By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Hulyo 11 (PIA) -- Isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang pagpaparami ng sea cucumber o “Balatan” upang mapanumbalik ang malaking populasyon nito sa Camarines Norte.
Partikular na ang sandfish species na matatagpuan sa mababaw na katubigan at sa walang kontrol na pagkuha nito na magkakaiba ang uri at laki dahil na rin sa malaking pangangailangan at mataas na presyo, sariwa man o pinatuyo.
Dahil dito, nagsasagawa ngayon ng pag-aaral ang Fisheries Development Division ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng On-Farm Trial Culture of Sandfish na pinondohan ng Bureau of Agriculture Research ng Department of Agriculture (DA-BAR) na ipinanukala ng OPAg-FDD sa DA-BAR.
Isinasagawa ito sa barangay Caringo ng bayan ng Mercedes na siyang benepisyaryo ng Community-Based Participatory Governance of Holothuria (Sandfish) upang matukoy ang posilidad na maisagawa ang sandfish pen culture para mapagkitaan ng mga marginalized fisherfolk sector dito.
Nagkaroon ng tatlong stocking densities para sa tatlong beses na pagsubok na uulitin una dito ang Treatment 1 na gagawin para sa 31 pirasong Balatan; Treatment 2 sa 41 pirasong balatan at Treatment 3 sa 51 pirasong Balatan na may bigat mula sa 100-150 gramo na kinuha sa karagatan ng Caringo.
Ang pagpapalaki ay gagawin sa loob ng anim na buwan at ang target na timbang sa pag-ani sa mga sea cucumbers ay 280-330 gramo bawat isa.
Ang pag-asa nilang mabuhay ay itatala sa pamamagitan ng pagbilang sa lahat ng imbak tuwing "sampling period" kasama ang pagtimbang at pagsukat sa haba sa lahat ng treatments sa loob ng buong panahon ng pag-aaral at pagsasaliksik.
Aalamin din ang antas ng pagtanggap ng pamayanan sa pag-aaral sa pamamagitan ng Key Informal Interview Survey at Focused Group Discussion upang makuha ang opinyon at pananaw ng mga ininterbyu ukol sa lokal na pangangasiwa ng pinagkukunan ng sea cucumber gamit ang Likert’s rating scale.
Ang mga datos na makukuha mula rito ay pag-aaralan gamit ang "qualitive at qualitive statistical tools" katulad ng "mean, frequency at percentage."
Ang naturang pag-aaral ay magkakatuwang na ipinatutupad ng OPAg-FDD, CNSC Mercedes, mga opisyal at residente ng barangay Caringo ganundin ang mga miyembro ng Caringo Fisherfolks Association.
Layunin nito na mataya ang posibilidad ng pag-aalaga at economic viability ng sandfish grow-out culture sa mga pens at ipakilala ang malaking potensiyal ng naturang teknolohiya, gamitin ito at maging proyektong pangkabuhayuan sa naturang lugar sa pamamagitan ng paglalagay ng seabed pen structures. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment