BY: ROSALITA B. MANLANGIT
DAET, Camarines Norte, Agosto 29 (PIA) -- Patuloy sa pamamahagi ng mga kalabaw at baka ang pamahalaang panlalawigan Camarines Norte sa ilalim ng Animal Dispersal Program
Ayon kay acting provincial veterinarian Dr. Ronaldo U. Diezmo, ang mga hayop ay aalagaan ng mga benepisyaryo bilang palahiang hayop upang maparami ang mga ito at maaring maging katulong sa mga gawain sa bukid
Aniya, kailangan rin na gawaan ito ng bahay kanlungan at panatilihing malusog sa pagbibigay ng tamang pag-aalaga, pagkain at gamot na kinakailangan. Ito ay hindi maaaring alisin o ilipat ng barangay ng walang opisyal na pahintulot ng tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo at agad na ipakita anumang oras na ito ay kailangang masuri ayon pa rin kay Diezmo.
Ang naturang mga hayop ay libreng ibinibigay at ang magiging anak nito ang pagmamay-ari ng benepisyaryo at ililipat naman ang inahin sa susunod na tatanggap.
Kailangan din na ipagbigay alam agad ang araw ng kapanganakan nito sa opisina ng beterinaryo upang maitala ang paglilipat nito sa susunod na benepisyaryo sa paghihiwalay ng hayop mula sa 10 hanggang 12 buwang edad nito.
Ayon pa rin sa pahayag ni Diezmo, kung hindi mapapangalagaan ang hayop ayon sa kondisyon at patakaran ng programa ay may karapatan ang pamahalaang panlalawigan na idulog ang suliraning ito sa barangay o kaya ay kunin sa pangangalaga ng benepisyaryo ng walang pananagutan at walang usaping hukuman, mawawalan din ng tuluyan ng pribelihiyo na tumanggap ng anumang kaloob o benepisyo sa tulad na programa.
Ang mga benepisyaryo ay pinili na mayroong pastolan at may kakayahang mag-alaga ng hayop batay sa panuntunan ng ProVet.
Samantala, naipamahagi na ang 87 alagaing hayop kung saan nakatakda na rin ibigay sa buwan ng Setyembre ngayong taon ang 28 karagdagan sa kabuuang 115 para sa taong 2012 na mayroong pondong 3.6 milyon. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment