DAET, Camarines Norte, Agosto 29 (PIA) -- Patuloy na pinaiigting ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang pamimili ng palay ng National Food Authority (NFA) dito upang matugunan ang pangangailangan sa suplay ng bigas sa lalawigan.
Ayon sa pahayag ni Sonia CastaƱeda ng NFA Camarines Norte , nakaimbak sa kanilang bodega ang 48,230 sako ng palay, 7,364 sako ng palay na mula sa sa mga lokal na magasasaka at 14,911 sako ng inangkat na bigas na sapat na suplay hanggang sa Disyembre ngayong taon.
Sa pagsusubaybay ng tanggapan sa mga pamilihang bayan dito, ang pinakamurang bigas ay umaabot sa P31 hanggang P34 bawat kilo, ang regular milled rice ay P35 ang mababa at P38 ang mataas sa bawat kilo.
Ang magandang klase ng bigas naman o well milled rice ay P38 ang pinakamababa at P41 ang pinakamataas sa bawat kilo at P40 ang modal o most coated price na pinakamaraming presyo sa pamilihan.
Mabibili ang NFA rice dito sa halagang P27 bawat kilo at P1,250 naman ang halaga sa bawat bags ng bigas na mabibili sa tanggapan ng NFA.
Ayon pa rin kay CastaƱeda, ang sitwasyon sa mga pamilihang bayan dito ay mataas ang presyo ng commercial rice dahil wala pa sa panahon na anihan ng palay at sakaling makapagsimula na ng pag-ani sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre ay magiging normal na ang suplay at presyo ng bigas sa Camarines Norte.
Sa ngayon, gumagawa ng paraan ang naturang tanggapan para marating ang lugar ng mga magsasaka upang sila na ang mamili ng mga palay.
Nakatakda rin na magbukas ang NFA dito ng buying stations sa mga malalayong lugar sa lalawigan kabilang na ang Capalonga at Sta. Elena at mobile team naman sa mga walang buying stations.
Ang tanggapan ng NFA ay mayroong 163 outlets sa Camarines Norte na nagbebenta ng bigas sa mga pamilihan, sa mga barangay at mga parokya sa lalawigan. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment