BY: SALLY A. ATENTO
LUNGSOD NG LEGAZPI, Agosto 29 (PIA) -- Bilang paggunita sa ika-148 kaarawan ni Heneral Simeon A. Ola, ang kahuli-hulihang Albayanong heneral ng Himagsikan na sumuko sa mga kawal-Amerikano noong Digmaang Pilipino-Amerikano, idineklara ng MalacaƱang ang Setyembre 2, Lunes, na special non-working holiday sa probinsiya ng Albay
Ang deklarasyon ay ginawa ng MalacaƱang sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 635 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. noong Agosto 22, upang bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Albay na lubusang maipagdiwang ang kaarawan ni Heneral Ola at malahukan ang mga seremonyang itinakda sa nasabing araw.
Ang paggunita sa kanyang kaarawan ay pamumunuan ni Albay governor Joey Salceda na katatampukan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang monument sa Guinobatan at police regional camp sa Lungsod ng Legazpi sa Sept 2.
Ang nasabing kampo ay isinunod sa kanyang pangalan.
Si Ola ay isinilang noong Setyembre 2, 1865 sa Guinobatan Albay nina Vicente Ona at Apolonia Arboleda.
Taon 1896 nang siya ay tumigil sa pag-aaral sa Pamantasan ng Nuweba Caceres sa Lungsod ng Naga para sumapi sa Katipunan sa kanilang bayan sa lalawigan ng Albay.
Pagkatapos ng madugong labanan sa Camalig, Albay noong 1898 siya ay naging kapitan at naitaas bilang “major” pagkaraan ng pananambang na nagbunga sa pagkadakip ng tatlong kawal-Amerikano.
Nanguna rin siya sa mga pagsalakay sa mga bayan ng Oas, Ligao at Jovellar sa Albay. Nang malaunan, sumuko siya sa mga Amerikano sa kondisyong bibigyan ng amnestiya ang kanyang mga tauhan.
Si Ola ay nilitis at nahatulang mabilanggo ng 30 taon sa salang sedisyon.
Taong 1904 nang bigyan siya ng kapatawaran at umuwi sa kanyang bayang sinilangan. (MAL/SAA – PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment