By Sally A. Atento
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 4 (PIA) -- Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehiyong ito ay magbibigay tulong teknikal sa Development Bank of the Philippines (DBP) sa pagsasagawa ng mga proyektong magpapalago sa mga taniman ng puno.
Ayon kay DENR Bicol director Gilbert Gonzales napirmahan na nina DENR Secretary Ramon Paje at DBP President at CEO Gil Buenaventura ang kasunduan upang mapagtibay ang DBP Tree Plantation Financing Program (TPFP), isang pamamaraan ng pautang para sa mga may-ari at tagapamahala ng mga taniman ng puno.
Layunin ng TPFP na maisulong at maipatuloy ang mga taniman ng puno, mapatatag ang industriya ng kahoy sa bansa gayundin ang makapagbigay-tulong sa mga pamayanan na mapabuti ang kanilang socio-economic na kalagayan, matigil ang patuloy na pagkakalbo ng mga kagubatan at mailayo ang mga ito sa mga kalamidad tulad ng baha at pagguho ng lupa.
Ang nasabing programa, dagdag ni Gonzales, ay kaisa sa layunin ng National Greening Program (NGP) at Millenium Development Goals (MDG) sa pagsupil ng matinding kahirapan at kagutuman at masiguro ang pangangalaga sa kapaligiran.
Ito rin ay mahalagang bahagi ng coroporate social responsibility ayon pa sa DENR at DBP.
Sakop ng programa ang mga naitayong taniman ng puno para sa reforestation, forest or industrial na may mga puno na apat na taon ng nabubuhay. Kailangang sakop nito ang kahit isang porsyentong bahagi ng kwalipikadong pribado at publikong lupa na may lima hanggang 500 ektarya, may valid tenurial agreements o kasunduan sa paggamit at pagtanim.
Sa ilalim ng napirmahang kasunduan, ang DBP ang magbibigay ng tulong pinansyal sa mga proyektong isasagawa samantalang ang DENR ang susuri kung nararapat ang mga lugar at uri ng pananim na gagamitin sa nasabing proyekto.
Ang DENR din ang naatasang magendorso at tumulong sa mga nagnanais na makilahok sa nasabing proyekto. (MAL/SAA/DENR/PIA5-Albay)

No comments:
Post a Comment