By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 11 (PIA) -- Kinilala ng Population Commission (Popcom) ang ang malaking papel ng media at hinikayat nito ang sekto para matugunan ang malaking hamon sa dumaraming kaso ng pagbubuntis ng mga kabataang babae.
Inihayag ni Popcom Bicol regional director Magdalena Abellera na mahalaga ang papel ng media bilang pinaka-epektibong paraan ng pakikipagtalastasan upang magbigay impormasyon at makipag-ugnayan lalo na sa kabataan na kalimitang nagtatangkilik dito.
“Ang kabataan ang pangunang tagapagtangkilik ng telebisyon, internet at media kung saan ang mga isyu sa relasyon, pakikipagtalik, pag-asawa at pamilya ay isinasahimpapawid at tinatalakay,” ayon kay Abellera sa isang talakayan sa media na ginanap sa Albay ng nakaraang linggo.
Ang media ay angkop na paraan kung saan ang pagsulong ng adbokasiya laban sa pakikipagtalik ng maaga at ang pagbubuntis ng mga batang babae ay matatalakay, ayon kay Abellera.
Ang pakikipag-ugnayan sa lokal na media ay naisagawa habang naobserbahan ng Popcom Bicol na pabata nang pabata ang mga ina sa Bikol.
Iniulat ng Popcom Bicol na nanganak kamakailan ang isang 12 anyos na ina sa Albay sa isang hindi pinangalanan na ospital ng pamahalaan na nagkokompirma sa kanilang estadistika na patuloy na tumataas ang pagbubuntis ng mga kabataang babae sa rehiyon na naitala sa 26 porsyento noong 2008 kumpara sa datos noong 1993 na mayroong 5.5 porsyento lamang.
“Kailangang bigyan na ng tugon ngayon ang pagbubuntis ng mga batang babae kung nais nating buuin ang maginhawang kinabukasan,” sabi ni Abellera. Anumang pangyayari sa populasyon ay may mahalagang epekto sa pamahalaan," dagdag pa ni Abellera.
“Mabilis ang pagdami ng bilang ng kabataang nabubuntis sa rehiyon mula noong 1998 na nagkaroon ng 9.8 porsyento na tumaas sa 21.8 porsyento noong 2003 at umabot sa 26 porsyento noong 2008,” ayon sa direktor.
Kung magpapatuloy ang nasabing kaganapan, ang pagbubuntis ng mga batang babae sa Bicol ay posibleng lumampas pa sa 30 porsyento ngayong taon, ayon sa Popcom Bicol.
“Nagunguna ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa timog silangang Asya sa bilang ng kabataang nabubuntis,” sabi ni Abellera sa isang panayam sa radyo.
"Ang adolescent fertility na porsyento ng mga kabataan na nabuntis sa Pilipinas na may gulang 20 hanggang 24 ay nanatiling mataas kahit na bumaba ito ng konti sa 46.8 porsyento noong 2008 kumpara sa 48.5 noong 2003," sabi nito.
“Ngunit higit na nakakabahala ang adolescent fertility sa edad 18 na tumaas sa 14.4 porsyento noong 2008 kumpara sa 11.9 porsyento noong 2003 at mga may edad 19 na nagtala ng 24.1 porsyento noong 2008 mula sa 23.5 noong 2008,” ayon pa dito.
Samantala, ang total fertility rate (TFR) na bilang ng panganganak ng isang babae na maaring magkaroon siya ay bumaba ng konti sa rehiyon Bikol sa 4.1 noong 2008 galing 4.3 noong 2003. “Noong 1993, ang TFR ay nasa 5.9 at bumaba sa 5.4 noong 1998,” dagdag ni Bolaños.
“Ang pagbubuntis ng kabataang babae ay magdudulot ng pagbagsak ng potensyal ng isang tao na magkaroon ng magandang kinabukasan ayon sa naabot na antas ng pinag-aralan, trabaho, sahod at marami pang iba,” sabi ni Bolaños.
Ang sitwasyon ay pinapalala pa ng katotohanang hindi pa handa ang kabataan sa aspetong pisikal at emosyonal para sa pagdadalangtao at hamon ng pagiging magulang," sabi pa nito.
“Palaging mayroong panganib ng kamatayan sa ina at sanggol at malaking tsansa ng pagiging iresponsableng magulang sa pagbubuntis ng kabataan,” sabi ni Abellera.
Idadaos ng POPCOM Bicol ang World Population Day sa Hulyo 11 na may paksang-gawaing “Magsikap para sa masaganang kinabukasan, Tugunan ang Pagdadalangtao ng Kabataan Ngayon,” sabi ni Abellera. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment