BY: ROSALITA B. MANLANGIT
DAET, Camarines Norte, Agosto 29 (PIA) -- Tinalakay kamakailan sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) ang pagtukoy kasabay ng kaukulang tugon para sa mga lugar na posibleng magkaroon ng sakuna at kalamidad sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon kay acting assistant coordinator Thelma Bardon ng Provincial Planning and Development Office ng pamahalaang panlalawigan na sa paraang ito mabigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga lugar dito na maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa, lindol, pagbaha at pagtaas ng tubig o tsunami bilang pag-iingat hindi lang sa panahon ng kalamidad.
Dagdag ni Bardon na kabilang sa mga lugar na posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa dulot ng pag-ulan ay ang bayan ng Capalonga, Labo, Sta. Elena at Basud.
Aniya, ang bayan ng Daet at Vinzons ay maaaring magkaroon ng pagbaha dulot pa rin ng ulan at kabilang rin dito ang bayan ng Capalonga at Sta. Elena sa mga lugar na maaaring apektado nito ganundin ang iba pang bayan.
Ayon pa rin kay Bardon, ang mga lugar naman na posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa sanhi ng lindol sa lakas na Intensity VII ay ang bayan ng Basud, Mercedes at Daet.
Kabilang pa rin sa lakas na Intensity VI ang bayan ng Basud at Mercedes ganundin ang Labo, Vinzons at San Lorenzo Ruiz kasama pa rin ang bayan ng San Vicente, Daet, Paracale at Talisay.
Samantalang sa lakas na Intensity V ay maaaring maapektuhan ang bayan ng Capalonga, Jose Panganiban at Sta. Elena kabilang din ang Labo at Paracale ganundin ang Vinzons, San Lorenzo Ruiz at San Vicente.
Ito ay base sa isinagawang pag-aaral ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOCLS) upang makakuha ng mga datus ng probinsiya tungkol sa sakuna at kalamidad sa Camarines Norte.
Ang pagpupulong ng PAFC ng Camarines Norte ay isinasagawa sa bawat buwan upang pag-usapan ang lahat ng bagay na makakatulong sa mga magsasaka ng proyektong pangkabuhayan ng mga produktong pang-agrikultura. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment