BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Agosto 30 (PIA) -- Tahanan ng 'almost perfect cone-shaped' na Mayon Volcano sa Albay, pinakamalaking isda sa mundo na Butanding sa Sorsogon, isa sa mga tanyag na debosyon sa bansa na Peñafrancia novena sa Camarines Sur, malaparaisong baybayin sa buong rehiyon, malinamnam na mga kakanin at makukulay na mga kapistahan, ang Department of Tourism (DOT) ay naghahanda ngayon sa gagawing regional tourism summit sa huling linggo sa buwan ng Setyembre.
“Ang pangunahing layunin ng Regional Tourism Summit 2013 ay magkaroon ng pagkakataon ang mga travel at tourism practitioners bilang mga katuwang namin na maunawaan ang Republic Act 9593 o ang National Tourism Act of 2009 at ang 2015 Millennium Development Goal (MDG) ni Pangulong Benigno Aquino III,” sabi ni DOT Bicol regional director Maria Ravanilla sa Philippine Information Agency (PIA).
Sa isang project brief na pinadala sa PIA, sinabi ng DOT Bicol na inaasahan sa pagtitipon na mapaunlad ang pag-unawa at kakayahan ng mga lokal na ehekutibo, kasapi sa lehislatura, planning officers, tourism officers, komite sa turismo, environment officers, permits and licensing officers at cultural workers at practitioners ng mga local government units sa buong rehiyon sa pagbuo ng kanilang sariling tourism development plan na magreresulta sa sustenableng kaunlaran ng turismo.
Inaasahan din na magsasagawa ng kaukulang aksyon na magseseguro ng tagumpay ng MDG sa taong 2015 na gagawing priority ng mga provincial stakeholders bilang resulta ng regional summit, dagdag Ravanilla.
Kabilang sa mga paksa sa gaganaping summit ay ang Tourism Act of 2009, National Tourism Development Plan na nakatuon sa tourism promotional services para sa turistang internasyonal at lokal, tourism development planning services, pamantayan sa pasilidad at serbisyong pang-turismo, sitwasyon ng pambansang turismo, pandaigdigang sitwasyon sa industriyang turismo na nakatuon sa agri-tourism, sports adventure, food tourism, community-based tourism, sitwasyon ng turismo sa Bikol, pagsasabay sa pagpapasya sa lokal na antas ng pambansang plano sa pagpaunlad ng turismo.
Ayon kay Ravanilla, inaasahan si Kalihim Ramon Jimenez ng DOT bilang keynote speaker sa summit kasama ang iba pang tagapagsalita sa plenaryo na binubuo nina Undersecretary for Tourism Services and Regional Operations Maria Victoria Jasmin, Assistant Secretary for Tourism Planning and Promotions Domingo Ramon Enerio III, Assistant Secretary Rolando Canizal, at Acting Undersecretary Daniel Corpuz.
Ayon pa kay Ravanilla, ang pagtitipon ay magandang pagkakataon upang magplano at gumawa ng mga estratehikong layunin sa pagpaunlad ng turismo sa rehiyon.
“Magkakaroon ng mga gawain na nakatutok sa pangunahing sadya at estriktong pagsusog sa ating regional branding, kooperasyon at pagtutulungan bilang isang rehiyon, isang destinasyon ng karanasang turismo,” sabi ni Ravanilla.
Ayon p kay Ravanilla, nagkakaroon sa ngayong ng umuunlad na interes sa sustenableng pagpapaunlad ng turismo sa mga probinsiya, commercial operators, aid organizations at conservationists.
Dagdag pa niya, ang Regional Tourism Summit 2013 ay magsasama-sama ng mga respetadong utak sa industriya ng turismo at paglalakbay na magtatalakay ng pandaigdigang travel trends.
“Inaasahan naming dadalo ang 500 to 800 delegado galing sa anim na probinsiya ng rehiyon, pakikinggan ang anim na presentasyon sa plenaryo ng mga eksperto sa turismo at paglalakbay at sumali sa fora at workshops sa aktwal na mga isyu na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng pangangasiwa ng mga destinasyong pang-turismo,” sabi ni Ravanilla.
Ang aktibidad ay suportado ng Department of the Interior and Local Government, Civil Service Commission, National Economic and Development Authority, Department of Public Works and Highways, Commission on Higher Education, Department of Environment and Natural Resources, Department of Trade and Industry, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Science and Technology at ng PIA. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment