BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LEGAZPI CITY, August 29 (PIA) – Ang bayan ng Garchitorena sa Camarines Sur ay naging paksa ng mga usapin noong katapusan ng dekada 80 dahilan sa kontrobersyal na transaksiyon sa lupa na sangkot ang Garchitorena estate sa ilalim ng voluntary offer to sell (VOS) sa mga unang taon ng pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Subalit sa ngayon, ang Garchitorena ay nabawi ang kanyang nadungisang pagkakakilanlan sa pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan na mabuhusan ng serbisyo ang dating sinasabing tuyot na lupa.
“Ang 130-kilometrong daan galing ng Lungsod ng Naga hanggang Garchitorena ay limang oras na paghihirap sa alikabok kung tag-init at madulas na putikan kun tag-ulan, o kaya sa maligalig na dagat,” sabi ni Municipal Agrarian Reform Officer (MARO) Elmer Paris. Si Paris ay isa sa mga saksi sa isinagawang imbestigasyon sa kontrobersiya noong 1989 at ngayoon ay magreretirong MARO sa bayan ng Goa.
Ang kawalan ng modernong teknolohiya sa pagsasaka, mahinang irigasyon at suliranin sa insurhensiya ang nagpalala pa ng suliranin ng mga mamamayan. Ang mga tauhan ng iba-ibang ahensiya ng pamahalaan na nagtangkang magsagawa ng tulong ay nakatanggap ng pananakot sa mga rebelde. “Maswerte ang DAR na katangitanging ahensiya ng pamahaalan na pinahintulutang pumasok sa lugar noon,” pagbabalik-tanaw ni Paris.
Ang pagbabago ay dumating pakalipas ng 23 taon sa pag-apruba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa subdivision survey sa mga lupaing sakop ng repormang agraryo. Ang pinakahihintay na suportang serbisyo galing sa DAR at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay inihahanda na ngayon para ipatupad.
Sa ngayon, may kabuuang P208,3481M galing sa DAR-Agrarian Reform Communities Project Phase 2 (ARCP2), Department of Agriculture para sa suportang produksiyon at proyektong imprastruktura, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Coconut Authority (PCA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nangako din ng suporta bilang tugon sa Indicative Development Plan ng Garchitorena.
“Namangha kami sa kagustuhan at pagkauhaw ng mga mamamayan na paglingkuran ng pamahalaan,” sabi ni Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Ramon Fuentebella sa isinagawang seremonya sa ground breaking sa rehabilitasyon ng Poblacion-Ason farm-to-market-road (FMR) sa ilalim ng ARCP 2 galing sa pondo ng Asian Development Bank (ADB) sa halagang P14.6M. dagdag pa dito, may iba pang sub-projects sa ilalim ng ARCP 2 na may kabuuang halaga na Php 47,992,585.84 milyon ang nakompleto na o isinasagawa pa, ayon sa DAR Bicol.
“Ang aming programang pagtutulungan ay nakatuon sa lugar para sa repormang agraryo sa Barangay Pambuhan at Canlong sa Garchitorena para sa mas epektibo at malawak na paglilingkod,” sabi ni DAR Bicol Regional Director Maria Celestina Manlañgit-Tam.
Ayon kay PARPO I Maria Gracia Sales, ang Pambuhan Canlong Farmers Organization (PACAFO) ay nabuo at naitala sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakaraang taon na mayroong 106 miyembro. “Ang pagkakaroon ng agrarian reform beneficiaries organization (ARBO) ay kinakailangan sa pagpapatupad ng suportang serbisyo,” sabi ni Sales. Sa ngayon, ang PACAFO ay nakatatanggap na ng tatlong capacity development (CAPDEV) interventions sa DAR, dagdag ni Sales.
Sa kasalukuyan, ang pangunahing convergence program sa Garchitorena ay ang Coconut Seedlings Dispersal Project (CSDP) na unang pagtutulungan sa bansa ng DAR at PCA sa Bicol. Ngayong taon, si Tam at PCA Administrator Euclides Forbers ay naglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagpapabilis ng pagtatanim ng niyog sa buong rehiyong Bicol.
“Itinayo ang isang ektaryang coco seedling nursery sa Pambuhan na tinatayang magkakaroon ng 75,000 seedlings para sa 500-ektaryang bahagi ng dating Garchitorena Estate na ipapamahagi sa 800 magsasaka,” sabi ni Tam.
“Ikinagalak namin ang pagdalo ng maraming ARBs na lampas 300 noong isinagawa ang oryentasyon para sa proyekto, patunay ng kanilang entusiyasmo para tulong pangkaunlaran,” sabi ni Fuentebella. "Ang unang tatlong taong implementasyon ng proyekto ay nangangailangan ng masusing pagmamanman upang maseguro ang mataas na high survival rate of seed nuts," dagdag ni Fuentebella.
Naipadala na ang 45,000 seed nuts sa PACAFO na aalagaan sa loob ng anim na buwan sa isang ektaryang pasilidad na kalauna’y ipamamahagi sa unang grupo ng benepisyaryong 345 karami. Ang PACAFO ang maglalaan ng manggagawa sa pagpili ng seed nuts, pagbakod, paglagay ng water pump, at pagdilig ng coco seedlings.
Samantala, ang DAR ang magbibigay ng kagamitan sa water management, pambakod at iba pang pangangailangan. Dagdag pa, nagtalaga ang DAR ng mga tagapangasiwa sa loob ng anim na buwan upang ayusin ang project site at seguruhin ang kaligtasan ng mga kagamitan sa nursery at ng seedlings dahilan sa distansiya ng kabahayan ng mga magsasaka sa nursery site.
Sa ilalim ng proyekto, ang bawat benepisyaryo ay obligadong magbayad ng kalahati ng kabuuang natanggap nilang seedlings pakatapos ng 7 taon na ipamamahagi rin sa iba pang magsasakang benepisyaryo sa sistemang roll-over. “Ang sistemang ito ay magtuturo sa mga miyembro ng kanilang panlipunang responsibilidad sa kapwa magsasaka upang magpatuloy ang proyekto,” sabi ni Sales.
“Ang proyektong nyugan ay isa lamang sa maraming tulong na inihahanda sa Garchitorena,” sabi ni Tam. Ngayong buwan, ang DAR, DA na pinamumunuan ni Regional Director Abelardo Bragas, PCA Officer-in-Charge Eduardo Allorde, at ang BFAR ay nagkaroon ng pagpupulong upang mapalawak pa ang pagtutulungan sa pagbigay serbisyo sa Garchitorena.
Gayundin, nakita ni DAR Camarines Sur Provincial Information Officer Gerry Buensalida ang potensiyal sa turismo ng Kinahulugan Falls sa Barangay Ason at ang kalapit na Baticarao Island na may maputing baybayin. “Marami ang maaring ialay ng Garchitorena na kailangan lamang linangin,” sabi ni Buensalida.
“Naniniwala ako na dumating na ang araw ng Garchitorena na makilala at magningning tulad ng isang phoenix na nagbangon sa abo,” sabi ni Tam. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment