By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Agosto 5 (PIA) -- Tampok ang programang pangkaligtasan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMC) kaugnay sa isinagawang Talakayan sa PIA sa tanggapan ng PDRRMO ng pamahalaang panlalawigan sa kapiltoyo probinsiya.
Ayon sa pahayag ni PDRRM Officer Dr. Carlos Galvez nakatuon ang kanilang tanggapan sa adbokasiya lalo na sa DRRM climate change bilang pagsunod sa tagubilin ng Office of the Civil Defense (OCD) ay inuna ang pagpapalakas ng bolunterismo sa Camarines Norte at ang malaking hakbang na ginawa ay ang Mass Registration ng lahat na nagtapos ng National Service Reserve Corp.
Nakahanda naman na tumulong anumang oras sa panahon ng kalamidad ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na sumusuporta sa mga isinasagawang adbokasiya ng pamahalaan kaugnay sa paghahanda sa kalamidad ganundin ang mga kasundaluhan ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Michael M. Buhat.
Ayon kay Buhat, makakaasa ang mga mamamayan sa mga kasundaluhan at laging handa upang sumuporta sa alinmang ahensiya ng pamahalaan na nangangailangan ng kanilang tulong lalo’t higit sa manpower at mobility kung saan ito ay tulong para sa buong probinsiya at ang kanilang mga kagamitan ay handang itulong kung kinakailangan kapag mayroong kalamidad.
Ang tanggapan naman ng Provincial Planning and Development Office ng pamahalaang panlalawigan ay gumagawa ng mga pagpaplano na dapat paghandaan sa kalamidad at tumutulong sa pagbuo ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Plan katuwang ang PDRRMC sa lalawigan.
Dumalo rin sa talakayan si Theresa Orendain, kinatawan mula sa D.Q Liwag National High School na ang naturang paaralan ay binigyan ng parangal sa unang puwesto para sa Best School Rural Category.
Ito ay kaugnay sa isinagawang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan) kung saan muling itinanghal ang lalawigan ng Camarines Norte bilang Best PDRRMC sa rehiyong bikol.
Kabilang sa dumalo mula sa mga ahensiya ng pamahalaan ang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP) Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Planning and Development Office (PPDO) at ng PDRRMO.
Ang naturang talakayan ay kaugnay pa rin sa paggunita ng National Disaster Consciousness Month ng buwan ng Hulyo sa temang “Ligtas na bayan, maunlad na pamayanan.” (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment