By Rosalita B. Manlangit
DAET, Camarines Norte, Hulyo 15 (PIA) -- Nakaalerto ang mga lokal na pamahalaan sa Camarines Norte kaugnay ng pagtaas na kaso ng dengue sa lalawigan at ang pinaghihinalaang “chikungunya” sa bayan ng Sta. Elena.
Ayon kay Mary Ann Rivera, Health Education Program officer ng Department of Health (DOH), nagpalabas na sila ng Department Order Memo sa mga lokal na pamahalaan upang paigtingin ang 4 o’clock habit bilang stratehiya upang malabanan ang pag-atake muli ng mga lamok na nagdadala dengue sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.
Sinabi niya na simula Enero hanggang Hulyo ngayon taon nakapagtala ng 37 kaso ng dengue kumpara sa 14 sa kaparehong mga buwan ng nakaraang taon.
Aniya mataas na kaso ng dengue na umabot sa 24 ang naitala sa buwan ng Hunyo ngayong taon at walang pang kasong naitatala sa buwan ng Hulyo.
Kabilang sa mga apektadong lugar ng dengue at kasama sa 37 kaso sa kalahatiang taon ng 2013 ay ang bayan ng Daet at Labo na may parehong siyam na kaso, pito sa Jose Panganiban, kapwa tig-tatlong kaso naman sa bayan ng Paracale at San Lorenzo Ruiz, tig-dalawa Mercedes at Basud samantalang tig-isang kaso naman sa Talisay at Vinzons. Isang batang babae na may pitong taong gulang ang namatay dahil sa dengue sa bayan ng Labo.
Kabilang pa rin sa mga pagkilos ng DOH ay ang technical assistance sa mga lokal na pamahalaan lalong lalo na sa mga lugar na apektado nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta o “logistic support”.
Ganon din ang pagbabantay o monitoring sa mga lugar na may kaso ng dengue kung saan nagkaroon ng “clustering” na kanila na ring binibigyan ng pansin.
Dagdag pa ni Rivera ang mga doktor sa mga Rural Health Units (RHUs) sa mga bayan ay may sapat na kaalaman upang matugunan ang ganitong mga kaso dahilan sa karagdagang kasanayan mula sa Center for Health Development (CHD) ng DOH.
Samantala may 323 katao ang pinaghihinalaang may “chikungunya” ang naitala, 213 nito ay naitala noong ika-4 ng Hulyo at 110 noong ika-9 ng Hulyo sa bayan ng Sta. Elena ayon kay Mayor Bernardina Borja.
Aniya ito ay hinihinalang “chikungunya” dahil sa mga sintomas na pinapakita nito at hindi pa ito kumpirmado.
Sinabi ni Mayor Borja ang chikungunya virus ay hindi nakakamatay at nagsasagawa na rin sila ng kampanya ng paglilinis ng kapaligiran upang makaiwas sa lamok na nagdadala nito at maging ng dengue.
Aniya ang mga may hinihinalang “chikungunya” ay pinainom ng paracetamol at multi-vitamins.
Ang chikungunya virus ay “arthropod-borne virus” ng “genus alphavirus” na naisasalin sa pamamagitan ng lamok na “aedes aegypti.”
Ito ay isa ring viral disease ay nakakahawig sa dengue tulad ng mataas na lagnat, rushes, masakit na kasu-kasuan, pananakit ng ulo, pagsusuka at panghihina. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment