Aquino para sa tuwid na daan,” sabi ni Adornado sa PIA.
Ibinalita rin ni Adornado ang 50 porsiyento na naipatupad ng Napolcom Bicol’ sa mga kaso isinampa laban sa ilang pulis ngayong kalagitnaan ng kasalukuyang taon. “sa kabuuang 40 kaso, 20 nito ay naipadala na sa Commission En banc para sa kanilang pagpapasya,” sabi ni Adornado.
Karamihan sa mga kasong nagawa ng mga pulis ay pag-abuso sa kapangyarihan, ilegal na dentensiyon, pagpapabaya sa tungkulin at iba pa, ayon kay Adorrnado.
“May naisampa ring kasong murder at homicide subalit tinatrato namin itong kasong administratibo at pinapadala namin ito sa mga hukuman upang litisin nila bilang mga kasong kriminal,” sabi ni Adornado sa PIA.
Ipinahayag din ni Adornado na napapadali ang paglutas ng krimen kung nakikipagtulungan ang pamayanan. “Kung wala ang pamayanan, hindi rin tataas an aming accomplishment,” sabi ni Adornado. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment