By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 10 (PIA) -- Kaugnay ng paggunita sa Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo, pinakilos na ng Masbate Provincial Nutrition Council ang mga kasaping ahensya nito upang maipabatid sa madla ang mga programa ng pamahalaan kontra sa gutom at malnutrisyon.
Kabilang sa mga ahensya na maglulunsad ng "information blitz" sa pamamagitan ng radyo at interpersonal na paguugnayan ay ang mga tanggapan ng agrikultura, mga pampublikong paaralan, Provincial Health Office, National Food Authority, Department of Social Welfare, at Development at Philippine Information Agency.
Ang ilan sa mga ahensyang nabanggit ay magsasagawa din ng supplemental feeding sa mga paaralan.
Maraming sanggol at bata sa Masbate ay kulang sa timbang o nutrisyon.
Layunin ng Nutrition Month na dagdagan ang kamalayan ng publiko sa mga usapin sa gutom at mga pagkilos para malunasan ang gutom at malnutrisyon.
Bukod dito, itinataguyod din nito ang malakas na political action upang wakasan ang gutom.
Ang tema ng kasalukuyang paggunita ay “Gutom at malnutrisyon, sama-sama nating wakasan.”
Pakay ng administrasyong Aquino na ibaba sa kalahati ang kasalukuyang bilang ng dumaranas ng malnutrisyon sa bansa pagtuntong ng taong 2016. (MAL/EAD/PIA5, Masbate)

No comments:
Post a Comment